Day 12

1.2K 65 10
                                    

Hindi ako sanay.

Hindi ako sanay sa ganitong Drake.

Yung Drake na dati eh maingay kapag kaming dalawa lang biglang nanahimik.

Yung dating mura ng mura biglang yes or no na lang ang alam na salita.

Yung dating kahit nakahiga lang kami ay mantitrip pa sya ngayon nawala, nakapirmi at nakatingin lang sa kisame.

Ayaw ko ng ganito. Kaya bigla akong bumangon sa pagkakahiga at malakas na tinawag ang pangalan niya.

"DRAKE!!"

"What the fuck!!" gulat na gulat na sabi ni Drake, nanlalaki pa nga ang mga mata niya tapos nakahawak pa siya sa dibdib niya. Nagulat ko nga ata talaga. Sabagay para naman kasing nakalimutan niya ang presensya ko kaya magugulat talaga siya dahil basta na ko sumulpot.

"Ehehe sorry" nakapeace sign pa ako ang sama kasi ng tingin niya eh.

"Why did you do that? Are you mental?" kunot na kunot yung noo niya habang tinatanong ako. Hooo! nakakatakot yung pagkagusot ng muka niya, well mas maige na to kaysa naman yung kanina parang nawala bigla si Drake.

"Im not, Im just very..veeeeeeerrrrryyyy boreeeed" pagpapalusot ko.

"So?"

"So lets do something fun" sabi ko.

"Is that so? Can you see this?" sabi niya inangat niya pa yung hawak niyang unan.

"Yes" kunot noong sagot ko.

"Good. Then go fetch" sabi niya sabay hagis ng unan. Aba, loko to ginawa pa akong aso.

"Hoy anong tingin mo sa akin? Aso?" naiiritang tanong ko.

"Yes" sagot niya lalo tuloy akong nainis pero yung pagtaas ng inis ko, nararamdaman kong nawawala din yung pagiging malungot ni Drake at unti unting napapalitan ng amusement. Hindi ko tuloy nakuhang mainis ng tuluyan.

"nye nye" nagmakeface pa ako. Nahahawa na ako sa kachildishan nitong taong to.

"Dont do that" sabi niya bigla. Nakatingin lang siya sa muka ko.

"Why not?" tanong ko, nakatingin lang kasi talaga siya sa muka ko. Anong problema nito.

"You look stupid" biglang banat niya. Argggghhhh abnormal talaa tong lalaking to.

"wala kang pakielam." sabi ko na lang sabay talikod sa kanya. Narinig ko pa yung bahagya niyang pagtawa pero di ko na ulit siya tiningnan wala akong pake bahala siya jan.

"oh san ka pupunta?" tanong ko nung bigla siyang bumangon sa pagkakahiga at naglakad papuntang closet niya. Syempre kasunod ako.

"Somewhere" simpleng sagot niya. Nagbihis muna siya bago nagsuot ng beanie at shades. Anong feeling niya artista siya. Muka niya!!!

"hoy anong ginagawa mo?" tanong ko, para kasi siyang timang, hindi siya dumiretso palabas ng bahay, kala mo siya nagpapakaninja sa ginagawa niya. Nagtatago siya sa pader pag may makikita siyang tao. Anong trip nito?

"Shhh" sabi niya sa akin. As if namang may makakarinig sa akin di ba.

"Oh si Butler Steven oh" turo ko dun sa butler nila Drake na naglalakad papuntang direkson namin.

"What is he doing?" tanong ni Drake di niya kasi makita si butler steve kasi nakatago siya sa pader.

"wala parang pupunta siya sa.. ay hindi pala lumiko eh" sabi ko nung biglang lumiko ito.

Fallen From Above...(Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon