Gerald's P.O.V
Nakita ko si Sandra na nakaupo sa isang school bench malapit sa school fountain...Bakit mag isa lang siya? Nasaan kaya mga kaibigan niya? Ang loner naman niya...Kawawa naman...Malapitan nga...
Lumapit ako at tumayo sa tabi ng bench na inuupuan niya...
Ayos ah. Nakatayo na ako dito hindi man lang ako napansin na lumapit...Mukhang malalim ata iniisip nito ah...
Sinubukan kong basagin ang katahimikan para kausapin siya...
"Mukhang malulunod na ako ah...Ang lalim ata ng iniisip mo ah..." - Gerald
"Gerald?" - Sandra
Mukhang nagulat na naman siya...Bakit ba siya nagugulat lagi...Nakakatakot ba ako o pinipigilan niya lang mahulog sa charms ko...hahaha...Ang cute niya talaga...
"Puwede ba akong tumabi muna sa iyo...Ang sakit na ng paa ko eh..." - Gerald
Geh lang, Gerald ha...Para paraan lang yan...Hahaha...Hindi naman talaga masakit paa ko eh...Gusto ko lang siyang makausap at makatabi...Pasimple pa ako hahaha...
"Sige. Ok lang..." - Sandra
Umupo naman ako sa tabi niya...
Napansin ko naman nung tumabi ako sa kanya...Nagtitinginan yung ibang babae at estudyante kay Sandra...Naiingit siguro sila kay Sandra dahil katabi ko siya...
Well, Sorry na lang sa inyo...Asawa ko ito eh...hahaha
Napansin ko naman na hindi siya nagsasalita at ang tahimik lang niya...
"Ang tahimik mo naman" - Gerald
"May sasabihin ka ba sa akin?" - Sandra
"Oo, Sasabihin ko lang sana sa iyo na bukas susunduin kita sa bahay niyo..." - Gerald
"Para saan naman?" - Sandra
"Gusto ni Dad na puntahan daw natin yung bahay na binigay niya..." - Gerald
"Ah ok..." - Sandra
"Bukas ah, 9 am...Susunduin kita sa bahay niyo..." - Gerald
"Sige..." - Sandra
Nakita ko naman na papalapit na yung dalawang kaibigan ni Sandra kaya naman tumayo na ako at nagpaalam...
"Sige Bye Sandra! Kita Kits!" - Gerald
Nginitian niya lang ako...
Ang tahimik niya talaga...
Pero ang cute niya mag smile...
The Next Day...
Sabado na ngayon at napag usapan namin ni Sandra na susunduin ko siya para tignan namin yung magiging bahay namin...
Nandito ako sa labas ng gate ng bahay nila Sandra at inaantay ko siyang lumabas na...
Maya maya lang narinig ko na yung pagbukas ng pintuan ng gate nila at lumabas na dun si Sandra...
"Good Morning!" - Gerald
"Good Morning din!" - Sandra
Sumakay na kami sa kotse ko...Magkatabi kami sa front seat ng kotse...Pinaandar ko na yung kotse ko at nag drive na...
Habang nasa byahe kami...Mabuti naman at kinakausap na ako ni Sandra...
"Saan daw ba yung location ng bahay natin?" - Sandra
"Sa Makati daw..." - Gerald
"Ah eh di malapit lang yun sa school natin?" - Sandra
"Yup. Sa sobrang lapit nga nung bahay natin sa school...Puwede na nating lakarin..." - Gerald
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
Fiksi RemajaFixed Marriage? Uso pa kaya yun? Will two people learn to fell in love with each other kahit na alam nilang imposible silang mainlove sa isa't isa. Will they have a happy ending? "I promise to love you for better or for worse, Till Death Do Us Par...