Chapter 23: Knowing him.

46 1 0
                                    

Saichi's point of view♪

Nandito kami ngayon ni Hiro sa grocery dahil bukas na yung camping namin kaya bibili muna kami ngayon ng mga pagkain.

"Bili tayo cookies." Tugon ko sakanya at pumunta sa mga nakahilerang cookies. Ito yung favorite ko na kainin eh. Hinding hindi talaga ako mag sasawa sa cookies. Kumuha naman ako ng mga sampong pack ng cookies dahilan para mapatawa ng mahina si Hiro.

"You really love cookies huh." He said and chuckled softly.

"Yaah! Teka ano bang gusto mong kainin o inumin?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad naman papuntang drinks.

"Beer." Sagot niya na ikinasimangot ko naman.

"Batukan kita gusto mo?" Banta ko sakanya kaya napatawa nalang siya ng mahina.

"Chill. Bili nalang tayo ng mga soft drinks para bukas." Sabi niya sakin kaya tumango nalang ako at naglagay ng coke in can, royal, at sprite sa basket naming hinihila. I mean si Hiro lang pala ang tagahila at ako yung naglalagay ng mga pagkain.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagpili ng mga pagkain na pwedeng dalhin bukas ay nakasalubong namin sina Mau at Van.

"Uy Sai! Kayo pala!" Saad ni Mau samin.

"Hello Sai! Sap Kill!" Bati samin ni Van. 

"Hello! Bumibili din kayo ng mga pagkain para bukas?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Ahh Oo! Eh kayo din ba?"-Mau.

"Yupp! Sama nalang kayo samin ni Hiro." Aya ko sakanila pero madali namang umiling iling ang dalawa na ipinagtaka ko naman.

"Hindi pwede! Date niyo yan eh. Sige na babye Sai!" Tugon naman ni Van at hinila na si Mau. Date? Ano yun? Petsa ngayong araw?

"Ano yung Date Hiro?" Tanong ko sakanya.

"Date is like uhm.. like a couple going out together." Sagot niya sakin kaya napatango tango naman ako ngunit ng marealize ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin...

"What!!?? You're not even my type! Noway!" Sabi ko at nagmamadaling naglakad.

"As if you're my type!" Ganti naman niya sakin kaya ayun nagbabangayan na naman kaming dalawa at napatigil din ng may biglang magsalitang isang matanda saamin.

"Alam niyo iho, iha bagay kayo at tsaka parang may nararamdaman naman kayo sa isa't isa ngunit pinagsawalang kibo niyo lang ito." Nakangiting sabi niya samin at naglakad na papaalis. Nagkatinginan naman kami ni Hiro pero di kalaunan ay nag iwasan din ng tingin.

May nararamdaman raw kami sa isa't isa parang impossible naman ata non! Teka.. bakit anlakas ng kabog ng puso ko? Ah! Huh! HAHA baka nagulat lang ako o nerbyos lang ito! Oo yun!

"Saichi.." Mahinang tawag sakin ni Hiro.

"Ano!?" Tugon ko sakanya pero tahimik lang niyang tinuro yung kamay ko na may hawak na cookies at yung isa ko pang kamay na may kagat ko na. Nahiya naman ako bigla. Umaakto na naman ako na wala sa sarili ko! Shaks!

"Ah! Ano! Masarap kasi yung cookies!" Naiilang kong sabi sakanya at dahan dahang nilapag sa basket naming dala yung cookies na nabuksan ko na. Napailing iling naman siya dahil sa inakto ko ngunit nakangiti.

Anong nginingiti ngiti niya diyan!? *Face palm* nakakahiya yung ginawa ko!

"Bayad na tayo." Saad ko sakanya at naglakad na papunta sa cashier.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon