06

16 2 2
                                    

Ang tiwala sa pagmamahal ay may kapalit.

Gabi na, alas-dies na ng gabi pero halos lunurin pa rin ni Aris ang alak sa harap niya. Hindi na siya umiiyak pero ramdam na ramdam niya ang pagbibiyak ng sakit sa dibdib niya.

Andami niyang tanong sa isipan at lahat iyon ay gusto niyang malaman ang kasagutan. Pero ano nga namang nakaupo lang siya dito sa high-chair ng bar at nagpapakalasing.

Tumayo siya pagkatapos niyang magbayad. Marami na siyang nainom at hilong-hilo na ang paligid niya. Sinubukan niya. Sinubukan niyang tumayo ng maayos para makarating sa Condo ni Foji. Sa Condo kung saan nakuha ang katawan niya.

Tangina naman, tama na...

Ilang beses na niya iyong sinasabi hanggang sa marating niya ang pinto ng lalaki. Nagulat pa siya nang hindi pa nagbabago ang passcode noon. Pagkapasok niya ay bumungad si Foji, nakasuot ng itim na t-shirt, nakakunot ang noo at nakatayo sa harap niya.

"Aris, anong ginagawa mo dito?" Hinawakan siya nito sa braso para ilabas pero inilaban niya ang sarili para mabitawan at dumiretsyo sa sofa. "Aris!"

"Ano!? Ano 'yon, Foji!?" Sigaw niya. Naninikip na naman kasi ang dibdib niya. "Tinatanong mo ako anong ginagawa ko dito? G-Gusto ko lang tanungin anong dahilan mo para h-hiwalayan ako." Nagsimula na naman ang pagtulo ng luha niya.

Kahit kailan ay hindi niya pinakitang mahina siya. Walang kahit sino ang nakakakita na umiiyak siya. Pero ngayon ang tapang-tapang niyang umiyak sa harap ng lalaking mahal niya.

"I already told you-"

"No! Hindi katawan ko ang habol mo, Foji! Hindi! Kasing kung katawan ko matagal mo na akong binaboy. Matagal mo na sana akong dinurog!" Hindi dapat siya sumisigaw pero alam niyang hindi siya makakapagsalita kung hindi siya sumisigaw. Ganoon siya umiyak. Hindi mo maririnig ang nais niyang sabihin dahil sa iyak niya. "Nasasaktan ako ng sobra, Foji. Papayagan naman kita, eh. P-Papalayain naman kita, p-pero sana naman....m-may magandang rason."

"Baby, sinong dumating-" nabitawan nito ang damit na hawak at laglag ang panga siya nitong tinignan.

Ganoon din ang paningin ni Aris at halos mabuwal siya sa kinatatayuan ng makitang naka bathtrobe lang ito.

"A-Aster..." Ilang beses niyang sinubukan magsalita. Ilang beses niyang sinubukang maglabas ng salita pero halos mawala ang boses niya at dagain ang buong pagkatao niya.

"Aris... a-anong ginagawa mo dito?" Umiling siya bago nilingon si Foji. Si Foji na nakatingin kay Aris habang tumutulo ang luha. "F-Foji, ano ba..."

Lumapit si Foji kay Aris at lumuhod sa harap nito. Pareho silang umiiyak. Pareho silang nasasaktan.

"A-Aris... Sorry, p-patawarin mo ako." Anito. "H-Hindi ko kayang m-magsabi ng totoo sayo k-kasi alam ko m-masasaktan ka-"

"F-Foji, anong... anong mayroon sainyo ng kaibigan ko?" Kahit dinadaga pa ang dibdib ni Aris ay nagsalita ito. "A-Anong, bakit nandito si Aster...."

"Aris.." Aster with her pleased eyes.

"I... I did something b-bad, Aris.." Nauutal na sagot ng lalaki. Patuloy lang ang paglandas ng luha nila. Paulit-ulit na sinasaksak sa sakit. "N-Nabuntis ko s-siya... Aris, my l-love sorry..."

Tuluyang nabuwal sa kinatatayuan si Aris. Nanginginig ang bibig at parang tubig ang agos ng luha niya. Umiiyak na rin ang kaibigan niya. Si Aster na pinagkatiwalaan niya.

"P-Paano niyo..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya kaya tinakpan niya ang bibig at umiyak ng umiyak sa harap nila. "T-Tangina, niloko ninyo ako..."

"A-Aris, hindi namin sinasadya.." Aster.

"Hindi niyo sinasadya? Hindi ako naniniwala. P-pinagkatiwalaan ko kayo. P-Pareho ko kayong binigyan ng tiwala at p-pagmamahal ko. B-Bakit naman gan'to? B-Bakit?"

Sumasakit na ang mata niya sa kaiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin kaya't paulit-ulit siyang umiling. Nang tumayo si Foji ay niyakap niya si Aris na agad namang itinulak ng babae.

"N-Naalala mo ba? Noong tinanong mo ako k-kung ano ang sana ko?" Tumigil na siya sa pagiyak pero basa pa rin ang pisngi niya. "Dalawang sana na itinago ko at itatanim ko. S-Sana lagi na lang umpisa at sana hindi na lang nag umpisa."

Pagkatapos nitong bitawan ang salita ay tinalikuran niya ang dalawa at umalis na. Iniwang nakatulala ang lalaking minahal niya at ang kaibigang pinagkatiwalaan niya.

___________________

:))

Beautiful Goodbye| COMPLETEDWhere stories live. Discover now