Chapter 29: Back to Astriliana

37 0 0
                                    

Saichi/Vinxe's point of view♪

Nandito na kami sa harapan ng puno at itinaas na ni Z yung palad niya sabay bigkas ng encantation.

"Pāfekutò." Bigkas ni Z at lumiwanag yung palad niya hanggang sa tuluyan ng mabuksan ang portal at kinain na kami ng nakakasilaw na liwanag.

Kasabay ng pagbukas ko ng mga mata ko ay ang pagpasok sa isipan ko na hindi na ako isang ganap na Saichi Aves kundi ako na si Vinxe Finley Ellison. I am finally back to the Astriliana..

Tumingin ako sa paligid at kitang kita ko ang mga kabuohan ng lugar namin. Ang mga nagsisitaasang mga palasyo na may mga nakasabit na mga flags sa itaas nito. Ang bayan, ang mga taong nagtutulungan, ang mga taong nagtitinda, ang mga kalisa, ang mga nagsisiliparang mga fairies, ang mga nagkwekwentuhan at nag aasarang mga tao at higit sa lahat ang aming palasyo..

Sa ngayon ay nandito kami sa itaas ng bundok kaya nagsimula na din kaming maglakad pababa sa bundok. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot pala ng damit pang princesa sina Aileen at Alessia habang kami naman nina Niz, Z, at Venzio ay nakadamit pang civilian.

Ilang minuto lang ang aming paglalakbay ay nakarating na din kami sa wakas sa ibaba ng bundok at sa pagbaba namin ay may nakahintay na tatlong mga kalisa at mga kawal na ngayon ay bahagyang yumuko at yung mga kamay nila ay nakalagay sa dibdib.

"Maligayang pagbabalik mahal na Princesa!" Bati nila sakin. Bigla naman akong nailang dahil siguro ay hindi nako nasanay sa buhay kong ito... Na buhay princesa at may mga kawal na bumabati sayo.

Tumango lang ako sakanila at naglakad na papunta sa kalisa namin ni Venzio na ngayon ay inalalayan akong makapasok. Tahimik lang akong umupo sa kalisa at maging ganon din ang kapatid ko habang pinapaandar na ng isa sa mga nagmamaneho ang kalisa.

Bigla ko tuloy naalala yung masasayang bagay na nagawa ko at nagawa namin nina Hiro sa mundo nila.. nakakamiss din pala. Habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe papauwi sa palasyo ay nakakarinig na naman ako ng mga bulong bulongan at mga taong bumabati sakin o samin.

"Maligayang pagbabalik princesa Fin!"

"Nakabalik na ang princesa!"

"Bumalik na siya!"

"Nasaan kaya nang galing ang princesa at nawala siya ng ilang buwan katagal!?"

"Bumalik na ang mga princesa!"

Bahagya nalang akong kumaway sa mga taong nadadaanan namin bago tinakpan na yung bentana.

"Si Ina at Ama ay nag alala na sayo kaya paniguradong sasaya sina Ina at Ama kapag nakita ka nila muli." Pagsasalita ni Venzio.

"Kamusta ang Ina at Ama ng wala ako?" Tanong ko sakanya.

"Nagkasakit si Ina nang malaman nilang nasa mundo ka ng mga mortal kaya ginawa niya ang paraan para bumalik ka dito." Paliwanag niya sakin.

"Kaya ba na ikaw ang pumunta upang sunduin ako?" Tanong ko sakanya. Kaagad naman siyang napaiwas ng tingin sakin.

"Paumanhin sa ginawa ko kanina." Biglang sabi niya sakin.

"Hindi mo siya kailangang saktan Venzio." Sermon ko sakanya. Bigla naman siyang ngumuso at mangiyak ngiyak akong tinignan. Oh crap! He's doing his baby side for freaking sake!

"I miss you baby Vin!" Tugon niya at tumabi sakin tsaka mahigpit akong niyakap. Napailing iling nalang ako tsaka siya yinakap pabalik.

"Stop doing your baby side will you?" I said to him and chuckled.

"I just miss you okay?" Saad niya pa. Napailing iling nalang ako dahil sa pagka clingy niya ngayon. Kani kanina lang ay para siyang halimaw na nagagalit pero ngayon ay para ng isang maamong tupa.

Kung hindi niyo naiintindihan ay umaga dito saamin at kapag sa mundo naman ng mortal ay gabi at kapag gabi naman saamin ay sakanila naman ang umaga. Ilang oras ang nakalipas ay sa wakas ay nakarating na din kami sa palasyo. Sina Aileen at Alessia ay hinatid na ng kanilang kawal sakanilang palasyo at si Z at Niz naman ay magkasamang bumalik sa kampo.

Pagkababa namin sa kalisa ay may maraming hilera naman sa magkabilaan ng red carpet na mga kawal namin na bahagyang nakayuko at sa di kalayuan nito ay nandoon sina Ina at Ama na nakangiti akong hinihintay kasama yung mga servant ng palasyo na ngayon ay nakayuko din.

Our palace is the big and the main one of this Astriliana world. There's a thing that part of our palace that so called 'The Heart of Astriliana' my Mom and Dad said that we need to protect the heart of Astriliana at all cost dahil kong ito ay masira ay magsisimulang maglaho yung mundo namin at magsisimula din kaming maglaho.

Naglakad na din naman kami ni Venzio papunta kay Ina at Ama kaya pagkarating namin ay sinalubong agad kami ni Venzio ng yakap ng Ina at Ama namin.

"Te extrañamos mucho Vinxe." (We miss you so much Vinxe.) Sabi sakin nina Ina at Ama sa kalagitnaan ng pagyayakapan namin. Ilang segundo lang din ay kumalas na din kaming apat sa pagyayakapan.

"Magpahinga ka muna anak saiyong silid at may magaganap mamaya ng isang selebrasyon dahil saiyong pagbabalik." Nakangiting sabi sakin ni Ina habang yung kamay niya ay nakahawak sa pisnge ko.

"Iyong ihatid ang princesa sakanyang silid." Utos naman ni Ama sa isa sa mga personal na servant ko dito sa palasyo. Bahagya naman muna akong humalik sa pisnge ni Ina at Ama bago sumunod sa personal na servant ko dito sa palasyo. Hindi na sumama si Venzio dahil mukhang may pag uusapan sila ni Ama at si Ina naman ay nais na munang magpahinga sakanyang silid.

"Maligayang pagbabalik Princesa Fin." Bati sakin sa mga nakakasalubong kong mga servant at bahagya pang yumuko sakin bilang bigay galang kaya nginitian ko nalang sila. Ilang minuto rin kaming naglakad ng servant ko bago kami nakarating sa aking silid.

"Maraming salamat sa paghatid saakin Ciah. Maaari ka ng umalis." Tugon ko sakaniya at akmang papasok na saaking silid ng bigla ako nitong pinigilan.

"Ngunit princesa ikaw po ba'y magiging ayos lang? Baka kakailanganin mo ang aking tulong." Nag aalalang saad niya sakin pero nginitian ko lang siya.

"Ako'y magiging ayos lang. Bumalik ka nalang saaking silid kong magsisimula na ang selebrasyon." Sabi ko sakaniya at tuluyan ng pumasok na saaking silid.

Pagpasok ko saaking silid ay bumungad saakin ang isang malaking kama ko sa gitna at kumot kong kulay abo at yung pader ng aking kwarto ay kulay abo rin at may lalagyan rin ako ng mga libro dahil mahilig din naman ako sa pagbabasa. Sa bandang kanan at katabi nito ang tatlo kong mga katana na nakasabit at mayroon naman ako dong isang mesa ko na mayroong mga palamuti at malaking salamin dun.

Sa bandang kaliwa ko naman ay mayroon akong isang mesa at upuan at nandoon ang aking mga pluma at pang sulat. Sa bandang gilid naman nito ay isang salamin na pintuan papunta saking maliit na beranda. Maganda ang tanawin kapag lumalabas ako saking beranda dahil nakikita ko sa bandang dito ang mga kagubatan at ang paglubog ng araw.

Katabi naman ng aking mesa na study table ko ay may malaking closet dun na may mga nakasabit na iba't ibang mga damit o dress ko at sa tabi nito ay mayroon dun ang iba't ibang klaseng sandals at mga sapatos ko at sa katabi ng mesa ko sa bandang kanan kung saan ang mga palamuti ko ay mayroong pintuan dun papunta sa banyo ko. May mga tatlong painting din naman akong nakasabit sa kwarto ko.

Napagdisisyunan kong matulog muna at magpahinga dahil medyo masakit ang katawan ko dahil sa naging tagpo namin kanina ni Venzio.

Assassin Princess - Season #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon