Chapter 28: Sudden encounter

35 1 0
                                    

Saichi's point of view♪

Dahil sa tagpo namin kanina ni Hiro ay wala tuloy kaming imikan sa buong byahe kanina. Kanina ay nagpaiwan sina Niz, Ail at Sia sa gubat mukhang babalik na sila sa Astriliana. Isa isa namang hinatid ni Lex sina Mau, Van, at Luke at ihahatid niya din sana niya kaming dalawa ni Hiro pero sinabihan ko nalang siya na mag tataxi nalang kami pauwi dahil malapit na din naman at tsaka gabi na baka mapano pa siya sa daan.

"Dito nalang po manong." Sabi ko at walang pasabi sabi namang lumabas si Hiro kaya napabuntong hininga nalang ako dahil sa inasta niya.

"Mukhang may hindi kayo napagkaunawaan ng boyfriend mo ma'am ah." Komento naman ni Manong.

"Hindi ko po siya Boyfriend manong." Sagot ko at nagpilit na ngumiti sakanya. Inabot ko na naman sakanya yung pamasahe namin at bumaba na ng kotse. Pagkaalis na nong taxi ay sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong hininga na naman ako bago nagsimula ng maglakad.

"Hiro mag usa--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng gulat akong napatingin sa gawi ni Hiro.

Venzio...

Namimilipit ngayon sa sakit si Hiro habang pilit niyang hinihila yung kamay niyang hawak ni Venzio sa palapulsuhan nito at para bang naiinitan din siya. Crap!

"Venzio stop it!" Sigaw ko sakanya at nagmamadaling tumakbo papunta sakanilang dalawa. Mabilis at malakas ko namang tinulak si Venzio sabay hila kay Hiro papalayo sakanya. Pagtingin ko pa sa palapulsuhan dun ay nakita ko ang paglakra ng kamay ni Venzio doon.

"What are you doing here Venzio!?" Galit kong tanong sakanya.

"Nandito ako para ibalik ka na sa Astriliana Vinxe!" Galit din niyang sabi sakin at matalim na tinitignan si Hiro.

"Who the hell is h---" Biglang naputol yung sasabihin ni Hiro ng biglang magsalita ulit yung kapatid ko.

"You! What did you do to my sister!?" Sigaw na tanong niya kay Hiro habang binibigyan niya ito ng isang matalim na tingin.

"Kapatid mo?" Mahinang bulong sakin ni Hiro habang nakahawak sa palapulsuhan niya. Tinanguan ko naman siya bilang sagot sa tanong niya.

"Bakit parang sobrang init ng kamay niya habang hinawakan ng mahigpit yung palapulsuhan ko?" Nakakunot noo niyang tanong sakin. "At anong ibig sabihin niyang Astriliana? Yung kagubatan ba na pinuntahan natin?" Sunod sunod niyang pagbato ng mga katanungan sakin.

"Tumahimik ka nga muna pwede ba?" Sita ko sakanya at matalim ulit na tinignan si Venzio na ngayon ay nagtataka na kaming tinignan pariho ni Hiro dahil sa ginagawa naming pag bubulong bulongan.

"Anong ginagawa niyong dalawa!? Vinxe umalis ka diyan! At sasama ka na sakin!" Sigaw ulit niya samin habang nakakunot yung mga noo.

"Babalik ako sa Astriliana Venzio! Pero hindi pa ngayon! Kaya pwede ba!? Bumalik ka na dun!" Galit na sigaw ko sakanya.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ka Vinxe!" He shouted.

"Don't you dare say that Venzio! I know who I am and I know what I am doing! So get back to Astriliana right now!" Sigaw ko sakanya na tila ba nag uumapaw na yung mga mata ko dahil sa galit. Venzio is my older brother at may mga bagay din kaming hindi napapagkasunduan pero minsan sobrang napaka protective niya sakin pero mas madalas kaming magbangayan.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon