Ken
"Pogi," tawag ko sa may-ari ng lumang coffee shop na naglilinis sa kabilang mesa. "Kape ka ba?"
Nagkunot agad ang noo niya sa tanong ko. Pigil na humalakhak si Stell sa tabi pero hindi naman ako pinigilan sa balak gawin.
"Ha?" Tanong niya pabalik sa akin. Ang singkit niyang mga mata ay lalong naningkit dahil sa pagkunot ng noo.
Walang duda, type ko 'tong isang 'to.
"Kasi gusto sana kitang ma-kape-ling habang buhay."
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ko. Nahampas ko si Stell dahil kung makatawa siya ay parang kami lang ang tao sa doon. Uh, kami lang pala talaga.
Ngumiwi siya sa narinig pero halata namang matatawa na siya.
Justin de Dios, basa ko sa nameplate niya. May suot siyang apron at bitbit na basahan. The coffee shop is named after him so he must be the owner. Napansin ko na luma na ang mga gamit sa loob at wala ring ibang customer bukod sa amin ni Stell. This must be something like a hobby.
I wetted my lips when he glanced at us, meeting my gaze. Agad din siyang nag-iwas ng tingin at inasikaso ang order namin.
"Here's your coffee, Sir."
Kinuha ko ang paper bag mula sa kamay niya nang hindi bumibitiw ng titig. "Thanks," sabi ko bago siya kinindatan.
I softly laugh when he panicked. Muntik na nga siyang mabangga sa mesa. Kalma, si Ken lang 'to. I laugh at the thought.
"Type mo 'yon?"
"Oo," I laughed as I answered Stell.
Naglalakad na kami pabalik ng kotse at paniguradong naiinip na ang nga kasama namin.
Tinignan ko ulit 'yong lumang coffee shop. I'll probably won't be coming to this remote area again.
Sayang naman. Jowa potential pa naman siya. But maybe if we crossed our paths again, I'll take it as fate.
"Wala 'yong kape ko," angal ni Josh nang kalkalin 'yong paper bag na dala namin.
Natigil tuloy ako sa pagpasok sa driver's seat. "Di nga."
"Wala nga."
"Sa Starbucks ka nalang bumili Josh," Pablo suggests looking irritated. Probably because of the long ride. Ang layo naman kasi ng Tagaytay.
"No. Kukunin ko."
"Ako na," bumaba agad ako ng kotse.
Tumawa si Stell. He gave me a knowing look na pinagtaka ng dalawa.
"Take your time," ani niya pa.
Gago, ang dumi talaga ng isip. I raise my middle finger at him. Tinawanan lang ako.
Fate? Destiny? Hindi tayo naniniwala do'n. Ang baduy.
Hindi ko mapigilang ngumisi. Sabi na, e. Type rin ako. Namula siya sa mga titig ko kanina.
He purposely did not put one cup of coffee so I'd come back. What a move, huh?
"Hey," bungad ko ng pumasok sa shop. "Kulang 'yong order na naibigay mo," walang paligoy-ligoy na sabi ko habang nakangiti.
But for a moment, he stayed still and stared.
"Sir?"
"Ken nalang. Huwag na 'Sir'. Ang hirap naman no'ng kape-ling kita pero 'Sir' tawag mo sa 'kin. But I prefer if you call me mine."
Tinawanan ko ang sariling sinabi. Ang corny no'n, takte.
Kaso, hindi siya tumawa.
Nabitin sa ere ang tawa ko nang hindi pa rin siya tumatawa at mukhang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.
I faked a cough to ease the awkwardness.
"Nag-order po ba kayo kanina, Sir?"
"Is that the updated pick up line? Kinakalawang na yata ako."
Again, I laughed. And again, he did not.
Umayos ako ng tayo & nagseryoso nang hindi pa rin siya tumatawa. That must be a serious question.
"Well, nandito nga ako kanina. Just two minutes ago. May kasama ako..." he looks like trying to recall the scenario that I just said. "We were seated there and..." I stop myself from repeating the joke.
"I'm sorry. Hindi ko maalala."
Wow. I've been rejected before but no one has come up with this excuse yet.
Challenging. And I love challenges. I started grinning again.
"I'm Ken. Sana hindi mo na makalimutan next time." I winked and that earned me his soured expression.
"Thank you," sabi ko nang iabot niya ang kape. I deliberately let my fingers run on his hand. Nagkatinginan kami dahil do'n. Come on, say the magic word.
But he never did.
"Got laid?" bungad ni Stell sa 'kin nang makabalik ako.
"Gago, less than five minutes lang ako do'n. Ano'ng iniexpect mong mangyayari?"
Tss. Babalikan kita Justin.
BINABASA MO ANG
Missing Page
FanfictionHe suffers from a short-term memory loss but to him, it's a good thing. He can just keep a tab of good things & people. Life is well until he found a missing page on his notebook. a #kentin short fan fic