Chapter 25: Shade Lynn Story

34 0 0
                                    

Shade Lynn's point of view♪

"Maa wag mo kaming iwan maa!" Pagsusumamo ko saking Ina habang nakayakap sakanyang mga binte na may tumutulong mga luha at si Papa naman ay pinipilit akong hinihila papaalis sa pagkakayakap ko sa binte ni mama pero nagmatigas parin ako at hindi nagpapadaig.

"Anak bitaw na anak.." Pakiusap sakin ni Mama habang pinipilit alisin ang mga kamay ko na nakayakap sakanya.

"A-ayoko! Ayoko! Huwag ka nang umalis ma!" Pagmamatigas ko at paulit ulit na umiiling.

Hanggang sa nahila nako ng tuluyan ni papa kaya nagkaroon ng pagkakataong makaalis si Mama. Umuulan ngayon kaya't may dala itong payong ngunit gayon pa man ay hindi ko inaalintana ang ulan at patuloy na tumatakbo papalabas ng bahay at pilit hinahabol ang sinasakyang jeep ni mama habang nababasa nako ng ulan at patuloy na umiiyak na tinatawag ang kanyang pangalan.

"Mamaaaaa!! Mamaaaa!!!" Paulit ulit kong sigaw sa gitna ng kalsada hanggang sa madapa ako. Kaya't walang nakong nagawa at tinanaw nalang sa malayo yung jeep na sinasakyan niya... Mama wag mo kong iwan ma...

"Anak Lenlen! Halika na anak!" Sabi sakin ni Papa habang pilit akong hinihila. Kagaya ko ay nababasa na rin siya ng ulan at namumula ang mga mata halatang pinipigilan ang pag iyak.

"P-papa si Mama papa! I-ini.. iniwan niya ako.. i-ini.. iniwan niya tayo!" Sumbong ko saaking ama sa kalagitnaan ng aking paghikbi ngunit wala akong natanggap na kahit anong salita mula sakanya kundi nakatanggap lang ako ng isang yakap hanggang sa naramdaman ko nalang na binuhat na niya ako pabalik sa bahay namin habang umiiyak na nakayakap ako sakanyang leeg.

Hanggang sa lumipas na ang ilang buwan at taon ay isang araw biglang napatigil yung pagpapadala saamin ni Mama at naririnig ko nalang sa kapit bahay namin na mayroon na raw pamilya si Mama sa ibang bansa pero hindi ko naman ito pinapansin. Ngayon ay highschool na ako at hanggang ngayon ay umaasa pa din akong uuwi si Mama. Umaasa akong babalikan niya ako.

"Papa kailan uuwi si Mama?" Tanong ko sa ama ko sa kalagitnaan ng aming pagkain. Simula bata parin din ako ay ito na ang parating tinatanong ko kay Papa at sa bawat tanong ko ay umaasa akong maiiba yung parating niyang isasagot saakin ngunit parati lang akong nabibigo.

"Hindi ko alam." Malamig niyang sagot saakin dahilan para makaramdam na naman ako ng lungkot.

Ilang buwan at taon na ba akong umaasa na isang araw ay uuwi si Mama at magsasama na kami na parang isang buong pamilya na? Ilang buwan at taon na ba akong umaasang isang araw ay uuwi si Mama para sa kaarawan ko? Ilang buwan at taon ko na bang pinapaasa yung sarili ko na baka pagbubutihin ko pa yung pag aaral ko ay uuwi na siya? Ngunit patuloy lang akong nabibigo. Ilang medalya na ang naiiuwi ko ngunit wala pa rin siya. Ilang kaarawan na ang lumipas ko na wala siya.

Ma.. yung totoo mahal mo pa ba ako? Kasi ako ma mahal na mahal kita kaya patuloy akong umaasa na babalik ka kahit parati lang akong nabibigo. Ma balik ka na ma.. dahil minsan paunti unti ko ng nararamdaman na iniwan mo na ako ng tuluyan dahil hindi ako kamahal mahal..

Nabigla naman ako ng biglang tumayo si Papa at umalis saglit ng bahay kasabay ng pagtunog ng telepono niya kaya walang pahintulot ko agad itong sinagot dahil baka si Mama na ito at tama nga ako!

"Mama! Kailan ka uuwi ma!?" Masayang tanong ko agad sakaniya.

"Ahh anak kasi kailangan pa magtrabaho dito si Mama ng matagal eh."

"Pero ma bakit napatigil po yung paghahatid mo saamin ng pera?" Tanong ko sakaniya.

"Pasensya na anak may nan---- Mommy look mommy!-- Henry come to daddy mommy is busy--"

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon