Saichi's point of view♪
Humihikab akong bumaba ng hagdan. Nakapag ayos na din ako at dumeretso nako sa dining table namin at nadatnan ko dun si Hiro na nagkakape. Sobrang kulang ng tulog ko kagabi kakaisip sa mga panaginip ko at pinag aralan ko pa yung science ko kagabi dahil may quiz kami ngayon.
"Gising kana pala. Kumain kana." Sabi niya sakin kaya tinanguan ko nalang siya tsaka umupo na. Nagsandok na din ako ng kanin ko at kumuha ng hotdog tsaka egg at nagsimula ng kumain.
Tahimik lang din kaming dalawa ni Hiro pero kalaunan din naman ay binasag na niya yung katahimikan.
"Che.."Tawag niya sakin.
"Hmm?" Tanging sambit ko lang at hinintay siyang magsalita ulit pero nagtaka ako ng wala naman siyang sinabi ulit kaya tinignan ko siya na nagtataka. "Sabihin muna." Saad ko sakanya.
"Nakita ko kasing..." Paninimula niya. Ano bang nakita ng lalaking to at parang nagdadalawang isip siya? Baka nabaliw nato. "Nakita ko kasing naging abo yung kulay ng mga mata mo dun sa gubat at nong gumising ka kagabi." Pagpapaliwanag niya na ikanatigil ko.
Naging abo yung kulay ng mga mata ko? Yun ba ang totoong kulay ng mga mata ko? Pero bakit itim yung mata ko ngayon kung abo naman pala yung kulay ng mga mata ko?
"Baka namalik mata ka lang." Malamig kong sabi sakanya at tinapos na yung pagkain ko.
"Chechi hindi nga ako namalik mata lang! Totoo nga!" Sabi niya sakin hanggang sa natapos nalang akong hugasan yung mga pinagkainan namin at nakalabas na kami sa bahay ay pinagpipilitan parin niyang nakita niyang naging kulay abo yung mga mata ko.
"Kalimutan mo na yun baka pagod ka lang din."Sabi ko sakanya at pumasok na sa passenger seat at ganon din naman siya.
"Hindi nga sabi! Saichi alam ko yung mga nakikita ko!" Bulyaw niya sakin habang nagmamaneho kaya napaikot nalang ako ng mata ko at tumingin na sa daan.
Naniniwala ako sa mga sinasabi niya pero may parte saaking ayaw na siyang makialam o makakita ng kakaiba tungkol sa akin at sa mga nawala kung memorya. Pakiramdam ko hindi na dapat malaman ni Hiro kung sino ako at ano ang nakaraan ko. Kahit ako ay natatakot malaman ang nakaraan ko.
Matatanggap ko kaya?
"Saichi bakit ba paulit ulit mong dinedeny na naging kulay abo yang mata mo?" Tanong sakin ni Hiro habang naglalakad na kami papunta sa classroom namin.
"Kalimutan mo na yun Hiro."-Ako.
"Bakit ba kasi hindi ka naniniwala!? Totoo nga sabi!"-Hiro.
"No. Forget it."-Ako.
"Saichi naman! Hindi ako tan--"
"Yshiro kalimutan mo na sabi yun!" Sigaw ko sakanya na ikinatigil niya. Sa inis ay nilampasan ko nalang siya sa paglalakad at pumasok na sa classroom namin tsaka dumukdok sa mesa ko.
Kainis. Bakit ba ayaw niya yun kalimutan!?
"Saaaaiiii!" Tawag sakin ng kung sino at pagtingin ko ay si Lynn lang pala. Nakangiti naman siyang lumapit sakin.
"Ano tuloy ba tayo mamaya?" Tanong niya sakin kaya tinanguan ko nalang siya.
"Sige. Pagkatapos nalang ng klase mamayang hapon." Sambit niya sakin na tinanguan ko na naman ulit. Bumalik na din naman siya sa upuan niya. Pumasok na din si Hiro sa room at walang imik na umupo sa tabi ko kaya hindi ko nalang siya pinansin at ganon din naman yung ginawa niya sakin.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...