Piraso ng Panulat

69 4 0
                                    

Mga salitang pinaglumaan na ng panahon,
Salitang kay tagal ng ibinaon
Nakatago, itinago ---
Itinago sa mundo,
Itinago sa'yo.

Ipininta...binura...
Ipininta...binura...ipininta ulit
Paikot-ikot ang istorya, paulit-ulit
Pinilit kong kinalimutan,
Kinalimutan ko ng pilit
Ngunit para itong sarili kong dugo
Dumadaloy, umaagos sa walang dulo.

Minsan nang winika,
May mga salitang nakatadhana na
lamang ipinta sa isang nakatagong papel
At patuloy na padaluyin gamit ang tinta
Mula sa piraso ng panulat.

Ngunit nanaisin mo kayang makita ang mga salitang 'yon?
Kung kapalit nama'y masakit na katotohanan...
Katotohanang dati mo nang tinakbuhan at tinalikuran?

Nanaisin mo nga kaya?!

Cris | NakedNote

Piraso ng PanulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon