Page 2

8 0 0
                                    


Ken

Maybe it was that incident when I decided to visit the shop from time to time than usual?

Or was it when Justin forgets to turn off a stove and it caused a fire and injured himself?

Hindi na rin ako sigurado. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nakikialam sa buhay niya. Hindi niya naman ako maalala tuwing pumupunta ako sa coffee shop.

I learned that he keeps a list of important people but I was not on that list. Nakakasama ng loob tss.

"Justin," tawag ko sa kanya nang makapasok ako ng shop. "Huwag mo ng kalkalin sa notebook mo. Hindi mo naman ako nililista diyan. Ako 'to si Ken."

Nagkunot siya ng noo. "Sir?"

Napabuntong-hininga ako. Heto na naman tayo.

It was a long hour of explaning how we met and who I am. I could easily tweak the reality but I don't feel like doing it anymore.

"Ako nalang kaya..." angal niya nang simulan ko na ang pagpapalit ng dressing sa sugat niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Alam kong wala kang naalala pero ako gumagamot dito araw-araw."

Nang tignan ko siya ay mukha siyang malungkot. "Sorry, hindi ko maalala. Bakit wala ka sa notebook ko?"

"Ayaw mo kasi sa akin."

"Imposible naman no'n. Sa bait mong 'yan, paanong hindi kita gustong matandaan?"

Natigilan ako sa sinabi niya. It's like another Justin is talking to me. Kahapon, inis na inis lang siya sa 'kin tapos ngayon parang hangang-hanga siya sa'kin.

But he's said it already. He only treasures the people who's done something good to him and I guess I don't qualify.

"Ilista mo rin kaya 'yong mga taong nagte-take advantage sa'yo para hindi ka maloko. Pa'no nalang kung wala ako..."

"Bakit? Aalis ka ba?"

Nagkagat ako ng labi. Agad rin akong nag-iwas ng tingin.

"Nanggugulo pa rin 'yong landlord mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi naman..."

Marahan akong tumango at tinuloy na ang paglalagay ng oitment sa paso niya.

"Ken..."

Kumalabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko napigilang mag-angat ng tingin sa kanya.

Punyeta, tinawag lang naman ako bakit ganito na reaksyon ko? But my name sounds immaculate when it's uttered by him.

Nakangiti si Justin at hindi ko mapigilang mapatitig.

"Ken pangalan mo diba?"

"Tss."

"Aray! Dahan-dahan naman. Diniinan mo e," reklamo niya pero natatawa.

"Nilista mo na ako sa notebook mo 'no? Kaya alam mo pangalan ko?" pang-aakusa ko pero lumalambot na rin.

Tinawanan niya lang ako habang umiiling.

For a moment, there was a pause. Either of us do not know what to say.

"Ken..."

"Hmm?"

I noticed that his bangs is getting longer. Few strands of it are touching his eyes. Dahan-dahan ko 'yong hinawi. I noticed that he has a scar on his forehead.

"Oh, ano'ng klaseng mukha 'yan?" I giggle. "Mukhang mapapasaakin na, ah."

Ilang minuto siyang nakatitig sa akin na para bang malalim ang iniisip.

"Parang..."

"Ang landi ko ba?," I laughed briefly for it was taken over by silence and the longing of something I couldn't name.

There was a long pause, a pounding heart, an irrational thought.

Napatakip ako ng bibig nang ambang hahalikan niya ako. His lips landed on the back of my palm.

Halos hindi ko na mahabol ang hininga sa kaba at tensyon.

"Sorry," untag niya at mabilis na umatras. "Sige, timpla lang ako ng kape."



---

Justin

Kung pwede lang na mawala ako na parang bula sa harap niya, gagawin ko ang lahat makatakas lang sa sitwasyong 'yon.

Nakakahiya ako.

Ano ba'ng iniisip ko.

Sa kanya na nanggaling na nilalandi niya ako. Bakit parang ayaw niya pa na...

Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi. Makakalimutan ko rin naman to lahat mamaya. Ayos lang to. Aalis siya, matatapos ang araw, wala akong maaalala.

Tinalikuran ko na agad siya para makalayo pero mabilis niya akong nahila pabalik sa upuan.

"Not too fast, Justin..."

On a swift move, our lips met. My mind went blank when I felt his soft lips and I believe I malfunctioned when I felt his tongue touching my sealed lips.

I've lost focus. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. 'Yong puso kong kumakalabog na nakakahiya na sa lakas, 'yong kamay niyang nasa batok ko o nanunudyo niyang halik na lahat ng anggulo ay gustong subukan.

Did I mention that I lost focus? I don't remember.

Hindi ko na rin matandaan kung paano huminga lalo na nang maramdaman ko ang ngiti niya sa labi ko.

"You really have the guts to kiss me first when in fact this is even your first time, huh?" he whispered hoarsely. "Bakit mo ako inuunahan?"

Napapikit ako sa sobrang hiya.

"I'd be heartbroken if you forget what we just did," pagbabanta niya habang ngumingisi.

Missing PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon