"Hal I think we should talk to Mr. Louis on what we talked about yesterday" bungad sa akin kaninang umaga ni Drake. Mula kahapon hindi kami nagkibuan, ngitian lang kaming dalawa pero ni isa sa amin walang nagsasalita. Ano ba naman kasing sasabihin namin after nung nangyari. Pero kahit na hindi kami nag-usap kahapon naramdaman kong parang mas naging close pa kami. Hindi ko alam kung paano pero naramdaman ko.
Ngayong araw andito kami sa bahay ng adviser ng Lola ni Drake, siya yung Mr. Louis. Kakausapin kasi naming siya tungkol dun sa kahapon, manghihingi daw ng payo si Drake. Kaya eto kami ngayon.
"is he going to show up?" tanong k okay Drake, kanina pa kasi kami naghihintay eh wala namang dumadating, naubos na naming ni Drake yung juice na binigay nung kasambahay dito eh wala pa din yung hinihintay namin.
"He said he'll be late pero hindi ko naman akalaing ganito kalate" sabi ni Drake na mukang naiinis na din. Itong tao pa namang to eh hindi makapaghintay laging akala mo hinahabol ng kung ano.
"Tsk. Let's go home this is a waste of time." Sabi niya bigla, patayo n asana kami pero may pumigil sa amin.
"Wait. Im so sorry nalate ako, ang dami kasing inaasikaso sa opisina kanina, akala ko makakaalis ako agad kaya dito ko na kayo pinaghintay. Im so sorry Sir Drake." Nung marinig ko yung boses na yun, hindi ko alam kung bakit, pero may naramdaman akong kakaiba. Nung hinarap naming yung pinanggalingan ng boses bigla akong kinabahan at tumindi yung nararamdaman ko kanina, anong nangyayari sa akin. Alam kong naramdaman ni Drake yun at alam kong kung pwede tatanungin niya ako kaso hindi, kaya panigurado pag kaming dalawa na lang, magtatanong to.
"Please have a sit" sabi nung Mr. Louis, kahit nakangiti siya, kinakabahan pa rin ako. Muka naman siyang mabait pero kakaiba talaga, mga nasa mid-40s siguro siya at may fatherly aura pero hindi ko mapigilang kabahan ngayon.
"Let's go straight to the point Mr. Louis" sabi ni Drake, seryoso siya ni hindi niya nginingitian si Mr. Louis, sabagay kalian ba ngumiti to sa ibang tao.
"of course, of course so what is it that you want to talk about?" tanong nito.
"The stolen money" simpleng sagot ni Drake na may inabot na documents, mapapansing nagulat si Mr. Louis sa sinabi ni Drake pero naitago niya agad yun, professional siya kaya alam niya kung paano humarap sa mga ganitong usapan. That's why hindi ko alam kung mapagklakatiwalaan siya o hindi.
"Where did you get this?" tanong nito habang binabasa yung mga files na binigay ni Drake.
"Lola gave me the company Mr. Louis you can't expect me to just sit around and do nothing"
"Yes of course Im sorry, pero this is a serious case Sir Drake. You do know who these files are pointing to?" sabi nito.
"I know, that's why I came here, you are Lola's trusted advisor Mr. Louis, I want to have your honest opinion about this matter"
"Well kailangan ko pang pag-aralan to. So I will need these files" sabi nito.
"Of course you can..."
"Drake, I want to talk to you" pagpipigil ko kay Drake. Muka namang naramdaman niyang kailangan ko talaga siyang makausap kaya nagkunyari siyang kinuha ang phone at para bang may binasa dito.
"Where is your bathroom Mr. Louis. I'll just need your comfort room" sabi nito, muka namang naintindihan ni Mr. Louis ang gusting gawin ni Drake kaya itinuro niya sa amin yung cr.
"What's wrong?" tanong niya agad pagkapasok namin ng cr.
"Im not sure if you should leave those files here" sabi k okay Drake. Nakita ko naman ang pagtataka sa muka niya kaya nagpaliwanag ako "I don't trust him" sabi ko sa kanya, I know medyo stupid na sabihin ko yun, trusted adviser ng lola ni Drake si Mr. Louis, sino ba naman ako para sabihing hindi katiwatiwala yung tao. Pero kailangan kong sabihin ito kay Drake kahit na hindi niya ako paniwalaan.
"So ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" tanong niya, gulat na napatingin ako kay Drake, he believed me just like that, walang tanong tanong o kung ano.
"you believe me?" di makapaniwalang tanong ko.
"Of course I believe you, ang sabi ko trusted adviser siya ni Lola that doesn't mean na kailangan pagkatiwalaan ko din siya. And besides you won't gain anything from saying na hindi mo pinagkakatiwalaan si Mr. Louis, we've been together for more than two weeks, I trust you Hal" kapag nagsasalita ng ganito si Drake hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kaya yun ang ginawa ko ngnitian ko siya, muka namang nahawa siya sa ngiti ko kasi kahit halatang pinipigil niya, napapangiti pa rin siya.
"youre cute whe you smile" sabi ko, yung ngiti niya napaltan ng nakakalokong ngiti.
"Are you gonna kiss me again" nakakalokong sabi niya. Arggghhhh!!!! Nakakainis pinaalala pa, kung buhay talaga ako napakapula na ng muka ko, wala bang kahi8hiyan tong lalaking to. Pinilit kong itago yung embarrassment ko sa sama ng tingin ko sa kanya pero walang epekto, tinawanan niya lang ako.
"shut up Drake" iritang sabi ko, muka namang lalo siyang naging amused. Minsan kahit anong hinahon mo, maiinis at maainis ka sa taong to.
"What? I don't get a kiss now? And since when did you ever tell me to shut up? This is the first time dear" pang-aasar niya pa. Wala akong magawa kundi samaan lang lalo siya ng tingin, wala talagang kahihiyan tong lalaking to.
"Well, if you won't, then I will" Ano daw? Pero bago naprocess ng utak ko yung sinabi niya, nakalapit na sa akin si Drake at nahalikan na ako sa noo. Yung panlalaki ng mata ko kaiba, for sure muka akong eng-eng.
"You look stupid but its cute" nakangiting sabi niya sabay labas ng banyo. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. My God!! Anong problema ng lalaking to. Bakit ganito siya.
"Mr. Louis, I'll be going home now, Ill talk to you some other time" sabi niya sabay kuha nung documents kay Mr. Louis. Ni hindi niya na hinitay ang sasabihin nito, nagdirediretso lang siya ng labas ng bahay sabay sakay ng kotse, syempre pinagbuksan niya muna ako, kaya nga yung maid na nasa labas at si Mr. Louis na sumunod sa amin eh ang weird ng tingin sa kanya, feeling ko nga dapat pipigilan siya ni Mr. Louis kaso nauna sa kanya yung pagtataka sa ginawa ni Drake kaya siguro di na nakapagsalita. Eto naman kasing si Drake nakuha pang maging gentleman kala mo naman di ako tatagos dun sa pinto. Napapangiti na lang ako sa tuwing gagawin niya to, para bang hindi kaluluwa yung kasama niya, kundi normal na tao, yung humihinga, yung nakikita ng iba ta higit sa lahat ay yung buhay.
BINABASA MO ANG
Fallen From Above...(Literally)
RomanceA story about girl who fell from above literally and the boy who she fell on.