"Hoy anong trip mo?" tanong ko kay Drake, nandito kami ngayon sa isang apartment, kanya daw to eh. Medyo weird lang kasi bakit naman kakailanganin ni Drake ng gantong apartment. Normal lang siya, dalawang kwarto, isang cr, sala at kusina. Malapit to dun sa pinuntahan namin kahapon. Tinotoo niya talaga, hindi kami umuwi kahapon, may part 2 pa daw kasi yung ginawa namin.
"Hindi mo ba nakikita?" tanong niya. Yan pa yung isang weird, tagalog siya ng tagalog, ni isang english ata wala siyang nasabi.
"Nakikita ko pero marunong ka ba nyan?" nakakapagtaka talaga tong lalaking to, isipin niyo si Drake na waoang ginawa kundi magkulong sa kwarto, nagluluto. Si Drake. Si Drake na ni walis ata hindi humahawak, gumagawa ng gawaing bahay.
"Oo naman" confident na sabi niya. Hindi na ako nagsalita at pinanuod na lang yung ginagawa niya. Ewan ko kung anong ginagawa niya pero kung titingnan parang alam na alam niya yung kinikilos niya. Parang sanay na sanay siya.
"Paabot nga ng asin" utos niya malapit kasi ako dun sa mga condiments at kung anu ano pa.
"As if namang mahahawakan ko di ba" sabi ko sa kanya. Totoo naman, kaluluwa kaya ako. Muka namang natauhan siya.
"Wala kang kwenta."sabi niya binitawan niya yung ginagawa niya at humarap sa akin "tabi nga dyan" hinawi niya pa ako.
"aray naman, masakit ahhh try mo ka-----" nagkatinginan kaming bigla ni Drake. Sandali, masakit??? Naramdaman ko yung ginawa niya???
"Naramdaman mo?" tanong ko baka kasi ako lang ang nakaramdam.
"Paanong...?" nakatangin na siya ngayon sa kamay niya.
"Naramdaman mo?" tanong ko ulit, di ako pwedeng magkamali, naramdaman ko yung kamay niya kanina ehhh.
"Sandali" sabi niya. Unti unti siyang lumapit sa akin.
"Subukan natin" di ko alam kung anong balak niya pero naintindiham ko lang nung bigla niyang sindutin yung pisngi ko ng hintuturo niya, and hindi siya gentle.
"aray naman" reklamo ko. " pwede namang hawakan na lang ako sa normal na paraan"
"I can feel you" parang natutuwang sabif niya. Ilang ulit niya pang sinundot sundot yung pisngi ko.
"Aray sabi" dahil medyo masakit yung ginagawa niya wala sa sariling hinampas ko ang kamay niya. Nagulat ako nang matapik ko ang kamay niya.
"woah I can touch you as well" natutuwang sabi ko, kaya sinubukan ko yung paraan niya kanina, sinundot ko rin yung pisngi niya.
"Aray" reklamo niya, pero di ko pinansin sinundot ko lang ng sinundot yung pisngi niya.
"This is fun" sabi ko habang patuloy na sinusundot ang pisngi niya.
"Natutuwa ka pala ahhhh. Eto sayo!!!"
"Araaaaayyyyy!!! Bitaw!!!" sigaw ko habang pinapalo palo ang mga kamay ni Drake na todo kung mapisil ang pisngi ko.
"Bitaw!!!!" sigaw ko pa kay Drake, nang di umubra yung palo pinilit ko na lang tanggalin yung kamay niya pero wala pa rin, kaya ginaya ko na lang siya. Pinisil ko din ng hapit amg mga pisngi niya.
"Aray!!!!" sigaw niya pero di pa din naluwag yung pisil niya sa muka ko.
"Bitaw"
"Ikaw ang bumitaw"
"Ikaw"
"Ikaw" bawat ikaw namin padiin ng padiin yung pagpisil niya ako din naman.
"Arggghhh. Then lets have a truce. On three, bibitaw ka at ako" sabi niya. Umoo naman ako.
BINABASA MO ANG
Fallen From Above...(Literally)
RomanceA story about girl who fell from above literally and the boy who she fell on.