Page 1

13 0 0
                                    

Justin

Ramdam ko ang titig ng customer sa akin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Malayo ang patio kaya napahaba ang titig niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero parang manghang-mangha siya habang nakatingin sa akin. Paminsan minsan pa siyang iiling. Nakabukas ang bibig niya na parang tatawa na siya pero hindi niya tinutuloy.

Ngumiti ako sa kanya.

"Here's your coffee, Sir," nilapag ko ang kape sa kanyang mesa nang dahan-dahan.

"Aww, Sir. You can call me by my name."

Nanlaki ang mga mata ko. Dapat ba kilala ko siya?

"Uh, sandali lang ah."

Binuklat ko ang dala-dalang notebook at hinanap ang picture niya do'n pero wala akong nakita.

"Nagkakamali po yata kayo, Sir. Hindi po yata ako ang kakilala niyo," I coldly said.

"Kahapon lang ako nagpunta dito, limot mo na ako agad?" tawa niya. "...unless you have short-term memory loss."

Tumawa ulit siya bago tinikman ang nilapag kong kape.

"Meron nga po," mahina kong sabi.

Hindi ko na dapat 'yon sinabi pero huli na ang lahat at mukhang nagulat dahil natigilan siya saglit bago lumingon ulit sa'kin.

At first, he looks shocked but in the end, he shook his head telling me he does not buy what I said.

"Grabe..." napahawak siya sa dibdib niya na para bang nasasaktan siya. "Anything just to reject me, huh?"

"Any other order?" Tanong ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang patutunguhan ng usapan. "...Sir?" I added.

"Ikaw..." ngiting-aso niya na nagpangiwi sa akin.

"...ano'ng oorderin mo kung ikaw ako?" he continued trying to act innocent.

"Masarap 'yong cheesecake," rekomenda ko.

"One slice of cheesecake then."

He never ate the cheesecake. Binigay niya sa'kin 'yon. Akala niya yata matutuwa ako. Buong araw siyang tumambay sa coffee shop na walang ibang iniinum kundi kape.

Napailing nalang ako nang buong araw ay sinusundan niya lang ako ng tingin na manghang-mangha at natatawa sa isang bagay.




---
Ken

I'm supposed to leave after ordering one coffee but one cup became two, two became three and I think I am about to puke.

But hell, it was fun watching him forget things and people easily. So he isn't lying, huh?

This is my chance to redeem myself. Poor him. I have plenty of time right now and I ain't going with Stell and the others partying. This is more than fun than booze and music.

Where is he anyway? Nilibot ko ang paningin sa lumang coffee shop. Gaya kahapon at no'ng nakaraan, walang ibang tao ro'n kundi ako. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit pinapatakbo niya pa 'to. The place does not look profitable.

Nakarinig ako ng kalampag sa pintuan kaya nagkunot ang noo ko.

"Bayad nga sabi!" rinig kong sigaw ng isang lalaki mula doon.

"Tapos na, Sir. Naibigay ko na kanina. Wala na sa bulsa ko e," it was Justin's voice.

Agad ko silang nilapitan at nang makita kung ano ang meron, agad na nagtiim ang bagang ko.

"Pre, naibigay na raw," I said sternly. I made sure it sounded like a warning.

Kinikuwelyuhan si Justin ng lalaking natatandaan kong nandito kanina. Justin's small frame beside the man sends an unknown feeling of wanting to punch someone.

Hinawi ko ang kamay na nakakwelyo kay Justin at marahan siyang hinila papunta sa likuran ko.





---
Justin

"Ginulo ka?" marahan niyang tanong.

Umiling ako dahil hindi ako sigurado kung naibigay ko na nga ba ang renta kay Sir Tomas. Wala ring nakalagay sa notebook ko pero wala na kasi ang pera sa bulsa ko.

"Bakit ka nakikialam dito? Sino ka ba? Usapan namin 'to," galit na saad ni Sir Tomas.

Napakapit ako sa laylayan ng tshirt ng customer sa takot na masuntok siya nito. Mas hamak na malaki pa naman ang katawan ni Sir Tomas kaysa sa kanya.

To my surprise, the customer hissed.

"Nagbayad na si Justin kanina. Nakita kong binigay sa'yo ang pera. Now, will you fucking leave?"

Missing PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon