Chapter 22: Report.

45 0 0
                                    

Aileen's point of view♪

Pagkarating namin sa kampo at sa kalagitnaan naming paglalakad ay nakasalubong namin si Harlow na tumatakbo habang may bitbit na mga marshmallow.

"Anong nanyari sayo?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siyang nagtago sa likuran namin na para bang may kinakatakutan siyang taong paparating.

"Huwaah!! Andito na pala kayo! Eh kasi naman! Sa mga araw na wala kayo dito sa mundo natin ay araw araw din akong pinag tretraining ni Z! Waaahh! Ayoko naa!!" Mangiyak ngiyak niyang reklamo saamin sabay subo ng marshmallow. Napangiwi naman kami sa reklamo niya.

Siya si Harlow. His power was lightning. His like a boy version of Sia HAHA. He loves to eat sweets and marshmallows. His good at combat and his powers. His good at technology too and gadgets like what I said his a boy version type of Sia. Magkasama din sila ni Sia sa pag gawa ng gadgets, weapons at pag momonitor ng mga computers etc. at magkasundong magkasundo din sila pag dating sa mga gadgets or about sa technology.

"Harlow! Where the hell are you!?" Rinig naming galit na sigaw ni Z mula sa di kalayuan samin. Ilang minuto lang ay nasa harapan na namin si Z.

"Nandito na pala kayo." Sabi niya samin at bahagya naman kaming yumuko sakanya bilang bigay galang.
"Magkita tayo ngayon sa opisina ko." Tugon niya samin sabay tingin kay Harlow na kasalukuyang nagtatago sa likuran namin. "Harlow! Get back to the training room! Or else!" Sigaw ni Z kaya walang pag alinlangan ng tumakbo ulit si Harlow pabalik sa training room. Ayan takot naman pala! Mwahahahahaha!





Nizari's point of view♪

Nandito na kami ngayon sa opisina ni Z para ibalita sakanya kung ano na ang mga nanyayari sa mundo ng mga mortal at para ipaalam sakanya yung kalagayan ni Vinxe tsaka kailangan pa din pala naming pumunta sa palasyo ng mga Ellison para ipahayag sakanila ang balita tungkol sakanilang anak na si Vinxe.

"Speak." Pagbibigay niya samin ng permiso.

"We done our mission completed. We successfully assassinate Brian Verizon and his right hand." Pag sasalita ni Sia at tumango tango lang naman si Z.

"Nakita naman namin si Fin! At alam mo Z nakakatuwa talaga yung nanyari kanina Mwahahahahah! Ang epek ng mukha niya talaga!" Natatawang Pagkwekwento ni Ail kay Z dahilan para mag iba ang ekspresyon ng mukha ni Z at naglakad papunta sa gawi naming tatlo. *Face palm* wrong move Ail.. wrong move..

"What did you do?" Mariing tanong ni Z kay Ail.

"Uh I'm using my power?" Patanong niyang sagot at bahagya pang napakamot ng batok niya. "Kasi naman Z! Siya naman kasi ang nauna! Kinuha niya yung brushes ni Lizzy kaya sinabotahe ko siya gamit yung kapangyarihan ko!" Sabi niya pa sabay nguso dahilan para piningot ni Z yung tenga niya.

"A-aray.. aray ko Z!" Mangiyak ngiyak na daing ni Ail.

Kung hindi ko pa nasasabi ay siya si Aileen Blain Tuffin. Her power was water. She's good at Archery and combat. But her arrow and bow was made into a water and her arrows is too dangerous (Kapag tinamaan ka ng arrow niya na gawa sa tubig ay liquid parin naman ito pero tumatagos parin siya sa katawan ng isang tao pero ang mararamdaman lang nong tinamaan ay yung lamig at hindi sakit pero kapag natunaw yung arrow ay pumapasok yung tubig ng arrow sa katawan ng tinamaan at unting unting papatayin sa lason nitong dala.) She's also a happy go lucky girl and always smiling but if she do a mission you'll see a dark aura of her.

"Sorry na! Inutusa---" Hindi niya natapos yung sasabihin niya ng binigyan ko siya ng isang masamang tingin kaya napatahimik nalang siya at nanghingi ng tawad ni Z.

"Sa susunod huwag mo ng gamitin ulit ang kapangyarihan mo maliwanag!? May nagawa man ang taong yun o wala huwag mo pa din silang paglaruan. Tandaan mo Aileen sila ay mga normal na tao lamang at tayo yung may kapangyarihan hindi dapat natin ito ginagamit sa masasamang bagay. Nagkakaliwanagan ba tayo!?" Leksyon ni Z sakanya at ilang ulit naman siyang tumango tango hanggang sa bitawan na ni Z yung tenga niya.

"So how's Vinxe doing?" Tanong niya sakin sabay upo ulit sa upuan nito.

"For now she can't remember anything but we manage to broke the magic spell around her that prevent her to remember." Pagpapaliwanag ni Sia pero kaagad din akong sumingit sa usapan nila.

"You're wrong Sia." Saad ko sakanya dahilan para mapatigilan silang tatlo at taka akong tinignan.

"What do you mean?" Tanong nila sakin.

"Nabalik na ni Vinxe ang kanyang mga alaala simula palang nong nasira ko na yung mahikang bumabalot sakanya." Paliwanag ko.

"Wait what!? Pero bakit hindi pa siya bumalik sa mundo natin!?" Tugon naman ni Z. Nagkibit balikat lang naman ako.

"Sinabihan ko siya ngunit parang wala pa siyang balak na bumalik ngayon." Sagot ko naman. Napatahimik naman bigla si Z na mukhang may naisip na ng paraan para mapabalik dito si Vinxe.

"Go to the Ellison Palace and report this to the Empress and Emperor. Call Venzio for me." Agad na utos niya samin na nagpatigil saming tatlo.

Venzio...






Saichi's point of view♪

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa kwarto. Hindi pa ngayon nakauwi si Hiro dahil sabi niya may pupuntahan raw siyang event hindi ko alam kung saan yun. Balak niya pa nga sana akong isama ngunit mas pinili ko munang magpaiwan dito sa bahay. Gusto ko munang makapag isip isip.

Naalala ko na naman tuloy yung mga tagpo namin ni Nizari.

"Kaya mo bang iwanan ang lahat?"

Kaya ko ba? Naalala ko na naman yung mga nanyayari sakin nong wala pakong maalala at mga masasaya naming memoryang lahat na nagkatuwaan.

"Alam mo bang paminsan minsan ay may nanyayaring gulo sa mundo natin?"

"Hindi ko alam kung sino sila pero paunti unti ng nagkakagulo sa mundo natin. Paminsan minsan ay bumabalik kami dun nila Ail dahil may sumusugod na namang kalaban sa kampo."

Sila ba ang sumusugod sa kampo namin? Sila ba ang gumagawa ng mga gulo sa mundo namin?

"Where are you going? Tinatakasan mo na naman ba ang realidad Vinxe? Alam mo kung sino ka at ano ka!"

Napakuyom na naman ako ng kamao ko. Hindi ako tumatakas. Gusto ko lang ng kaunting oras at panahon at sisiguraduhin kung haharapin ko na sila muli. Alam ko kung sino ako at ano ako. Alam ko kung ano ang tungkulin ko!

"We need you!"

Napapikit na naman ako ng mga mata ko dahil sa inis. Nainis ako dahil sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na pinipigilan ako ng sarili kong takot at pagsisisi sa nakaraan ko. Gustuhin ko mang bumalik sa mundo namin ngunit may isa ring pumipigil saaking huwag umalis.

May ayaw akong maiwan...








Babalik din ako Astriliana...


Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon