Sanda Lee

24 1 0
                                    

Nasaan na ang ningning ng ýong mga mata
Ang mukha mo na sa isipan ko'y hindi mabura
Nasaan na ang maganda mong ngiti sa umaga
At ang boses mo na musika sa aking tenga

Sa bawat araw aking inaasam-asam
Na sabihin sa akin ang mahiwaga mong pangalan
Nagsisisi sa mga pagkakataon na pinakawalan
Ngayon isa kang pangarap na lamang

Kaylan ko ulit matitikman ang saya at tuwa
Na aking nadarama sa tuwing ika'y nakikita
Hindi makapaghintay na muli kang masilayan
Hinahanap ang sagot sa aking katanungan

Binibini ano ang 'yong tunay na pangalan
Wag mo naman sanang sabihin na sandali lang.

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon