Sandra's P.O.V
The Next Day...
Monday na naman ngayon at as usual busy na naman kami sa school pero ako wala ako sa sarili at parang lutang ako simula kagabi pa...Eh kasi naman paulit ulit na pumapasok sa isip ko yang kasal ko...Bwiset...Natatandaan ko na naman...
Pinuntahan ko naman si Pia at France sa canteen dahil lunchbreak na namin...Pagkapunta ko sa canteen nakita ko sila na nakaupo na sa isang table at nag reserve sila ng upuan para sa akin...
"Sandra, dito ka na umupo oh..." - Pia
"San ka ba galing? Bakit ang tagal mong bumaba?" - France
"Nilagay ko pa kasi yung mga gamit ko sa locker..." - Sandra
"Oh sige pumila ka na at bumili ka na ng food mo habang wala pa masyadong naka pila..." - Pia
Pumila at bumili na ako ng lunch ko at pagkatapos bumalik na ulit kami sa table namin...
Bakit parang wala akong ganang kumain??? Nilaro laro ko na lang yung tinidor sa pagkain ko...
"Uy Sandra, bakit parang tulala ka na naman kanina mo pa hindi ginagalaw yang food mo ah..." - France
"Wala akong ganang kumain eh..." - Sandra
"Ikaw? Walang ganang kumain? Eh ang takaw takaw mo kaya!" - France
"Basta parang lutang ako at walang gana ngayong araw..." - Sandra
"Parang ang tahimik mo din ngayon...Hulaan ko may problema ka noh..." - Pia
Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya...
"Gaano kalaking problema yan?" - France
Hindi ko na lang sila sinagot...
"Uy Sandra, magsalita ka naman oh...Si Alex na naman ba problema mo?" - Pia
"Sige sasabihin ko ito sa inyo pero gusto ko sa ating tatlo lang ito ah...Pinky Promise..." - Sandra
"Pinky Promise..." - Pia at France
"Ikakasal na ako..." - Sandra
Pagkasabi ko nun ang tahimik lang nila at hindi ko mabasa ang mga ekspresyon ng mukha nila...
"ANO?!!!IKAKASAL KA NA?!!!"
Sabay nilang pagkasabi...
Bigla ko namang tinakpan mga bibig nila ng kamay ko...
"Ssshhh...Huwag nga kayong maingay...Secret lang nating tatlo yun ah...Huwag na huwag kayong magkakamali na sabihin sa iba..." - Sandra
"Teka?! Sino yung guy?! Si Alex?! My Gosh Sandra?!" - Pia
"Hindi si Alex..." - Sandra
"Eh sino?" - France
"Hindi ko siya kilala..." - Sandra
"Puwede ba yun?! Hindi mo kilala yung mapapakasalan mo!" - Pia
"At saka kakabreak mo lang kay Alex diba, lumandi ka na kagad, My Gosh Sandra!" - France
"Sandali..." - Sandra
"Ano yan! Rebound mo yang pakakasalan mo dahil nakipagbreak lang sa iyo si Alex! Ang sama mo napaka sama mo!!!" - Pia
"PATAPUSIN NIYO MUNA KASI AKO!!!" - Sandra
Nanahimik naman sila...
"Arranged Marriage kami...Mami meet ko pa lang yung Fiance ko this coming Saturday..." - Sandra
"Eh di Wow!" - Pia
"Guwapo ba?" - France
"Paano ko malalaman eh hindi ko pa nga nakikilala..." - Sandra
"Anong pinoproblema mo! Eh di kung gwapo, Oo na agad!!" - Pia
"Kaya nga!" - France
"Ewan ko sa inyo! Makaalis na nga ako dito..." - Sandra
Hindi pa ako nakakalakad ng malayo ng nagsalita na naman silang dalawa...
"Imbitahan mo kaming dalawa sa kasal niyo ah..." - Pia
"Maghanda ka sa magiging honeymoon niyo..." - France
Ito ang matagal ko ng tinatago...Mga baliw ang mga kaibigan ko...
To be continued...
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part
Novela JuvenilFixed Marriage? Uso pa kaya yun? Will two people learn to fell in love with each other kahit na alam nilang imposible silang mainlove sa isa't isa. Will they have a happy ending? "I promise to love you for better or for worse, Till Death Do Us Par...