"At long last!!!!" madramang sabi ni Drake nang marinig kong lumabas siya ng shower room niya. Kanina pa yan eh, sabi niya sa wakas daw makakaligo na siya ng ayos, magagawa niya na daw ang gusto niyang gawin in private. Basta ang dami niyang drama kahapon pa, nang makamove on siya dun sa pagkainis niya dahil di pa rin kami totally makakapaghiwalay, kung anu ano ng sinabi niya.
"Youre too dramatic" sabi ko sa kanya habang nakaharap ako sa pader ng banyo. Paano ba naman, hindi ako pwedeng lumayo sa kanya, hanggang dalawa o tatlong dipa lang ata ang pwede. Kaya kahit ayaw ko nakasunod pa din ako sa kanya kahit san siya magpunta, tulad ngayon kasama niya ako sa banyo.
"What' s that?" tanong niya.
"Nothing" sagot ko na lang. Baka kung anu na namang gawin niyan eh.
"Thought so" mayabang na sabi niya. Nang sure akong bihis na siya, dun lang ako humarap. Mahirap na ayaw kong mabahiran ang malinis kong mata. Buti na lang nung humarap ako fully clothed na siya. Medyo hindi lang maayos pagkakasuot niya ng damit niya pero okay na din yun at least natatakpan lahat ng dapat takpan.
"Where are you going?" kunot noong tanong ko nang mapansin ko yung suot niya. Medyo pormal kasi ang damit niya. Eh hindi naman ganyan manamit yan kaya nakakapagtaka.
"I have some business to attend to" sabi niya habang tinutuyo ang buhok at inaayos ang sarili.
"Business?" tanong ko ulit, ano namang gagawin nitong lalaking to. Hindi niya na ako sinagot at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos niyang ayusin ang sarili, lumabas siyang C.R. syempre nakasunod ako, feeling ko tuloy isa akong tuta na sumusunod sa amo niya. Paikot ikot lang si Drake, hindi siya nagsasalita kaya tahimik lang akong sumusunod sa kanya. Kaiba kasi ngayon si Drake parang ang seryoseryoso niya.
"Master Drake" bati ni butler Steve na may inabot na case kay Drake. Kinuha lang naman ito ni Drake at dirediretso nang lumabas ng bahay. Sunod lang ako ng sunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Namalayan ko na lang na binuksan ni Drake ang passenger seat ng kotse niya. May driver ba ngayon si Drake? Natanong ko sa sarili ko pero nang tiningnan niya ako na parang sinasabing ano pang ginagawa mo sakay na, napasakay ako ng wala sa oras. Akalain mo yun may pagkagentleman pala tong taong to. Napatingin ako sa bintana at nakita ko yung nagtatakang itsura nung ibang katulong ni Drake na nakasunod sa amin. Sabagay nakakaloko naman talaga. Basta na binuksan ni Drake ang pinto ng passenger seat niya eh wala naman siyang kasama dahil di naman nila ako nakikita. Kahit ako naman siguro, baka nga akalain ko pang may sira sa ulo si Drake eh.
"Uhmm.. Drake" tawag ko sa pansin niya nang nagsawa na ko sa kagahimikan. Ilang minutes na kasi siyang nagdadrive lang, wala siyang kibo.
"What?"
"What are you going to do?" tanong ko sa kanya pero nasagot ako ng katahimikan. Akala ko di na siya magsasalit kaya nanahimik na lang ako.
"I have to check something and also attend three meetings today" biglang sagot niya makalipas ang ilang minuto. Napatingin naman ako sa kanya.
"Meetings?" tanong ko ulit.
"Yeah, Im currently training"
"Training for what?"
"Traing to become the CEO of my lola's company" sagot niya. Di na ako ulit nagtanong kasi naramdaman kong nag-iba na yung mood niya. Naramdaman ko ding ayaw niya ng magsalita o magkwento pa. Kahit naman magkahiwalay kami ng katawan, nararamdaman ko pa din ang narardaman niya.
"You should prepare yourself" biglang sabi niya nang tumigil kami sa tapat ng isang building.
"what for?" di na niya ako sinagot at nagdirediretso na lang na lumabas kaya sumunod na lang ako.
Isa lang ang masasabi ko. Tama nga si Drake dapat talagang inihanda ko ang sarili ko dahil hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Pagkapasok na pagkapasok namim kanina ni Drake sa company ng lola niya kung sino sino na ang sumalubong at kumausap sa kanya. Ang daming ipinakita, ipinabasa at pinapipirmahan sa kanya. Pero lahat ng papel na yun ay kinuha niya at dinala niya sa office niya. Hindi daw siya pipirma basta basta kailangan niya daw munang pag-aralan ang mga yon. Nang makapasok kami sa office, ni hindi kami nakatagal doon kasi agad siyang ipinatawag sa meeting. Nakadalawa kaming meeting at sa mga yon ni wala akong naintindihan. Nakaramdam pa ako ng tensyon, kasi halata sa mga taong umattend ng meeting na kay Drake sila nakatingin, parang ang mga mata nila naghihintay ng kung ano kung makapag-observe sila. Tapos etong pangatlong meeting na pupuntahan niya akala ko magiging masa maayos kasi ang sabi niya puro kamag-anak daw niya ang nadon, pati magulang niya at big brother niya. Akala ko magiging nakakatuwa ang mangyayari kasi sa wakas makikilala ko na ang pamilya niya pero pagkapasok na pagkapasok namin sa room kung saan nadon ang mga kamag-anak niya, mas nakaradam ako ng mas mabigat na tensyon. Nung makita ko ang mga muka nila ni isa sa kanila parang hindi masaya na pumasok si Drake. Anong nangyayari? Anong problema? natanong ko pa sa sarili ko kanina. Nagulat na lang ako nang biglang magsalita ang isang babae.
"Oh so the heir is here, finally, I thought you wouldnt show up again" naramdaman ko agad yung galit ng tono dun sa babae.
"Yes goodmorning to you too dear mother" napatingin ako bigla kay Drake. What is going on? Paanong naging nanay niya yung babae, eh sa paraan ng pagtingin nito kay Drake parang puno ng galit.
"Dont get smart with me Drake, lets move on to whatever it is that you have to say and lets be done with this" iritableng sabi niya.
"Oh this will be quick I swear" sabi ni Drake. Ang sama ng tingin sa kanya ng lahat ng tao dito. Lalo na yung babae, yung katabi niya lang atang lalaki ang kalmado eh. Teka sandali, napatitig ako dun sa lalaki, at nakita ko ang resemblance ni Drake sa kanya. Eto siguro ang kapatid ni Drake.
"What is this about Drake?" tanong ng isang lalaki na mukang mid-30's na.
"Its about Lola's company"
"What about it?" iritadong tanong nung isa pang babae.
"I would like to review the financial statement of it"
"What for? You would like to see if we are stealing money or something. Dont you trust us?" galit na tanong ng nanay daw ni Drake.
"One, yes I would very much like to see if Lola's money is being stolen and two no I dont trust you" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Drake. Grabe, parang hindi sila pamilya kung mag-usap. Magsasalita pa sana ang nanay daw ni Drake pero pinigilan niya ito.
"That's all I want to say" sabi niya sabay tayo at lakad papuntang pinto.
"How dare you! You bastard! You dont have the right! You are not a part of this family" sigaw ulit nung babae. Naramdaman ko naman yung sakit nang sabihin nung babae yung mga salitang yun. Kaya alam kong kahit kalmado at mukang di apektado si Drake, nasaktan pa din siya sa sinabi nito.
"I may not be a part of this family but Lola gave trusted me with everything she has. So I have all the right. Now if youll excuse me." sabi ni Drake sabay labas ng room.
Tahimik lang kami hanggang sa nakauwi ng bahay. Nakapagbihis na si Drake pero di pa rin kami nag-uusap.
"Uhmmm.." panimula ko.
"Not now Hal, let's just rest" sabi niya. Natahimik na lang ako dahil sa tono ni Drake alam kong mas gugustuhin niyang mapag-isa pero di niya magawa nang dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Fallen From Above...(Literally)
RomantizmA story about girl who fell from above literally and the boy who she fell on.