Saichi's point of view♪
Umaga na ngayon at ngayong araw ang araw na mag cacamping na kami. Kasalukuyang nandito na kaming lahat sa labas ng bahay ni Hiro at nagdala si Lex ng isang Van ng masasakyan namin para iisa lang yung gagamitin naming kotse dahil kung marami baka mahihirapan lang kami.
Isa isa na kaming pumasok sa loob at yung mga tatlong lalaki naman ay nilagay at inayos nila yung mga gamit naming lahat at ang mga pagkain sa likod ng van.
Yung pwesto ko ngayon ay nasa bandang huling upuan ng Van at yung iba ay nasa unahan nakaupo. Ipinikit ko naman yung mga mata ko upang makabawi man lang ng tulog dahil kulang ako ng tulog kagabi ewan ko ba kung bakit hindi ako makatulog kagabi napuyat tuloy ako at tsaka okay lang sakin na makatulog ako dahil nandyan naman sina Ail ang magtuturo ng direksyon papunta sa lokasyon na pagcampingan namin.
Yshiro's point of view♪
Natapos na din namin nina Lex ang pag aayos ng mga gamit at agad na pumasok na sa loob ng van. Napagdisisyunan naming tatlo na si Luke ang magmamaneho. Ako naman ay tahimik na umupo sa tabi ni Chechi na ngayon ay nakatulog na.
Pinatong ko naman yung ulo niya sa balikat ko para hindi siya mangawit at mastiff-neck dahil sa posisyon niya. Pano ba naman kasi ay nakayuko siya. Naramdaman kong may nakatingin samin at paglingon ko sa bandang kaliwa ay nakita ko dun si Nizari na nakatingin samin ni Chechi at nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay iniwas na niya agad yung tingin niya samin.
Weird..
Pinaandar na naman ni Luke yung sasakyan dahilan para mapasigaw sina Lynn at Aileen na magkatabi ngayon.
"LET'S GO CAMPING!!" Sigaw ng dalawa. Bakit ba pinagtabi ang dalawang maingay kung katabi pa nila si Lex ay baka sobrang ingay na dito sa loob ng kotse.
Ilang minuto na ang nakalipas at mabuti naman ay tumahimik na ang paligid at dahil na din sa antok ay nakatulog na din ako at napasandal sa ulo ni Chechi na nakasandal sa balikat ko.
Aileen's point of view♪
Naalimpungatan ako bigla at naramdaman ko nalang na nakahinto na pala yung sinasakyan namin. Dahan dahan kong iminulat yung mga mata ko at lumingon lingon ng bahagya sa loob ng kotse hanggang sa nakuha ng attensyon ko sina Hiro at Fin na natutulog.
Gulat ko silang tinititigan. Si Hiro ay bahagya siyang nakayakap sa bewang ni Fin at si Fin naman ay bahagyang nakasandal sa dibdib ni Hiro. Nanlalaki ang mga matang kinuha ko yung cellphone ko sabay kuha ng picture sakanila at nagmamadaling ginising si Lynn na katabi ko.
"Gising dalii!" Mahinang sabi ko sakaniya at niyugyog siya dahilan para magising siya. Bahagya niya pang kinusot kusot yung mga mata niya.
"Bakit? Ano bang meron?" Antok na tanong niya sakin.
"Tignan mo sina Hiro at Fin dali!" Utos ko sakanya at pagtingin niya ay napatayo siya sa gulat mukhang nawala din ang antok niya sabay yinuyugyog si Mau na nakayakap kay Van.
"Hmm.. ano ba!? Natutulog yung tao e!" Mahinang reklamo niya at bahagya pang umayos ng higa sa mga hita ni Van.
"Tignan mo sila Sai dali!" Sabi naman ni Lynn at ako naman ay ginising na sina Sia at Lizz.
"Gising dalii! Kailangan niyo tong makita!" Sabi ko sakanila.
"Ano ba yan distorbo naman kayong dalawa!"
"Ano ba kasi yung kailangan naming makita!?"
"Ano bayan marami ng pagkain sa panaginip ko eh!"
"Tignan niyo kasi sina Hiro at Fin!" Sabi ko sakanila na kaagad naman nilang sinunod at tila biglang nawala yung mga antok nilang lahat.
Awtomatiko naman silang nagsilabasan ng mga cellphone nila sabay lapit sa pwesto nila Fin at sunod sunod na kinuhanan ng picture.
Model ba sila?
Ayy haba ng hair ha! Ako din nga! Matry ngang matulog at baka ako din ay picturan nila! Mwahahahaha!
Nagtulog tulogan naman ako bigla pero di kalaunan din ay bigla akong nakatanggap ng isang malakas na batok.
"Aray para san yun!?" Inis kong tanong sa magaling kong kapatid na nang batok sakin.
"Shunga! Kung iniisip mo na kukuhanan ka din nila ng picture ay nagkakamali ka! Echocherang to." Bulyaw niya sakin. Aray ha! Hindi naman masakit!
Napahawak ako sa puso ko na kunyari ay parang nasaktan. Alam niyo yung feeling na parang may isang palasong biglang tumama sa puso mo? Ayun yun eh! Ansakit non ah! Hindi na talaga kunyaring nasaktan! Dahil nasaktan na nga! HUHUHU!
Saichi's point of view♪
Naalimpungatan ako bigla dahil bigla kong naramdaman yung mga flash ng camera. I really really hate it! that someone took a picture of me while I'm asleep! Arggh!
Dahan dahan kong iminulat yung mga mata ko at pagtingin ko ay nakangisi na silang lahat sakin. Muntik ko na sanang gamitin yung kapangyarihan ko para sunugin yung mga cellphone nila pero naalala kong hindi pala pwede.
Napatigil naman ako ng.. teka.. may yumakap ba sakin? Napatingin naman ako bigla sa kamay ni Hiro na nakayakap sa bewang ko at bahagyang nakasandal saakin habang natutulog kaya dahil sa gulat ko ay bigla ko siyang naitulak dahilan para malaglag siya sa kinaupuan niya.
"Fvck!" Daing niya. Nagtawanan sina Lex dahil sa pagkahulog ng kaibigan nila. Napangiwi nalang ako dahil sa nagawa ko.
Sorry Hiro...
Dahan dahan namang tumayo si Hiro at tinignan ng masama yung mga kaibigan niyang tumatawa dahilan para mapatigil ang mga ito at dali daling lumabas ng Van. Hinarap naman ako ni Hiro na may inis sa mukha niya.
"What was that for!?" Inis na tanong niya sakin.
"M-may.. may lamok kasi eh." Naiilang kong sabi sakanya at pinaningkitan niya naman ako ng mga mata. Napailing iling naman sina Aileen dahil sa sinagot ko at parang sa isip isip nila na ako na ata ang pinakabobong nilalang dito sa mundo at sabay sabay na nagsilabasan ng kotse.
–_–
"The hell!? Kailangan talagang itulak!?" Iritang tanong niya sakin.
Sila kasi!
"Sorry na.." Paghingi ko nalang ng tawad sakanya.
"Bahala ka na nga diyan!" Inis niyang sabi sakin at lumabas na ng kotse. I sighed.
Sila naman kasi eh! At kasalanan din naman niya yun! Kung hindi lang siya nakayakap saakin ay hindi ko siya matutulak ng ganon. For the secondth time, I sighed again. Kasalan ko din naman yun.
Bumaba na din ako ng kotse at pagkababa ko ay naibaba na pala nila yung lahat ng mga gamit at kanya kanya na sila ng mga dala ngayon. Kinuha ko nalang yung mga gamit ko mula kay Ail.
"Tara na." Aya ko sakanila.
Nandito kami sa gubat. Yung gubat kung saan yung unang pagkikita namin ni Hiro. Alam ko na ang pasikot sikot ng gubat na ito noon palang at sa kaliwang bahagi nito ay may ilog at sa kanang bahagi dito ay may daanan upang papunta sa itaas ng bundok na palagi kong pinupuntahan noon at sa kalagitnaan ng gubat nato ay may isang plainfield na pwede naming pagcampingan at sa di kalayuan naman dito samin ay yung may maliit na ilog na kung saan ako natagpuan ni Hiro at dun din makikita ang isang puno na ang kulay ng mga dahon nito ay kulay pink. Ito lang din ang naiibang puno dito sa gubat naito.
Ang puno ding iyon ay hindi isang normal lang na puno lang dahil isa din itong daan papunta sa mundo namin.. Ang mundong puno ng mahika..
Ang Astriliana..
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...