ULAN

32 1 0
                                    

Ulan bumuhos ka,
Sabayan mo ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata,
Lunurin mo ang lungkot at sakit sa aking puso,
Isabay sa agos ang peklat na iniwan ng taong nagpatalo sa tukso.

Ulan lakasan mo pa,
Hanggang sa hindi ko na marinig ang mga bulong at tawa sa aking paligid,
Alam kong lahat ng 'yong inaangat ay ibinabagsak mo pababa,
Na walang kasing sakit nang alisin niya ako sa mga pangarap niya.

Ulan, hindi ko alam kung kailan ka darating at titigil,
'Tulad niyang pagkatapos magpaasa ay biglang binawi sa akin ang damdamin,
Minahal ko siya 'tulad ng pagkagalak ko sa iyong pagdating,
Nang mawala siya ay nag-iwan ng sugat sa aking puso at ang hirap burahin.

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon