Ang pagmamahalan ay may katapusan.
Ilang linggo pagkatapos ng nangyari sakanilang dalawa ay hindi na nagparamdam si Foji. Bigla na lang itong nawala at hindi nagpakita. Sa buong ilang linggo na iyon ay iniiyakan ni Aris ang sarili niya.
Puro doubt at overthink ito. Iniisip niya kung umalis ba si Foji dahil nakuha na nito ang gusto niya o dahil may kailangan na naman itong gawin sa malayo at hindi siya magawang sabihan.
Halos isubsob niya ang sarili sa pagiyak sa sarili niyang kwarto. Minsan ay lumalabas para lang uminom ng tubig o kung dadalawin ng gutom ay kakainin ang mga ready-to-eat niyang stock sa condo.
Those weeks became disaster for her. Not until she recieved a text from Foji.
[Mahal]
Let's meet at dean cafe's now, Aris.Nang makita niya iyon ay nagayos agad siya, lumabas ng presentable at pumunta sa lugar na sinabi ni Foji. Habang naglalakad pa siya ay nararamdaman niya ang pandadaga sa dibdib niya.
Halos hindi ito magkumahog sa pagdambol at halos paulit-ulit na niyang kinukurot ang gilid ng kamay. Ginigising ang sarili para mas maayos silang magkausap ni Foji.
Kinakabahan ako, dinadaga ako tangina.
Nang makapasok siya ay nakita na niya si Foji. Prenteng nakaupo, nakasuot ng white polo at black coat. Agad niya itong tinakbo at niyakap. Dahil wala namang tao sa loob ay nagawa niya iyon ng hindi siya nahihiya sa makakakita.
Nagtagal ang yakap niya at halos maginit na naman ang mata niya dahil hindi niya naramdamang gumanti ng yakap si Foji sakanya. Wala 'yong mahigpit na yakap at halik nito sa sintido ng babae.
"Foji...Akala ko ano ng nangyari sa'yo. Hindi ka nagparamdam-" hindi pa man nito natatapos ang nais sabihin ay pinigilan na siya ni Foji.
Gamit ang malamig nitong titig ay halos ilang beses siyang napalunok. Wala ng pagmamahal sa mata niya. Iyon na naman ang pandadaga sa dibdib niya.
"I asked you here because I want to tell you something about our relationship, Aris." Malamig at malalim ang boses nito. Paikot-ikot sa isip niya iyon. "And...Hindi ko na patatagalin 'to. I want a breakup with you, Aris."
"W-What? N-Nagbibiro ka lang ba, M-Mahal?"
"Stop calling me, Mahal. It disgust me."
Naginit ang mata ni Aris, pinipigilan ang pagtulo ng luha nito at maging ang mga kuko ay kinukutkot na niya.
"F-Foji, a-ano ka ba wag ka ngang m-magbiro-"
"I'm not kidding, Aris." Inayos nito ang coat niya at tumayo. "Let's breakup. And, welcome for the almost 18 years."
Iniwan siya nitong umiiyak. Namumula ang buong mukha at hindi alam ang gagawin. Halos pigilan ang paglakas ng mga hikbi. Nang tignan niya ang cellphone niyang tumunog ay lumabas doon ang pangalan ng nobyo.
[Mahal]
Stay away from my life. I only need your body, Aris.Sa mga linyang iyon ay lalo ng lumakas ang paghikbi niya. Pinagtitinginan na siya ng mga staff sa Cafe.
"A-Ang daya-daya mo..." Aris whispered.
15 years ago.
"Iiwan mo kaya ako kapag tumanda na tayo?" Aris asked her boyfriend. Nasa court sila ng school nila dahil vacant. "Imagine, nagsawa ka sakin kaya makikipaghiwalay ka na."
"Ano ba 'yang iniisip mo? Hindi ko gagawin 'yon, Aris. Ang promise ni Foji ay tutuparin ni Foji." Ngumiti ito sakanya at sinubuan siya ng fishball.
"Eh, what if lang diba. Syempre, pagdating ng mahabang panahon magsasawa ka rin at baka iwan mo ako."
"Ang kulit." Iiling-iling nitong binaba ang baso ng fishball at hinarap ang babae. "Hindi ako makikipaghiwalay sayo. Sabi ko naman sayo diba? Mapapagod o magsawa man tayo sa isa't isa hindi tayo maghihiwalay. Mahal kaya kita, malakas ka sakin, eh."
"Sigurado ka?"
"Yeah, hanggang dulo."
"Oh, pinky promise!" Itinaas nito ang maliit na daliri at hinarap sa lalaki. Ngumiti naman ito at inilock ang maliit na daliri sa daliri ng babae.
"Pinky promise!" Sabay silang tumawa bago nagsubuan ng fishball.
Sa mainit at masinag na araw ay saksi ang lugar na iyon sa pangako ni Foji.
Ang pangakong hindi sila maghihiwalay. Ang pangakong binitawan ng lalaking pinakamamahal niya.
Kahit pala anong pagtitiwala ay laging may resulta. Masama o mabuti, dalawa lang ang choices at kung ano ang napili ng tadhana ay kailangang tanggapin.
Ang mga pangakong naitago ng matagal na panahon ay paunti-unti nang nawawala.
Nabibitawan kahit wala pa sa dulo.
Sa pagitan ng pagmamahal.
Sa dulo ng pagtupad.
________________
Dont make promises, everyone. :))