Page 4

7 0 0
                                    

Justin

"Ulitin natin. Ang pangit ko diyan. Bakit bigla mo nalang ako kinuhanan? I wasn't prepared, oh," reklamo niya at pilit na inaagaw ang polariod na kuha ko sa kanya.

"Maayos naman. Ikaw lang nag-iisip na hindi."

"Hindi. Ang pangit nga."

"Pero gusto ko 'to..."

Hindi ko mapigilang mapanguso.

"Tss."

Napangiti ako dahil mukhang susuko na siya. Agad kong idinikit ang picture niya sa isang pahina ng notebook na lagi kong dala.

Sumuko nga siya at ipinaubaya na 'yong picture sa akin, pero hindi niya naman ako kinakausap. Nakanguso siya na parang luging-lugi siya.

Ilang saglit din siyang nanahimik kaya nag-angat ako ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakangising aso siya at mukhang may iniisip na kalokohan.

"What did you write as the description of my photo?"

"Huh? Wala. Nilagyan ko lang ng pangalan mo."

Pero kahit na ganon, kita pa rin na hindi siya naniniwala kaya nang umamba siyang aagawin ang notebook ay tumakbo na agad ako.

Hindi ko mapigilang tumawa nang muntik na siyang madulas. Buti nalang at walang ibang tao sa loob ng coffe shop.

"Ken!" I shrieked when he was able to get a hold of the notebook.

"Pag talaga iba sinabi mo sa sinulat dito, hahalikan kita."

"Pag talagang binasa mo, hindi kana makakahalik," pagbabanta ko.

"What?! That's unfair!"




---

Ken

Isinaoli ko sa kanya ang notebook pero hindi rin naman ako nakahalik. Madaya.

Abala siya ngayon sa pagtitimpla ng kape para sa mga bagong customer. Isang pamilya sila at mukhang tumigil sa biyahe papuntang Tagaytay.

I presented to help but he refused and warned me not to interfere.

From where I am sitting, I can see Justin having fun with what he is doing.

"Excuse me. May whip cream 'to. Sabi ko kanina, 'wag lagyan," biglang reklamo no'ng isang babaeng hula ko ay kaedad lang namin.

"Sorry po, ma'am."

Tumuwid ako ng upo nang inirapan siya nito.

"Ma, sabi naman sa'yo sa Starbucks nalang, e. O 'di kaya sa CBTL nalang. Meron naman yatang malapit na branch dito."

Akma akong lalapit sa kanila pero nahinto rin nang yumuko na si Justin at humingi ng tawad.

He ended up giving a new cup of frappe. Hindi niya na rin pinabayaran. Maraming request 'yong pamilya kaya naging abala siya. At most, lugi siya ng isang kape doon pero hinatid niya pa sa pintuan ang pamilya na nakangiti.

"Do you always get a hard time dealing with that kind of customer?" tanong ko nang mapag-isa kami.

"Aling customer?"

"Gaya no'ng anak ng mag-asawa. Rude. Impolite. Imposing," I can name more adjectives to describe her.

Tumawa lang siya nang marahan. "Wala akong maalala actually. Perks."

At some point, I don't believe that he has completely forgotten the incident. He must have forgotten the act but there must be lingering feeling of negative emotions.

"Have you liked someone before?" I asked out of nowhere.

He titled his head like he's trying to recall. Ang nakatuko niyang braso ay dahan-dahan niyang binaba.

"Wala akong maalala."

"Kayang-kaya mo pala akong kalimutan kung gano'n," tinawanan ko ang sinabi pero aaminin kong medyo may kumirot sa kaloob-looban ko.

Ngumiti lang siya at nagkibit balikat. "Hindi ka naman mukhang marunong magseryoso kaya ayos lang 'yon. Hindi pa naman siguro malalim 'no?"

The question filled my thoughts throughout the day. He seemed not to mind when I did not answer. Gaya ng nakagawian, nanatili ako sa coffee shop buong araw. Like the usual, it was a boring day. Justin don't seem to be the person who loves fun and excitement. We never talked about his parents and the fact that he seems not to have a life outside the shop. I tried asking once but he dodged the question.

Maybe he felt the same. Maybe he felt that everything is just a temporary bliss.

"Ken!"

Naagaw ni Stell ang atensyon ko pero hindi lang ako ang napalingon kundi pati si Josh.

"Nice pass!" Josh' sarcasm when he was able to get a hold of the ball.

Nagkatinginan kami ni Stell at naningkit na ang kanyang mga mata.

"Pangit ng pasa mo," I defended over his upcoming remark.

"Lumilipad utak mo, hunghang."

I hissed dismissing his arguments.

Nasa isang open court kami ngayon at naglalaro ng basketball. Unfortunately, magkasama kami ni Stell sa iisang team. We don't seem like winning. Kanina pa nakaka-three points si Pablo at ang ganda ng assist ni Josh palagi.

"Buti sumama ka ngayon," si Pablo na nagddribble sa harap ko. Even when I'm guarding him and pressuring him to shoot so I could get the ball, he looks calm.

"Kailan ba ako 'di sumama?"

"Always, dre," tawa ni Pablo. "Di ka nga nagrereply sa GC. Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo?"

His question made me pause. These days, I don't have to energy to visit the shop. Ewan. Para kasing wala namang nangyayari. Walang future.

"Yow!," biglang sigaw ni Stell. "Gago! Bantayan mo, Ken!"

Pero huli na ang lahat dahil nalampasan na ako ni Pablo at nakagawa na siya ng lay up. He made a high five with Josh and laughed at me.

Hingal na hingal ako nang hampasin pa ni Stell sa braso. "Hay naku, Suson."

"Sino ba 'yang gumugulo sa isip mo? Mukhang malalim tama mo, ah," tanong ni Josh nang makalapit sa amin. He looks triumphant and he should be because they just won the game.

"Nothing."

"Akala ko pa naman seryoso na."

"Kung seryoso 'yan, malalamang sinabi na niyan na hindi na siya tutuloy sa U.S.."

Nagtawanan silang tatlo sa sinabi ni Josh.

His words struck me. Baka nga. Siguro.

Ewan.

Baka hindi pa 'to malalim.

Attracted lang.

Missing PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon