Saichi's point of view♪
Kanina pako naiilang sa mga titig nilang lahat sakin. Ano bang problema nila sakin? Nandito na din sina Lynn kasama sina Bea, Lhoyd at Kia na ngayon ay gulat ding nakatingin sakin, ay hindi! sa mga mata ko pala na may pagkamangha din. What's wrong with them?
"Ano bang problema niyo!?" Di ko mapigilang matanong.
"Saii ganyan ba talaga totoong kulay ng mata mo? Di ka ba nag contact lenses?" Manghang tanong sakin ni Lynn. Nag iba na nga pala yung kulay ng mga mata ko simula nong nanyari yung kanina. Bumalik na ulit sa dating kulay ang mga mata ko.
"Totoo nga to." Sagot ko sakanya.
"Omg! Kay ganda naman pala ng mata mo beh!" Nakangiting komento naman ni Kia.
"Mas lalo kang gumanda sa mga mata mo Sai ganda!" Komento naman ni Lex na agad naman nilang sinang ayunan. Napailing iling nalang ako sakanila at napatingin kay Hiro na kanina pa tahimik. Bakit kaya?
Naalala ko na naman yung pagtatalo naming dalawa tungkol sa pag iiba ng kulay ng mga mata ko noon.
"Che.."
"Sabihin muna."
"Nakita ko kasing naging abo yung kulay ng mga mata mo dun sa gubat at nong gumising ka kagabi."
"Baka namalik mata ka lang."
"Chechi hindi nga ako namalik mata lang! Totoo nga!"
"Kalimutan mo na yun baka pagod ka lang din."
Alam kong totoo ang mga sinasabi mo Hiro ngunit patawad dahil simula ngayon ay magsisimula nakong maglihim sayo tungkol sakin. Napatingin naman siya sakin kaya napaiwas nalang din ako ng tingin. Pakiusap huwag mo sanang tangkaing alamin ang buong pagkatao ko..
Tahimik lang akong nakaupo sa kama ko habang tahimik silang pinapanood na masayang nagkwekwentuhan at paminsan minsan naman ay sumamabay ako sakanila kapag tinatanong nila ako o pinapasalita hanggang sa tumungtong ang oras ng alas 11 ng tanghali at nagpaalam na silang lahat sakin.
"Una na kami Sai! Bye!" Paalam sakin nina Lhoyd.
"Una na din kami Sai, pagaling ka." Paalam naman sakin nina Van.
Kinawayan ko lang naman sila at naiwan na nga kaming dalawa ni Hiro kaya nakakailang na katahimikan tuloy ang bumalot saming dalawa.
"Bibili lang ako ng makakain natin." Paalam niya kaya na kaagad ko naman tinugunan ng isang tango. Pagkalabas niya ay dun ko na naramdaman ang presensya nilang tatlo. I rolled my eyes. Kanina pa sila nagtatago.
"Wala ba kayong balak magpakita?" Walang gana kong tanong sakanila at lumabas nga silang tatlo mula sa void na ginawa ni Nizari.
"Ang lakas talaga ng pakiramdam mo Fin!" Maktol ni Ail na ikinangisi ko lang.
"Bakit nga pala hindi kayo nagpakita kanina?" Tanong ko sakanila.
"Too noisy." "Ang ingay." Sabay na sagot nina Lizz at Sia. Napailing iling naman ako sa sagot nilang dalawa. Kahit kailan talaga ay ayaw nila sa maiingay, napatigil naman ako bigla..
Ayaw ko din naman sa maiingay na lugar pero... Have I changed too much?
"Bakit may problema ba Fin?" Tanong sakin ni Ail. Umiling naman ako sakanya bilang sagot.
Umupo naman sa tabi ko si Ail at pumapalumbaba sa upuan na nasa tabi ko sabay tinitigan ako habang di Lizz ay nakatayo lang sa likod ni Ail at si Sia naman ayun nagbabasa na naman ng libro.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...