Chapter 10: Sudden Attack.

70 3 0
                                    

Saichi's point of view♪

It's already 10pm ng gabi at kasalukuyan na kami ngayong naglilinis sa cafe shop dahil magsasara na kami.

"Grabe Sai! Ang astig mo din kanina ah!" Pagsasalita ni Lynn sakit habang nagmamap sa sahig at ako naman ay nililinis ko yung mga lamisang may mga kalat.

"Oo nga Sai! Alam mo bang parati na din yun nandito at nambabastos yun samin minsan at ngayon lang siya nasapak ng ganon! Nako gusto pa naman namin yun sapakin! Natatakot lang kami baka masisisante kami at tsaka buti nalang talaga hindi ka nasisante ni Ma'am." Mahabang pagsasalita ni Kiara. Isa din sa mga waitress na kasamahan ko bali apat kaming waitress, isang cashier at tatlong tagapagluto na ngayon ay umuwi na dahil hindi sila kasama sa paglilinis.

"Ikaw talaga Kia kapag dumaldal ka daig mo pang nagkwekwento ng story." Pang aasar ni Bea (cashier).

"Ansama mo talaga sakin Bea!" Nakangusong sabi ni Kia. Napailing iling nalang ako sakanila at pinagpatuloy nalang yung ginagawa ko.

"Pero grabe talaga Sai! Ako yung lalaking katabi mo kanina pero parang ikaw pa naging lalaki sating dalawa kanina."Natatawang komento naman ni Lhoyd kaya napatawa nalang din ako ng mahina and yes! Tumatawa at ngumingiti nako at tsaka kahit papano ay may emosyon na din yung mga mata ko.. dahil lang din sakanila at... kila Hiro.

Bigla naman akong napatigil sa ginagawa ko ng biglang may maramdaman akong malakas na presensya sa paligid. Napalingon lingon naman ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Nabigla at napaiktad ako ng may humawak sa balikat ko.

"Okay ka lang Sai?" Nag alalang tanong sakin ni Lynn kaya ngumiti lang ako sakanya.

"Okay lang ako." Sagot ko sakanya at tinapos na yung mga ginagawa ko. Ganon din naman yung iba habang masayang nagkwekwentuhan.

Ilang oras pa kaming naglilinis at sa wakas ay natapos din kaya kanya kanya na kami ng bihis at pag ayos ng mga sarili namin at sabay sabay ding lumabas sa cafe shop ng maisira na ito ni Bea dahil isa din siya sa mga naghahawak ng susi sa cafe shop naito.

"Oh pano una na kami sainyo ha?" Paalam samin nina Bea, Kia at Lhoyd.

"Sige mag iingat kayo."Sabi ko sakanila at bahagya pa namin silang kinawayan ni Lynn.

Nang kami nalang ang naiwan ni Lynn ay nagsimula na din kaming maglakad pero kalaunan din ay nagpaalam na siya sakin dahil magkaiba kami ng rutang dadaanan.

"Mag iingat ka Sai! Bye!" Sabi niya sakin at bahagyang kumaway kaway sakin.

"Ikaw din Lynn!" Sabi ko sakanya.

Nang makalayo na siya ay napabuntong hininga nalang ako siguro dahil na din sa pagod pero agad ding napaalerto ng maramdaman ko na naman yung malakas na presensyang naramdaman ko kanina sa shop. Napalingon lingon na naman ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula na ulit maglakad baka naprapraneng lang ako o kaya naman baka dala lang to sa pagod.

Habang naglalakad nako pauwi ay nabigla naman ako ng may tumakip sa bibig ko at hinila ako sa isang madilim na bahagi. Dahil dun ay tinapakan ko naman yung paa nong taong humila sakin kaya napaluwag yung pagkakapit niya sa bibig ko kaya agad ko naman yung hinablot sabay balibag sakanya ngunit nagawa parin nong lalaking maingat na lumanding sa lupa.

"Who are you?" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman agad yung taong humila sakin dahil sa pagtama nong ilaw sakanya. Nakasuot ito ng itim na mga damit at itim na cloak kaya hindi ko din makita yung mukha niya.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon