Chapter 6: Knowing them.

130 2 0
                                    

Saichi's point of view♪

Nandito na kami ngayon nina Hiro sa cafeteria at kasalukuyan ng kumakain. Kasabay din nga pala namin sina Lexus, Maureen, Luke at Savannah idagdag na natin si Lynn na katabi ko ngayon.

Nagkwekwentuhan lang sila Maureen habang ako at si Hiro ay tahimik lang pero hindi tong katabi ko na patuloy lang sa kadadaldal sakin habang kumakain pero hindi ko siya pinansin masyado pa kong maraming iniisip ngayon pero ang nakakuha ng attensyon ko ay yung pagsabi niya na nagtratrabaho siya sa isang cafe.

"Anong sabi mo ulit?" Tanong ko sakanya.

"Alin? Marami na kasi akong sinasabi sayo HAHAH." Aniya.

"Yung cafe." Sagot ko.

"Ah yun ba? Nagtratrabaho ako dun para may maipon ako at para din may pang bayad din sa tuition ko bakit mo natanong?" Tanong niya sakin. Kung magtratrabaho din kaya ako dun? Para naman hindi nako masyadong umaasa kay Hiro nakakahiya din naman sakanya.

"At alam mo ba? Naghahanap din sila ng bagong isa pang waitress para sa cafe, kulang kasi dahil umalis yung isa pang kasamahan namin." Pagkwekwento niya pa.

"Can you bring me to that cafe tomorrow?" Mahinang tanong ko sakanya baka kasi marinig kami ni Hiro.

"Ha bakit?" Takang tanong niya sakin.

"Basta dalhin mo nalang ako dun." Ani ko.

"Okay sige." Pag payag niya.

Wala na naman akong sasabihin sakanya pero except siya dahil hindi talaga siya nauubusan ng kwento at ako balik tahimik ulit. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba kaya napatingin ako sa paligid pero wala naman yung tatlo at tsaka kumikirot yung ulo ko sa sakit. Tapos na naman akong kumain ay tumayo nako na ikinalingon nilang lahat sakin.

"San punta mo Sai?" Tanong sakin ni Sav pero ayaw niya tinatawag na Sav gusto raw niyang tinatawag siyang Van.

"Papahangin lang." Maikling sagot ko sakanya at akmang aalis na ng biglang hawakan ni Hiro yung kamay ko.

"Hindi mo pa gaanong kabisado yung school Chechi." Sabi niya sakin. Kabisado ko na naman to ah? Kunte pa nga lang tsaka ano bang pakialam niya eh sa gusto ko lang namang magpahangin. "Tsaka ayos ka lang ba?" Tanong niya ulit sakin.

"Rooftop lang and I'm fine." Sagot ko sakanya at kinuha na yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagsimula ng maglakad paalis.

Ano bang nanyayari sakin? Simula ng dumating yung tatlong yun ay marami na kong nararamdamang kakaiba. Una minsan sumasakit yung ulo ko, Pangalawa may nararamdaman ako sa tatlo ng isang malakas na aura at pangatlo may nararamdaman ako na parang kilala ko sila. I'm on my way to our school building but I felt like I need to go somewhere I don't know, I can't explain this feeling of mine. Kaya imbis sa school building ako pupunta ay nag iba ako ng dereksyon papunta sa likod ng school building namin at may nakita akong puno ron kaya dun nako umakyat at napagdisesyonan ko din namang dito nalang muna magpahangin.

I was about to close my eyes but I felt a strong aura coming to my direction.
Hindi nga ako nagkamali dahil papunta sa gawi ko sina Nizari na mukhang may pinag uusapan sila o pinag aawayan.

"Ano ba Li-----"Naputol yung sasabihin sana ni Alessia ng magsalita yung Nizari.

"I told you Aless na tawagin mo ko o tayong lahat ng second nickname natin!" Iritang sagot nong Nizari.

"Fine. But Niz hindi mo ba napapansin? Nararamdaman kong may nakabalot sakanyang mahika!" Sabi ni Alessia. Sino siya? Sinong nababalutan ng mahika? Wait do magic really exist?

"Nararamdaman ko." Pag sang ayun naman ni Nizari.

"Lapitan na sabi natin siya! I know there's some spell or encantation to broke the magic spell around her." Pag singit naman ni Aileen.

"I told you Leen na hindi pa sa ngayon! Babantayan muna nga natin siya!"-Nizari.

"Ano ba Niz!? Nakikita mo ba yung itsura niya ngayon!? Her eyes was emotionless and I feel like her heart too!"-Alessia.

"Kung lalapitan natin siya ano nalang sasabihin niya!? Na baliw tayo!? Dahil lang sa sasabihin nating let me broke this spell around you ganon!?" Inis na bulyaw nong Nizari kay Alessia na ngayon ay napatahimik nalang.

Ano bang pinag aawayan nila? Tsaka sino ba talaga yang babaeng tinutukoy nila?

"Niz bakit ayaw mong mag tawagan tayo sa tunay nating nickname?" Biglang tanong ni Aileen kay Nizari.

"Bacause someone's here. She's watching us and listening to our conversation." Malamig na sagot ni Nizari na ikinabigla ko. Kanina pa niya ako naramdaman? Kakaibang babae.

"Where?" Tanong bigla ni Alessia at naging alerto silang tatlo. I sighed. I guess, kailangan ko na talagang magparamdam sakanila.

"Here." Malamig kong sabi sakanila at tumingin naman silang tatlo sa puno kung saan ako nakaupo kaya dahil sa gulat ay bahagya pa silang tatlong napaatras.

"What are you doing here?" Tanong sakin nong Nizari. Tumalon naman ako pababa ng puno bago sumagot sa tanong niya.

"Pahangin." Tanging sagot ko lang sakanya pero nabigla naman ako ng bigla akong yakapin ni Aileen at pagkatapos ay hinawakan niya yung mukha ko na mangiyak ngiyak pa.

"Fin is that you? Is that really you?" Mangiyak ngiyak niyang tanong sakin. Who the hell is Fin? And what did she call me!? Fin? Did she know me?

"Who the hell are you? and why are you calling me Fin?" I asked coldly.

"Bacause you are really---" Biglang naputol yung sasabihin niya ng bigla siyang hilahin ni Alessia.

"Ano ba Aless! Let me go!" Pag pupumiglas na ni Aileen sa pagkakahawak ni Alessia na ngayon ay umiiyak na pala.

"Ano ba Aileen!? Kumalma ka nga!" Sabi naman ni Nizari makikisingit na sana ako sa mga pinag uusapan nila ng biglang tumunog yung cellphone ko at pagtingin ko kung sino ang caller ay si Hiro lang pala kaya sinagot ko na ito.

"Where the hell are you?"

"Relax. Nandito lang ako sa likod ng school building."Sagot ko.

"Tsk. Bumalik kana dito."

I sighed. Enend call na niya kaya napagdisesyunan ko na sanang maglakad papaalis sa lugar nato pero bigla akong pinigilan ni Aileen na paulit ulit akong tinatawag sa pangalang Fin.

"Wag kang umalis Fin! Fiinnnn!"

"I told you I'm not Fin, I'm Saichi." Malamig kong tugon sakanya at naglakad na ng tuluyan paalis sa lugar na yun.

One day I'll be knowing them.



Pagkarating ko sa classroom ay bumungad sakin ang inis na mukha ni Hiro. Problema na naman niya?

"Akala ko ba sa--" Pinutol ko na yung sasabihin niya at nagsalita.

"Gusto kong pumunta sa gubat at dun sa ilog kung saan una mo kong nakita." Sabi ko sakanya.

"Why?" Takang tanong niya sakin.

"I don't know. I feel like I need to go there." Tanging nasagot ko lang sakanya.

"Okay. Pagkatapos ng klase." Pag payag niya kaya tumango nalang ako sakanya at pumunta na sa upuan ko at dumukdok sa mesa.

Nakakapagod din pala minsan. Para akong isang detective na hinahanap yung mga clue kung sino ba talaga ako at kung ano ba talaga yung katauhan ko at isa pa yung kanina. Mukhang kilalang kilala nila talaga ako siguro sa susunod na araw ko na sila kakausapin kung ano ba talaga yung nalalaman nila tungkol sakin o kilala nga ba talaga nila ako. Sa ngayon ako na muna ang aalam kung sino ako. I sighed. Kapagod.




Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon