Epekto ng salitang PAALAM

42 1 0
                                    

Masaya tayo noon,
Masaya tayo kahit na hindi pa tayo,
Masaya, dahil kahit ngiti mo lang ay kuntento na ako,
Kahit na alam kong hindi magkatotoo ang pangarap kong maging tayo .
Masaya, dahil napapatawa kita sa mga joke ko na kahit ako ay parang gusto ko nang magsuka,
Masaya, dahil napapangiti kita, kahit na alam kong mas mabigat pa sa Algebra ang 'yong mga problema.
Masaya tayo noon.

Masaya tayo noon,
Masaya, dahil nakumbinsi ko na makipag-date sa'yo ang crush mo kahit na labag sa kalooban ko,
Masaya ka dahil natutuwa akong makita kang masaya,
Masaya tayo noon, kahit na alam kong masakit sa akin ang ipagmalaki mo sa buong mundo na syota mo na siya.

Masaya tayo noon,
Noon na kaya ko pang itago ang dahilan kung bakit ako  masaya,
Noon na kaya ko pang saluhin ang pagkukulang mo sa syota mo para 'wag lang siyang mawala,
Noon na kaya ko pang sabihin sa kanya, na mahal na mahal mo siya.

Masaya tayo noon,
Pero hindi na natin maibabalik,
Dahil hindi ka na bumitaw sa kanya, at tuluyan na akong nanghihina,
Dahil iniwan mo na ang noon, at niyakap mo ng mahigpit ang ngayon.

Masaya pa ako noon,
Noon na hindi ko pa nararamdaman ang epekto ng salitang paalam na binitiwan mo sa akin ngayon.

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon