Chapter 25 - Cassandra

133 5 5
                                    

Sandra's P.O.V

Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay ng mapansin kong parang wala si Gerald...Nasaan yung lalaking yun! Tinutulungan niya dapat akong maglinis eh!

"Gerald! Gerald!" - Sandra

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero walang sumasagot...

Ah! Baka nasa kuwarto ngayon yun! Humanda talaga sa akin yun! Di niya ako tinutulungan dito ah pwes humanda siya!

Umakyat ako sa kuwarto...Pagkabukas ko ng pinto...Pumasok agad ako at nakita ko si Gerald na may nakatakip na makapal na kumot sa kanya...

Ano to! Natutulog! Baka gusto niyang buhusan ko na naman siya ng juice!

"Hoy Gerald! Gumising ka diyan! Tulungan mo kong maglinis ng bahay!" - Sandra

Nakapikit lang si Gerald habang sinasabi ko yun...

"Hoy! Ano ba! Bumangon ka nga diyan!" - Sandra

"I can't..." - Gerald

"Ha? Bakit?" - Sandra

"I'm...sick...*cough* *cough* *sniff* *sniff*

Nilapitan ko naman kaagad si Gerald at hinipo ko ang noo niya pati ang pisngi niya...

"Gerald, Anong nangyari sa iyo? Bakit ang init mo? May lagnat ka ba?" - Sandra

Kumuha naman ako ng thermometer para malaman ko kung may lagnat nga siya...

"Gerald, may sinat ka...Ano bang pinaggagawa mo nitong araw at nagkasakit ka ha...Kailan nagsimula itong sakit mo?" - Sandra

"Nagsimula ata ito nung binuhusan mo ako ng malamig na juice na may yelo..." - Gerald

Bigla naman akong nakonsensiya...Hindi namab talaga kasi magkakasakit si Gerald kung hindi ko sinunod yung payo ni Andrei eh...Kawawa naman si Gerald...

Kumuha naman ako ng basin at maliit na towel at binasa iyon ng tubig...Piniga ko yung towel at nilagay ko sa noo ni Gerald...

"Gerald, I'm sorry...Ako ang may kasalanan nito..." - Sandra

"No...It's ok...Kasalanan ko din naman kung gumising na lang sana ako kagad nun eh di sana hindi mo na ako nabuhusan ng juice..." - Gerald

Pero kahit sinabi niya yun...Nakakaramdam pa rin ako ng guilt...

"Wait lang Gerald ha...Magluluto lang muna ako para makakain ka na..." - Sandra

Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at hinawakan niya kamay ko...

"No...Please stay Sandra..." - Gerald

"Saglit lang naman ako...Gerald...Babalik ako...I promise...Ikaw naman, magluluto lang naman ako...Hindi naman kita iiwan..." - Sandra

Kasa niya tinanggal ang pagkahawak niya sa akin...

"Sige na...Magpahinga ka na lang muna diyan...Bababa muna ako..." - Sandra

Bumaba muna ako sa kusina para magluto ng lugaw para kay Gerald...

Pagkatapos kong magluto...Umakyat kaagad ako sa kuwarto namin ni Gerald dala dala ko yung lugaw na niluto ko para sa kanya...

"Uhm Gerald...Umupo ka muna para makakain ka na..." - Sandra

Umayos naman siya ng upo...

Dahil may sakit si Gerald...Sinubuan ko na lang siya...

Hinipan ko muna at sinigurado kong hindi mainit yung lugaw bago ko pinakain ka sa kanya...

Nakailang kain rin siya bago siya mabusog ng tuluyan...

"Uhm Sandra...Tama na...Busog na ako..." - Gerald

"Last one na lang Gerald..." - Sandra

Sinunod naman niya ako...

"Oh inumin mo na ito oh..." - Sandra

Pinainom ko naman siya ng gamot para medyo bumilis ang paggaling niya...

"Thank you Sandra..." - Gerald

"Oh sige na humiga ka na ulit at magpahinga ka na ulit..." - Sandra

Humiga naman siya at pinikit niya na mga mata niya...

"Sandra, puwedeng dito ka na lang muna...Huwag ka munang umalis sa tabi ko..." - Gerald

Hinaplos ko naman yung ulo niya...

"Wag kang mag alala...Dito lang ako...Hindi ako aalis sa tabi mo...Babantayan kita..." - Sandra

"Thanks, Sandra..." - Gerald

Buong araw...Binantayan ko si Gerald...Hindi nga ako lumabas ng kuwarto naman kasi binabantayan ko yung lagnat niya baka kasi tumaas na naman...

Tulog na tulog naman itong si Gerald...

Ang cute niya nga pag natutulog eh parang baby lang...hahaha

Pupunta sana ako sa C.R dahil babasain ko sana yung maliit na towel para ilagay ulit sa noo yun ni Gerald...

Nang biglang nagsalita si Gerald...

"Mom...Please don't leave..." - Gerald

Nananaginip si Gerald...Ang cute niya...hahaha

"Shhh...Gerald...Stay calm..." - Sandra

Mga ilang minuto ang lumipas at bumaba na rin ang lagnat ni Gerald...

Tulog na tulog pa rin siya at nagsalita na naman siya habang natutulog...Nananaginip na naman siya siguro...

"Sandra..." - Gerald

"Mhmm..." - Sandra

"Sandra..." - Gerald

"Shhh...I'm here..." - Sandra

"Sandra..." - Gerald

"yes?" - Sandra

Alam kong nananaginip si Gerald pero sinasagot ko yung tanong niya...

"I...Love...You..." - Gerald

To Be Continued...

Hi sa mga readers ko diyan! Hihihi! Saranghae sa inyong lahat! :) :) :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon