Sandra's P.O.V
Pagdating namin ni Daddy sa bahay naabutan ko naman si Mommy na nasa kusina...
"Hi Mommy!" - Sandra
"Oh hi anak! Kamusta naman sa school? Ok lang ba?" - Mommy
"Uhm opo, ok lang po..." - Sandra
Kahit sa totoo hindi naman talaga ako ok ng dahil dyan sa Alex na yan...Natatandaan ko na naman siya...Feeling ko iiyak na naman ako...
"Anak, ok ka lang?" - Mommy
"Uhm opo, ok lang po ako..." - Sandra
"Kumain ka na ba?" - Mommy
"Hindi pa po, Mommy..." - Sandra
"Tamang tama, nagluto ako ng favorite food mo..." - Mommy
Pinuntahan naman kaming dalawa ni Daddy sa kusina...
"Sige na Anak, umakyat ka muna sa kwarto mo at magpalit ka ng damit at kasa ka bumaba para kumain na tayo ng dinner..." - Daddy
"Sige po Daddy..." - Sandra
Umakyat kagad ako sa kwarto ko at nagbihis at bumaba na rin para kumain ng dinner...
Sakto nung pagkababa ko, may pagkain na sa lamesa at yung favorite food ko pa na Sinigang ang naka hain... Mukhang ako na lang ang hinihintay kaya naman umupo na kagad ako sa isang chair sa may dining table katapat ko sina Mommy at Daddy...
Ang sarap talaga ng luto ni Mommy...Ginaganahan akong kumain...
"Ano Anak, masarap ba ang luto ko?" - Mommy
"Opo Mommy, The Best!" - Sandra
Tumawa lang si Mommy...
Habang kumakain ako natandaan ko yung sinabi sa akin ni Daddy na may pag uusapan daw kami kaya naman tinanong ko kagad si Daddy...
"Dad, ano nga po pala yung pag uusapan natin?" - Sandra
"You remember your Tito Rico right?" - Daddy
Tito Rico? Ah. Natatandaan ko na siya. Siya yung bestfriend ni papa.
"Ah opo Daddy, Bakit po?" - Sandra
"Well we met a while ago and napag usapan na namin ang pag merge ng business company na hawak ko at business company na hawak niya..." - Daddy
Ah. Mukhang good news yan ah. Magsasama na ang company ni papa at ni Tito Rico. That's Great!
"At napag usapan na rin namin ang preparations and arrangements para sa kasal mo..." - Daddy
Ahhh- Teka???! WAIT!!! Anong sabi ni Daddy?!!! KASAL?!!!
Dahil sa pagkagulat ko bigla akong nabulunan sa kinakain ko. Inabutan naman ako ng tubig ni Mommy...Ininom ko naman kagad yun.
"You heard it right...You're going to be married..." - Daddy
"Teka naman Daddy, I'm only 18...Parang ang bilis naman ata and worst hindi ko po kilala yung mapapakasalan ko baka hindi lang kami magkasundo nun..." - Sandra
"Well dahil nga mag bestfriend kami ni Tito Rico mo bago ka pa isilang napagkasunduan na namin na ipakasal ang mga magiging anak namin para magsama na at maging successful na ang aming mga company..." - Daddy
Hindi ko pa rin talaga ma absorb ang mga sinasabi sa akin ni Daddy...Ako? Magpapakasal?
"Huwag kang mag alala...Your Tito Rico's son is a nice guy kaya wala kang dapat ipag alala..." - Daddy
Eh hindi ko pa nga siya kilala...Nice guy na kagad...Eh di Wow
"We are going to meet your Tito Rico and your Fiance on Saturday...Pupunta tayo sa bahay nila...So Be ready..." - Daddy
"Saturday na kaagad?!" - Sandra
"Why not? Para mabilis na kayo kagad na ikasal at para rin ito sa family natin anak, para ito sa pagiging successful ng company ni Daddy...Ayaw mo ba nun?" - Daddy
"Fine Dad, Let's meet them on Saturday. But let me remind you po na I'm just doing this for the company and our family's sake..." - Sandra
"Thank you anak, But I know that you'll like your Tita Rico's son too..." - Daddy
"Excuse me po Mom and Dad, Pupunta na po ako sa room ko, Magpapahinga na po ako..." - Sandra
"Ok anak, Rest Well" - Mommy
Umakyat at pumasok na ako sa room ko...Habang nakahiga ako sa kama...Hindi pa rin ako makatulog...Iniisip ko kung ano kaya ang itsura nung mapapakasalan ko...
Gwapo kaya siya?
Mabait?
Masipag?
Matalino?
Malambing?
Mamahalin ko kaya siya?
Matutunan niya din kaya akong mahalin?
Ano ba itong pinag iisip ko...Makatulog na nga...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
Teen FictionFixed Marriage? Uso pa kaya yun? Will two people learn to fell in love with each other kahit na alam nilang imposible silang mainlove sa isa't isa. Will they have a happy ending? "I promise to love you for better or for worse, Till Death Do Us Par...