A love that needs an acceptance.
Isang linggo matapos ang gulo nina Aris at Foji. Nasa dean cafe si Aris at hinihintay ang nobyo. Nakiusap kasi ito na magkita sila.
"Aris.. love." Bungad ng lalaki. Niyakap nito si Aris ng mahigpit at hinalikan ang sintido. Gumanti naman ng yakap ang babae. "I'm sorry, love.. I missed you so bad."
Saglit silang nanatili doon at nagusap. Agad na napatawad ni Aris si Foji. Ganoon naman siya lagi. Kahit na hindi pa ito humihingi ng paumanhin ay pinapatawad na niya ito.
Ang lagi kasing nasa isip nito ay hindi magiging maayos ang lahat kung paiiralin ang pride na nararamdaman. Kaya't kahit nagtatampo ay pinatawad niya pa rin ito at hinayaan na bumawi ito sakaniya.
At katulad ng inaasahan niya, bumawi si Foji sa isang linggo na hindi nila paguusap. Dinaldal siya nito at dinala sa mga paborito niyang lugar.
"Aris, naalala mo ba dito? Sa lugar na 'to mo ako sinagot." Nakangiting paalala ni Foji kay Aris. "Dito din tayo nagkabati noong nagaway tayo."
Tumango si Aris. "Ang ganda-ganda pa rin nv lugar na 'to. Halatang inalagaan kahit matagal ng panahon ang nakalipas."
"I buy this land, Aris."
"What? Bakit mo binili? Tatayuan mo ng bahay?"
Umiling ito. "I just realized, this place is so precious to us. Kaya bago pa nila magalaw ang lupa binili ko na. Nagbabayad ako ng nga tauhan para maalagaan ang paligid nito. At, mukha namang naalagaan nga." Nakangiti iyong sinabi ni Foji.
Nang mapansin niya ang pananahimik ay nilingon niya ang babae na naiiyak na at nakatingin sakanya.
"Bakit ka umiiyak? Hey, love." Hinawakan ng lalaki ang pisngi ng babae at tinignan ng malapitan. "Why?"
Umiling ito. "I'm just happy. Ano ba! Tears of joy 'to." Tumatawa pa ito sa dulo pero niyakap din kaagad si Foji. "Thankyou, so much."
"You don't need to thank me, love."
"Still, thank you for taking care of our favorite place. Mahal kita."
"Mahal din kita, sobra."
________________
Lame. :))