Page 3

7 0 0
                                    

Ken

Pero ang kumag, kinalimutan nga.

"Sir, ano pong order niyo?"

"Seriously?"

Napasinghap ako sa narining. Halos hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya at masayang nakangiti. He was trembling yesterday but now, he is completely a different person.

Did he just..

Oh, God.

Kung hindi niya sinulat sa notebook niya, ibig bang sabihin no'n, it was a bad experience? I can't believe this man. I was sure he likes me too. He does not look like the type to kiss random people, not that he is capable of. His skills suck.

"Uh, order niyo po?"

Po?

No. He just drew distance. I sigh. Justin, mapanakit ka.

"One americano. Cold."

"How about your cake?"

"I don't eat cheesecake. 'Yan lang naman bini-bake mo," hindi ko mapigilang magmaktol.

He bit his lower lip and guilt immediately seeps in.

"Just the coffee..." malumanay kong ulit sa sagot, afraid of making him feel bad.

"Okay, be right back."

Sinundan ko siya ng tingin at wala akong magawa kundi bumuntong-hininga. Kahit saang anggulo tignan, ako ang talo dito.

If only I did not see him smiling while watering the small garden that day, then I wouldn't be smitten like this.

I guess it was the day I realize how cruel life is to him. He is nothing but a good person. I've never seen a person who could smile widely knowing that he is suffering from something. Life is unfair. How cruel it is not to remember beautiful memories?

I can't imagine how to live with no memories to treasure...

How is it to live like you have no yesterday?

How frightening could it be to wake up with someone on bed you don't remember?

"Here's your order, Sir."

Hindi ko agad napansin na nakabalik na pala siya dala ng kape ko.

"Thank you-"

I was cut off immediately when he lowered his face and gave me a quick kiss. "That's on the house, Ken."

My eyes widened with the realization. Halos magwala ang sistema ko nang tinawanan niya ang reaksyon ko.

"Justin!" Mariin akong napapikit, kinakalma ang sarili.

Tumakbo siya palayo sa akin at agad ko siyang hinabol. For fuck's sake, Justin. What the hell.

"Humanda ka sa'kin 'pag naabutan kita," I warned pero hindi ko na maitago ang ngiti ko.

Oh, God. I don't remember praying before but I pray that days like this won't end.




---
Justin

Napasigaw ako nang mahuli niya agad ako. Pero kahit na gano'n, tumatawa pa rin ako na parang tanga.

"Naalala mo..." It was not a question. His eyes tell me he is madly happy too.

Umiling ako at sinubukang kumawala pero napadpad lang kami sa sink at wala na akong matakbuhan.

"Bad Justin," pang-aakusa niya.

Masama ang tingin sa akin pero hindi niya maitago ang malokong ngisi. Ngumisi rin ako na parang hibang, hindi na maitago ang saya.

"Hindi ako nakatulog," I confessed.

"Good. Kasi ako rin."

Sandaling katahimikan at wala kaming ginawa kundi magtitigan hanggang sa makita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

Kumalabog agad ang puso ko at pakiramdam ko mahihimatay ako nang bigla niyang mas nilapit ang sarili, wala na akong maatrasan.

Napapikit ako nang unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin pero namulat din nang wala akong naramdamang dumampi sa labi ko.

Nahampas ko siya sa dibdib nang makitang nakangisi siya habang ako, parang tangang pumikit.

"Tabi nga," sinubukan ko siyang paalisin para makadaan ako pero nilagay niya ang dalawang kamay sa sink, trapping me in between.

Loko siya.

Sabik na sabik naman ako. Bwiset.

Mariin siyang nakatitig sa akin. No'ng una, nakangisi lang hanggang sa unti-unting magseryoso. Hanggang sa magpakawala siya ng malalim na hininga.

"Gustong-gusto nga talaga yata kita, Justin. Paano na 'to ngayon?"

I smiled.

"Gustong-gusto din naman kita. Ano'ng problema?"

Nabigla ako nang ipinatong niya ang ulo sa aking balikat bago humugot ng malalim na hininga.

"Ken?"

Hinintay kong sabihin niya kung ano'ng problema pero umiling lang siya.

Missing PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon