TUITION FEE

8 0 0
                                    

Pagkatapos ng klase siya ay nagmamadali
Senior High School, pangalan ay Maria Fe
Mahalaga ang oras kaya't 'wag mag atubili
Kailangan kumayod pambayad sa tuition fee

Kahit na labag sa loob, wala siyang magawa
Kumita lang ng pera, pipigilan ang luha
Mga matang nakatitig, titiisin ang hiya
Para babalik-balikan, bisita'y kailangan matuwa

Kung hindi lang sana iniwan ng magulang
Ang buhay ay madali at hindi nahihirapan
Pero para sa pangarap ay gagawin ang lahat
Makapagtapos lang ng pag-aaral, sasayaw ng hubad

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon