Chapter 21 - Gerald

89 2 0
                                    

Gerald's P.O.V

"Bumalik na siya..." - Gerald

"Huh? Sinong bumalik?" - Kean

"Ang babaeng kinababaliwan ko..." - Gerald

"Luh! Iba na namang babae yan Brad noh! Hoy Brad! May asawa ka na..." - Andrei

"Manahimik Ka! Hindi ako katulad mo! Hindi rin siya yung klase ng babae na iniisip mo!..." - Gerald

"Eh sino ba yang babaeng sinasabi mong bumalik Brad?" - Andrei

"Si Sarah...Ang younger sister ko...Bumalik na siya from the States...Dito na siya mag aaral sa school natin..." - Gerald

Bigla namang tumahimik si Andrei...

"Oh Andrei, Bakit natahimik ka ata..." - Gerald

"Wala! Ano ba dapat maging reaksiyon ko..." - Andrei

"Ang sabihin mo ex mo lang kasi ang kapatid ko kaya bigla kang natahimik diyan..." - Gerald

"Tss..." - Andrei

"Umamin ka na kasi...Alam namin na hanggang ngayon mahal mo pa rin si Sarah..." - Jared

"Sabi nga nila...Ang isip nakakalimot pero ang puso, hinding hindi yan makakalimot..." - Kean

"Hahaha..." - Jared

"Hugot!" - Gerald

"Guys! It's been 3 years simula nung nag break kaming dalawa...Hindi pa ba kayo nakakamove on!" - Andrei

"Ikaw ang hindi pa naka move on!" - Jared

"Tulak ng bibig, Kabig ng dibdib..." - Kean

"Ewan ko sa inyo!" - Gerald

"Wag kang mag alala Andrei, alam ko namang mahal ka pa rin ng kapatid ko eh, nagkukunwari lang yun na naka move on na siya..." - Gerald

"At sino bang may sabi na mahal ko pa siya?!" - Andrei

"Wag kang mag alala...Tutulungan ka namin to win Sarah back..." - Gerald

"Hindi na kailangan...Dahil kahit anong gawin niyo hinding hindi niyo na maibabalik ang dati..." - Andrei

"Brad, easy lang...chill ka lang..." - Gerald

"Exes stay in the past...kaya please lang ex ko na siya at hindi na siya parte ng kasalukuyan ko...kaya wag na wag niyong ipilit na magbalikan pa kami..." - Andrei

Pagkatapos nun tumayo na si Andrei at lumabas muna ng training room...

Naghiwalay kasi yung kapatid ko na si Sarah at si Andrei dahil nag aral si Sarah sa ibang bansa at nakipag break siya dahil hindi niya daw kaya ng long distance...Hinabol siya ni Andrei pero ang sinabi ni Sarah sa kanya hindi na daw niya mahal si Andrei at mas pipiliin niya pa daw na tuparin ang pangarap niya sa ibang bansa na hindi kasama at inaalala si Andrei...Nasaktan ng sobra si Andrei...Kaya itong si Andrei ngayon...Nagbago siya...Naging malapitin siya sa babae...Pero kahit ilang beses niyang itanggi sa amin alam namin na mahal niya pa si Sarah...

Habang nasa training room kaming tatlo nila Jared at Kean...Biglang may pumasok...

"Kuya!!!"

Oh no! It's her...Patay na!

Nandito lang naman kasi ang kapatid ko na si Sarah...Ang kinababaliwan kong babae...

Kinababaliwan ko siya...Hindi lang dahil sa sweet kami sa isa't isa kundi puro problema at sakit ang ulo ang binibigay nito sa akin...At lagi niya rin akong inaasar at kinukulit na gusto niya na daw makita si Sandra...

Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon