HILING

10 0 0
                                    

Isang pangarap ang paulit-ulit kong hinihiling,
Ang mahagkan ka at muling makapiling.
Isusuko lahat, pagbigyan lang at dinggin,
Mayakap ka ng mahigpit, walang oras na sasayangin.

Ngunit ito'y mananatiling pangarap nalang sa hangin,
Kahit masakit, buong pusong tatanggapin.
Hindi mapipigilan ang kapalaran ng buhay natin,
Bituin ka sa langit, palagi kong titingalain.

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon