Aileen's point of view♪
Pagod akong humiga sa kama ko dahil sa ginawa namin kanina hanggang sa tuluyan na nga akong kinain ng antok.
Teka asan ako? Nabigla ako ng biglang nag-iba yung lugar na kinakatayuan ko at bigla nalang ako nanghina dahil ito yung araw na pangatlong misyon namin.
"Yaaayy! Ito yung pangatlo nating misyong lima!"Nakangiting sabi ng sarili ko habang nakatingin sakanila Fin, Sia, Lizz at Lina..
Napatitig naman ako kay Lina at bigla nalang tumulo yung mga luha na nasa mga mata ko ng makita ko na naman ulit yung malaanghel niyang ngiti.
Ate Lina...
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Ron at niyakap ulit si Ate Lina ng sobrang higpit. Kitang kita sa dalawang mata ko yung sobrang pagmamahal niya kay Ate Lina.
Nabigla naman ako ng biglang nagbago na naman yung lugar at nakita ko na naman ulit yung panyayaring pilit kong kinalimutan. Nakita ko yung sarili ko na sugatan na at nakikipaglaban. Nakita ko naman si Lizz na sugatan na rin at meron ng mga tama pero prinoprotektahan niya pa din si Sia dahil hindi siya marunong makipaglaban na ngayon ay nanghihina na dahil na din sa marami na siyang nagamit na kapangyarihan niya. Napatingin naman ako kay Fin na sobrang daming natamong mga sugat pero patuloy parin siyang nakikipaglaban at pinipilit na pumunta sa gawi ni Ate Lina upang protektahan din ito.
Napatingin naman ako kay Ate Lina.. katulad ng iba ay marami na din siyang mga sugat at duguan narin idagdag pang nanghihina na din siya dahil sa rami ng mga mahikang pinakawalan niya.
Hindi ko na naman mapigilan ang pag iyak ko ng makita na naman ng dalawang mata ko yung ginawang sakrepesyo ni Ate Lina.
"Patawad saaking gagawin at sana bantayan niyo si Ron para saakin." Sabi samin ni Ate Lina at ginamit niya yung kapangyarihan para pigilan kami sa pagkilos at gumawa din siya ng malaking barrier pero nakikita parin namin kong pano niya buhis buhay na nilabanan yung mga kalaban namin at napabuga na din ng dugo.
"Noo!!! Ate Linaaa!!!!" Sigaw ko kahit alam ko namang hindi niya ko maririnig dahil.. dahil alam kong panaginip lang ang lahat ng ito pero patuloy parin akong sumisigaw. "Ate Celinaaaaaa!!!" Sigaw ko ulit.
Sa huling pagkakataon ay nakita ko na naman yung unti unting pagkabagsak ni Ate Lina na nanghihina na at nagtagumpay din niyang mapatay yung mga kalaban namin. Nagsitakbuhan naman sina Fin, Sia, Lizz at ako papunta sa gawi ni Ate Lina habang umiiyak.
"Ate Lina... huwang kang bibitaw! Mabubuhay ka pa! Pakiusap!"
"Cel.. pakiusap lumaban ka pa!"
Kahit panaginip lang ito ay patuloy parin ako sa kakaiyak...
"Pakiusap.. alagaan at bantayan niyo si Ron para saakin.. huwag niyo siyang hayaang makulong sa poot at galit. P-pakisabi sakanya na mahal na mahal ko siya at.." Pagsasalita ni Ate Lina sabay buga ng dugo. "M-masaya akong nakilala ko kayong apat.. ikinagagalak kong naging kasama ko kayo sa misyong ito.." Nakangiting sabi niya at unti unti na siyang nagliwanag. "Mission completed.." Mahinang sabi niya at tuluyan na kaming nilamon ng liwanag hanggang sa pagmulat nalang ulit namin ng mga mata ay nakita nalang namin ang unti unting pamumukadkad ng puno.. ang puno ni Ate Celina...
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...