Page 7

7 0 0
                                    

Justin

Kahit na binura ko na ang sinulat kong darating siya araw-araw, hindi ko pa rin mapigilang maghintay.

Kahapon, ramdam ko na naman na hindi kami pareho ng nararamdaman.

I should've known.

Hindi. Alam ko naman. Hindi siya 'yong tipong magseseryoso.

Kaso, bakit niya pinaramdam sa'kin na mahalaga ako? Ano 'yong mga araw na naramdaman kong gusto niya rin akong makasama araw-araw?

Ang dami kong tanong kaso hindi na masasagot dahil kahit kailan, hindi na siya babalik.

Sinubukan ko maging maayos ang lahat. Gaya ng dati, hindi ko na masyadong binubuksan ang notebook ko. Hindi naman kailangan kasi wala namang masyadong dumadayo sa coffee shop.

Ilang linggo na ang nakalipas kaso hindi ko pa rin siya makalimutan.

Nakakatawa.

Nalilito na ako kung totoo ba'ng hindi siya darating kailanman kasi pakiramdam ko darating siya. Wala akong maalalang sinabi niyang hindi siya darating kaya bakit ko sinulat na hindi na siya darating?

Dumating na ako sa punto kung saan hindi ko na mapaniwalaan ang sariling salita. Baka galit lang ako no'n kaya binura ko at pinalitan?

Hindi ko man masyadong maalala ang lahat ng pinag-usapan namin, ramdam ko naman na mahalaga ako sa kanya. Imposibleng wala lang ako sa buhay niya.

Isang beses ko lang naramdaman na naging malamig ang trato niya sa akin. Sapat ba 'yon para tabunan lahat ng magagandang pinaramdam niya sa akin?

Isang buwan.

O mahigit?

Dalawa yata?

Hindi ako naniniwalang hindi siya darating.

Siguro may nakakita ng notebook ko at pinalitan ang sinulat ko? Pinagtripan? Ginaya ang sulat kamay ko?

Sa pagtatapos ng araw, wala akong nagawa kundi umiyak.

Hindi na siya babalik.

Natatakot ako kasi minsan hindi ko na maalala kung sino ang hinihintay ko.

Ken.

Palagi kong sinasambit ang pangalan niya. Natatakot ako na baka hindi ko na siya maalala kahit pa may sinulat ako.

Isang taon.

Halos hindi ko na matandaan ang mukha niya, ang pinaramdam niya at ang mga pangako niya.

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naghihintay.

Kailangan ko ba'ng maghintay?

I was ten when my parents died. Hindi ko matandaan ang pakiramdam mawalan ng magulang. Sinulat ko lang naman kasi 'yon dahil 'yon ang sabi ni Sir Tomas. It was also when we had the accident that I injured my head. And I lived my life for more than a decade without a clear memory of yesterday.

I was living alright until he came. Greatest jerk of all time.

Pinunit ko ang pahinang nagsasaad ng impormasyon kay Ken. Itinapon ko 'yon sa basurahan at sa huli, umiyak nang mag-isa sa coffee shop.

Nagulantang nalang ako nang pinasok ako ng mga pulis, umaawang babae kasama ng kanyang asawa at pilit akong hinampas.

"Hindi po," sagot ko sa pulis sa tanong niyang panis ba ang cheesecake na naibenta ko kanina.

"Napag-alaman namin na may espesyal kang kondisyon. Hindi ka..."

Everything went blurry. I cannot even hear what the police officer is talking about.

Natatakot ako.

Hindi ko na alam kung ano ang totoo.

"Naalala mo ba nang maayos? Bago ba talaga ang binibenta mo?"

"Hindi ko po maalala..."

Hindi ko maalala kung natapon ko ba ang panis na cheesecake at napalitan ko ba ng bago. Hindi ko maalala kung may bumili ba talagang batang babae sa coffee shop kanina. Pero bakit ko naalala na may dapat akong hinihintay na darating sa akin.

It was frustrating.

I was crying for help but it never came.

Ken never came for me.

I hate that even after convincing myself, I am still waiting for him.

There was a handcuff, a wailing mother, an angry father, and the court. Hindi ko na inalala kung ano ang nangyari.

I felt like a long time.

Halos hindi ko na makilala ang coffee shop nang makauwi ako. Luma na 'yon pero mas nagmukhang luma pa sa paglipas ng panahon. Veins of weeds covered the shop. May naiwan pang labahan sa sampayan na hindi ko na nakuha.

After everything that happened, life must go on. The little girl lived so I must survive for her sake. She told her parents to withdraw the case and I am thankful for her.

I won't be baking cakes anymore but I'll still make coffee.

"Justin."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. It was an old man. Despite his age, he has a big built and his aura is intimidating.

"Magbabayad kana ngayong buwan, ah? Isang taon lang 'yong binayaran no'ng totoy na 'yon."

Pinagkunotan ko siya ng noo.

"Ah, oo nga pala. Hindi mo naalala. Ako 'to. Si Tomas. Landlord mo."

Wala akong matandaan na landlord pero wala rin naman akong matandaan na akin 'tong lupa.

"Sige po."

"Buti naman nakalaya kana."

"Hindi naman po talaga ako nakulong..."

"O siya, 'yong bayad mo ah."

Nakabalik na ako....

Pero hindi ko alam kung bakit lungkot 'yong nararamdaman ko.

Magulo at madumi ang loob ng coffee shop kaya ilang araw ko siguro 'tong lilinisin.

Sinimulan ko ng pulutin ang mga kalat nang makita ko ang isang notebook. When I started flipping the pages, it dawned on me that I wrote a record of people. Wala do'n si Sir Tomas kaya baka hindi siya mabuting tao. 'Yo naman kasi ang napansin ko do'n. Lahat ng naisulat ko do'n ay mga mabubuti nilang nagawa sa akin.

I was reading intently until a missing page.

A familiar feeling of anguish and despair embraced my being looking at the torn page. There was a sudden pang on my chest, something I cannot fathom. It's like something in beneath has woken but my memory has found nothing.

Nang walang maalala, tinago ko ang notebook at nagsimulang maglinis.

Missing PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon