Saichi's point of view♪
"Kain kana." Sabi sakin ni Hiro at inabutan ako ng pagkain.
Pagkaabot niya ay nagsimula na din akong kumain. Kani-kanina lang ay umuwi na sila Maureen babalik nalang daw sila ulit mamaya. Sunday ngayon kaya walang pasok at may trabaho pa pala ako. Gusto ko nga sanang umalis dito sa hospital at umuwi na pero ayaw nitong si Hiro dahil hindi pa raw magaling yung sugat ko.
"Hiro paabot ng cellphone ko." Sabi ko sakanya na ipinagtaka niya naman.
"Bakit? Sinong tatawagan mo?" Tanong niya.
I just rolled my eyes. "Tatawagan ko si Lynn." Sagot ko. Tumango tango naman siya at inabot na sakin yung cellphone ko. Kinontact ko naman agad si Lynn at pangatlong ring palang ay agad niya na itong sinagot.
"Hello? Sai! Ikaw pala! Bakit ka napatawag? Tsaka nasan ka na? Late kana."
"Lynn hindi ako makakapasok nandito ako ngayon sa hospital." Sabi ko sakanya.
"HOSPITAL!!??? BAKIT!? ANONG NANYARI SAYO!? OMG!!"
Face palm. Grabe niya mag react-_-
"Hey calm down.. pasabi nalang kay Ms. Flora." Saad ko.
"Sige! Bibisitahin ka namin diyan ah? Babye pagaling ka Saisai!" Sabi niya at enend na yung tawag. Inabot ko naman ito kay Hiro at ibinalik naman niya ito sa bag ko.
"Sino si Ms. Flora? Tsaka anong hindi ka makakapasok? Wala namang school ngayon." Takang tanong sakin ni Hiro. I sighed.
"Nagtratrabaho kasi ako." Pag amin ko sakanya ng totoo habang kumakain.
"Ano!?" Biglang hiyaw niya dahilan para masamid ako sa kinakain ko. *Cough Cough*
"Okay naman sa bahay ah? Binigay ko naman sayo lahat at hindi naman kita ginugutom Chechi! Bakit ka pa nagtratrabaho?" Sunod sunod niyang sabi at tanong sakin. Uminom naman muna ako ng tubig bago sumagot sakanya.
"Gusto ko lang magtrabaho." Sagot ko at akmang sesermunan niya sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Baka sina Maureen nato?
"Pasok." Sabi ko at di ko naman inaasahan kung sino ang pumasok sa kwarto kung saan ako na confine.
Nizari.. Alessia.. and Aileen?
"Kayo?"
"Yeah.. tinanong namin yung isa sa mga kaibigan niya kung nasan ka." Sagot naman ni Nizari sabay turo kay Hiro.
"Alam niyo kung saan sila nakatira?" Tanong naman sakanila ni Hiro. Kasi naman nakakapagtaka kung tinanong nila yung isa sa mga kaibigan ni Hiro eh nasa bahay lang nila yun dahil gusto raw nila munang bumawi ng pagkahaba habang tulog.
"We have ways." Misteryosong sagot naman ni Alessia.
"Uwaahh! Finn!! Are you okay!?" Mangiyak ngiyak na tanong sakin ni Aileen at tumakbo papunta sakin sabay yakap. Buti nalang ay kinuha na ni Hiro yung pinagkainan ko kaso natabig ni Aileen yung sugat ko.
"Y-yung sugat ko." Reklamo ko sakanya kaya umalis din agad naman mula sa pagkakayakap sakin si Aileen.
"Ahh sorry Fin! I mean Saichi! I mean Fin!" Sabi niya, sabay napakamot sakaniyang ulo. Face palm. Ayan na naman kaka-Fin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...