Justin
Hindi siya dumating ngayong araw.
Binabasa ko ang notebook tuwing umaga para magkaroon ng ideya kung mayroon akong bagong nakilala. Dati, hindi naman kailangan. Binubuksan ko lang 'yon kapag may nakausap ako at hindi ko maalala kung sino. Pero nitong nagdaang taon, nahihirapan na ako maalala ang mga nangyari sa lumipas na araw. Minsan, hindi ko na rin maalala ang kaganapang sinusulat ko sa notebook.
No'ng una, nagtaka ako sa bagong picture na nandoon. Ken. 'Yon lang ang sinulat ko na pangalan.
Taong darating araw-araw para sa'yo.
Nang basahin ko 'yon, naalala ko kung paano siya nangako. Galing ako sa labas para kunin ang mga pinatuyong mantel. Dahil biglaan ang pagbuhos ng ulan, nabasa rin ako ng konti. Pilit niyang tinatago ang inis sa akin. Bakit daw ang tigas ng ulo ko. Pwede naman hindi ko nalang daw kunin. It was a funny suggestion. Walang maglalaba na hahayaang mabasa ang natuyo na.
We ended up kissing. Nakasandal ako sa pader at makakawit ang mga braso sa leeg niya. In between kisses, he made a promise. And that's what I've written on a page I dedicated for him.
Pero hindi siya dumating no'ng araw na 'yon.
Hindi rin siya dumating sa sumunod.
Wala ring Ken sa pangatlong araw. O pang-apat na yata. I lost count after that.
Minsan, kapag gigising ako, natatanong ko sa sarili ko kung bakit ko sinulat na siya ang taong darating araw-araw.
Sa mga sumunod na araw, natakot ako. Kasi kahit naiinis na ako dahil wala siya, gusto ko pa ring maalala kung bakit siya espesyal sa buhay ko.
Kaya naman, napagdesisyonan kong isulat ang mga bagay na ginawa namin. Sa kalagitnaan ng pagsusulat, hindi ko maalala kung bakit basa ang damit ko no'ng nangako siya sa akin. Marahil ay gawa lang ng imahinasyon kung bakit gano'n ang naging suot ko. Naalala ko naman na siya ang gumagamot sa paso ko dati. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakuha ang sugat.
Hindi ko na matandaan kung ilang araw na akong naghihintay. Nauwi na sa pag-iyak ang pagsusulat ko. Bakit hindi ko nalang dinetalye noong una? Bakit hindi ko na rin matandaan ang mga sinulat ko?
It was so frustrating.
Wala akong gana magbukas ng coffee shop. Minsan lang din naman may dumaang customer kaya ayos lang siguro na hindi na ako magbukas.
Kaso, baka mabaliw nalang ako kung wala akong gagawin. Hindi nakakatulong na gusto kong alalahanin kung bakit sa mga sinulat ko, gustong-gusto ko 'yong tao.
Sa araw na 'yon, napagdesisyunan kong libangin na lamang ang sarili. Kung makalimutan ko man ang lahat, siguro ay ayos lang.
Sinusubukan kong gumawa ng bagong coffee art nang may biglang yumakap sa akin galing sa likod, amoy nakainom ng alak. Nagitla ako nang lingunin ang hindi kilalang lalaki.
"I miss-"
Sa gulat ko ay agad akong kumawala sa yakap niya at natapunan ako ng bitbit na kape.
"Justin!"
Agad niya akong dinaluhan. Napapikit ako sa sobrang init pero nagawa ko pang lumayo sa estranghero. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.
"Ako 'to."
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin doon. Mapupungay ang kanyang mga mata at halata ang pag-aalala. His gaze sent a familiar feeling of longingness and emptiness and it was the moment I remember where I saw him.
"Ken..."
Hindi na ako nakapagsalitang muli dahil umiyak lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Ang init no'ng kape," pagdadahilan ko.
Mas lalo akong umiyak nang punasan niya 'yong braso kong natapunan ng kape. Sa ilang taon, ngayon ko lang naramdaman na may taong darating sa akin.
Ang nakakatawa kasi dito, ako 'yong hindi nakakaalala pero ako naman talaga ang hindi maalala ng mga taong itinuring kong mahalaga.
Mabuti man ang kalooban nila, hindi pa rin siguro ako maituturing na espesyal sa kanila. Sa ilang araw na wala si Ken, sumagi na sa isip ko na baka guni-guni ko lang ang mga sinulat ko.
Hindi ko alam kung bakit parang mukhang takot si Ken.
"Sorry-"
Hindi ko siya pinatapos agad akong umiling. "Thank you kasi bumalik ka."
Hinayaan niya akong umiyak. Hindi siya nagtanong ng kung ano man. Patuloy na umaagos ang luha ko kahit tumawa naman man ako para 'wag siyang mag-alala.
BINABASA MO ANG
Missing Page
FanfictionHe suffers from a short-term memory loss but to him, it's a good thing. He can just keep a tab of good things & people. Life is well until he found a missing page on his notebook. a #kentin short fan fic