Saichi's point of view♪
"Saii bili tayo pagkain!" Masiglang aya sakin ni Lynn. Nandito kami ngayong lahat sa loob ng campus habang nag iikot ikot at tumitingin din sa mga booth's at bumibili ng makakain. Dahil foundation day ngayon ay wala ring klaseng nagaganap kaya masaya. Nagpaalam din muna kami ni Lynn kay Ms. Flora na hindi kami papasok sa trabaho ngayon at sabi niya naman ay ayos lang raw.
"Ano sayo Sai?" Tanong sakin ni Lynn.
"Buko nalang sakin."Sagot ko sabay lingon kay Lizz.
"Lizz di ba may competition ka mamaya?" Tanong ko sakanya na kaagad niya namang tinugunan ng isang tango.
"Ano ngang sinalihan mo?" Tanong ko uli.
"Painting competition." Sagot niya sakin. Magtatanong na din sana ako kay Ail ngunit busy na siyang kumakain kasama si Lynn habang si Sia naman ay umiinom din ng buko. Teka asan yung buko ko?
"Ito buko mo."Tugon ni Hiro sabay abot sakin. Nginitian ko naman siya at kinuha na yun.
"Thank you." Ani ko.
"Patikim lang eh! Takaw mo!" Hiyaw bigla ni Luke kay Mau.
"Hoy Tatlo! Kung takawin kita dyan!? Bumili ka ng iyo!" Bulyaw naman ni Mau. Kahit kailan talaga ay parang aso't pusa tong si Mau at Luke.
"Wag mo ngang tagalugin yung pangalan ko!" Reklamo ni Luke.
"Parang mga bata." Mahinang bulong ni Lex na narinig naman ng dalawa kaya ayun nakatanggap siya ng dalawang batok mula sa dalawa na ikinatawa ko naman.
"Ikaw yung isip bata!" Bulyaw ng dalawa kay Lex.
"Ayan kasi bubulong bulong na nga rinig naman." Natatawang sabi ko kay Lex pero napatigil rin dahil nakatingin silang lahat ngayon sakin na gulat at namamangha. Napanganga panga si Ail na akmang isusubo na yung hotdog niya.
Anong meron sakanila? Parang mga tanga e.
"Para kayong tanga." Sabi ko sakanila at bumili nalang din ng hotdog.
"Yun ang unang beses na narinig ka naming tumawa! Kadalasan kasi ngumingiti kalang!" Mangha at gulat na komento ni Lex na agad namang sinang ayunan ni Van.
"Ikaw ba talaga yan?" Gulat na tanong sakin ni Sia.
"Infairness ang ganda pakinggan ng tawa mo Fin ah! Parang lullaby!" Komento naman ni Ail habang ngumunguya ng hotdog niya.
"FINN!!!????" Gulat na tanong ng lahat kay Ail na direderetsong nabilaukan.
"*Ubo ubo* tang *ubo* ina n-niyo!" Nahihirapang wika ni Ail at mangiyak ngiyak na nanghingi ng maiinom kay Sia na kaagad din namang nag abot ng buko sakanya.
Napailing iling naman ako. Ito kasi ang unang pagkakataon na kasama namin sina Ail, Lizz at Sia kaya gulat silang lahat sa pangalang tinawag niya sakin.
"Gsgo kayo ah! Nabilaukan ako dun!" Agad na sabi ni Ail ng makarecover na mula sa pagkabilaukan niya.
"Anong Fin? Kilala mo siya? I mean yung totoong pangalan niya?" Takang tanong ni Hiro sakanya. Ngayon ko lang nakitang nagkaganito si Hiro, yung parang may hinahanap siyang sagot o isang clue sa matagal na niyang mga katanungan.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...