"Drake are you okay?" tanong ko, mula kasi ng gumising kaming dalawa hindi pa kami nabangon, nakatulala lang si Drake sa kisame, parang ang lalim ng iniisip.
"Yeah. Im just thinking" sabi niya. Hindi na naman ako nagsalita dahil mukang kailangan niya ng katahimikan, kung pwede nga lang iiwan ko siya at bibigyan ng alone time kaso hindi naman pwede.
"Drake sorry ahhh" bigla namang napaharap sa akin si Drake, may nagtatanong na ekspresyon ang muka niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Dahil sa akin di ka makapag-isa kung pwede lang naman aalis ako ehh"
"What are you talking about?"
"I know you want to be alone, you just cant because of me" naguiguiltyng sabi ko. Nagtaka naman ako nang bigla niyang itaas ang kamay niya papunta sa noo ko.
"Wha--aaaa" reklamo ko kasi bigla niyang pinitik ang noo ko kaya pala, kala ko kung anong gagawin niya, yun lang pala. Hinawakan ko pa yung part na pinitik niya, ang sakit kaya.
"what was that for?" tanong ko habang hinihimas ang noo ko.
"Youre talking nonsense, I didnt say that I want to be alone, I said that Im thinking"
"eh kasi naman parang di ka si Drake ang tahimik mo" hindi naman siya sumagot, tahimik lang siyang nakatingin sa akin, mga ilang sandali siyang nakatingin lang pagkatapos ay ibinaling niya na naman ang atensyon sa kisame. Ang weird nito. Babangon na sana ako para tingnan siyang maige nang bigla siyang nagsalita.
"Do you remember what I said yesterday?" seryosong tanong niya.
"Yeah. Why?"
"Ill tell you something but you have to promise me something" sabi niya, ny now seryoso na siyang nakatingin sa akin.
"what is it?" naninibago na naman ako sa inaasta ni Drake, hindi na naman siya yung normal na Drake, yung hindi makukumpleto ang araw kapag di nakakapagmura ng napakaraming beses. Iba na naman tong Drake na kaharap ko.
"You have to close your eyes"
"what? why?" nagtatakang tanong ko.
"Just do it and dont ask questions" malumanay na utos niya, parang wala sa sarili si Drake kasi kahit nakatingin siya sa akin parang tagusan naman ang paningin niya, yun bang wala ako sa harap niya. At isa pa, halatang wala siya sa sarili kasi habang nagsasalita siya hinahaplos niya yung buhok ko.
"okayyy" sabi ko na lang, ang weird niya kasi ehhh.
"And another thing" this time seryoso na siyang nakatingin sa mga mata ko at nakatigil na rin ang kamay niya sa paghaplos ng buhok ko.
"w-what?" alanganing tanong ko, kaiba kasi yung kaseryosohan niya ngayon.
"Do not shed a tear, I must not see you cry even if its a single tear, you cant shed even one" seryosong sabi niya. Napatitig naman ako sa kanya. What did he mean by that? Magtatanong pa sana ako kaso bigla niyang tinakpan ang mata ko.
"This will take a while but bear with me okay, Ill tell you a story about a child" sabi niya pa bago niya simulan ang kwento.
I...
I...
I was not expecting this kind of story.
Third Person's POV
"Mama!!! mama ko!!!" umiiyak na tawag ng isang anim na taong gulang na bata, ang dungis dungis nito at makikita mo ring puro siya sugat sa katawan.
BINABASA MO ANG
Fallen From Above...(Literally)
RomanceA story about girl who fell from above literally and the boy who she fell on.