Saichi's point of view♪
It's been two and a half days since pumasok ako sa cafe shop nayun at halos gabihin na din ako sa pag uwi at halos gabi gabi kong nadadatnan si Hiro na naghihintay sa sala at sinesermunan na naman ako.
Ngayong araw ay walang pasok at mamayang 9 am pa pasok ko sa trabaho kaya hindi ako maagang gumising.
Humihikab akong lumabas sa kwarto pagkatapos kong ayusin yung hinihigaan ko. Tulog parin naman si Hiro kaya naisipan kong subukang magluto ngayong araw... but actually I don't know how. I just want to. Isipin ko nalang na may himalang manyayari.
Kumuha ako ng apat na itlog at hotdog. Nilagay ko na naman yung kawali sa kalan sabay on nito. Napatigil naman ako at napaisip sa susunod kong gagawin.. hmm ano pa ba? AH! Kinuha ko na yung mantika tsaka nilagay sa kawali. Ilang minuto pa ang hinintay ko at nagcrack nako ng itlog at dahan dahang nilagay sa kawali. Tama naman tong ginagawa ko di ba?
Habang hinihintay kong maluto yung itlog ay napaisip na naman ako kung sino yung malakas na presensyang naramdaman ko nong araw na nagdidiscuss yung prof namin sa Filipino. Kakaiba siya sa presensya nila Nizari, Aileen at Alessia na nararamdaman ko eh.. teka.. *sniff sniff* parang may naamoy akong sunog.. napatingin naman ako sa itlog na niluluto ko.
"Sh*t!!"
Nagmamadali naman akong kumuha ng isang basong tubig at binuhos yun sa kawali at sa kalan kaso mali pala ako ng ginawa dahil lumakas yung apoy na nasa kalan at natalsikan pako ng mantika.
"Sh*t! Aray!"
"Fvck Saichi! Anong ginagawa mo!? Balak mo bang sunogin yung bahay ha!?" Biglang sigaw ni Hiro at nagmamadaling pumunta sa gawi ko sabay off ng kalan tsaka ng nong gasol.
"Sorry.."Paumanhin ko habang palihim na hinihimas yung kaliwa kong kamay na natalsikan ng mainit na mantika.
"Sa susunod kasi ay gisingin mo ko at ako na ang magluluto kung hindi pako gumising baka nasunog natong kusena." Sermon niya pa sakin kaya napayuko nalang ako at hinihimas himas nalang yung kamay kong namumula mula na.
"Upo." Malamig niyang utos sakin na ginawa ko naman. Umupo naman siya sa harap ko at hinila yung kaliwang kamay ko. Walang himalang nanyari.. hindi talaga kami Bestfriend ng kusena–_–
"Ano namang naisip mo at bigla mong naisipang magluto ngayon?" Tanong niya sakin habang ginagamot yung kaliwang kamay ko. Sasabihin ko ba? Baka pagtawanan lang ako ng lalaking to eh. Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sakanya kung pano niya gamutin at nilagyan ng benda yung kaliwang kamay ko.
"Saichi nakikinig ka ba? Ano ngang naisip mo?" Seryosong tanong niya sakin.
"Baka kasi may himala at maging marunong nako sa pagluluto." Nahihiya at mahinang sagot ko sakanya habang nakaiwas ng tingin. Tapos na naman niyang malagyan ng benda yung kamay ko.
"Himala? Batukan kaya kita diyan! Walang himala at hinding hindi ka talaga marunong magluto!" Bulyaw nito sakin. Hindi naman masakit yung sinabi niya no? Parang kagat lang naman ng dinosaur. Kailangan talagang ipamukha sakin Hiro? Kailangan talaga?
"Oo na! Alam ko naman yun!" Inis kong sabi sakaniya. Napabuntong hininga naman siya at tumayo sabay nilinis yung kalat na nalikha ko.
"Lika dito tuturuan nalang kitang magluto." Sabi niya sakin at napangiti naman akong napaharap sakanya.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...