What is LOVE?

49 1 0
                                    

What is LOVE?
Ito ang tanong ng karamihan.
Iba't ibang sagot pero iisa ang kahulugan.
Love conquers all, Love is blind, True Love waits,
'Yan ang sabi ng iba, pero para sa akin,
Love is unexpected.

Gusto na kita noong una palang kitang nakita,
Hindi ako makalapit dahil iniisip ko na baka may syota ka na.
Araw-araw ganoon ang eksena,
Makasalubong man kita, hanggang tingin lang ang aking nagagawa.

Pero, magaling nga naman itong si tadhana,
Lumipas ang taon, at nagbago ang mga sitwasyon.
Napunta ako sa ibang lugar at alam kong malayo sa'yo.
Natuto akong limutin ka, tinanggap kong hindi tayo para sa isa't isa.

Hindi na kita naiisip at hindi na ako umaasa,
Dahil ang pagkakataon noon ay nasayang ko na.
Pero nagbago ang ikot ng mundo ko,
Isang araw lumapit sa akin ang isang babae at kamukha mo.

What is LOVE?
It is unexpected.
Dahil ikaw ang tumupad sa pagkakataon,
Naging tayo kahit lumipas na ang taon.

Sulat at TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon