Magkaiba, Magkasundo

59 1 0
                                    

Sa musika ang gusto natin ay magkaiba
Ikaw One Direction at ako naman ay Metallica
Kahit sa Noon Time Show hindi din tayo nagtugma
Dahil ang gusto ko ay Showtime, sayo naman ay Eat Bulaga
At syempre sabay tayong palaging may inaabangan
Yun nga lang Pastillas Girl ang sa akin at sayo Aldub naman

Kung may favorite loveteam ka, syempre ako meron din
Kinikilig ka sa KathNiel, ako natutuwa sa Jadine
Sa parehong palabas na Pangako Sayo
Si Daniel Padilla ipinaglalaban mo,
Dahil para sa akin maganda parin yung kay Echo

Akong mahal, magkaiba man ang ating mga gusto,
Ang mahalaga, tayong dalawa ay magkasundo

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon