|003| MUNDO MO

15 1 0
                                    

✍︎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

...✍︎

Ano nga kayang hugis ng mundo mo?
Tulad rin ba ng mundo ko?
Bilog rin ba na gumugulong
O isang patag na walang dulo?

Gusto kong makita ang mga bagay na nakikita mo,
Gusto kong maintindihan ang mga boses na naririnig mo
Tulad ng mga luhang walang hanggang umaagos
Na tila ba isang tahimik na pag-aayuno
sa buhay na dinanas mo.

Sa bawat lakad mong walang direksyon,
Sa kasiyahan mong walang malinaw na dipinisyon,
Ano nga kaya ang laman ng iyong bawat tawa?
Kasiyahan nga ba o pagluluksa?
Ano nga kaya ang kahulugan ng iyong bawat iyak?
Pagluluksa nga ba o kasiyahang 'di tiyak?

Sana'y nababasa ko ang nilalaman ng isip mo,
Nang mainindihan ko ang mga bagay sa mundo mo
Ngunit pepe ka sa lahat pati sa sarili mo.
Sana nga'y pwede kong kunin ang isipan mo
At ihulma tulad ng isipan ng normal na tao
Nang sa gano'n magkaisa ang mundo ko't mundo mo.

Ngunit isang panaghoy lang lahat,
walang katiyakan
Tulad ng iyong mga iyak at tawa na walang hangganan,
Sa pagtipa man ng bawat pahinang iyong nilalakaran,
'Di man kita lubusang maintindihan
Asahan mong, may salitang Siya na lagi mong makakapitan.

✍︎...

"May mga espesyal na taong di natin lubos maintndihan kung ano nga kaya ang tunay nilang nararamdaman. Kadalasan, nilalait sila, pinagtatawanan, tinatawag na baliw, siraulo o kung ano-anu pa ngunit huwag sana nating kalimautan na kasama rin sila sa NILIKHA. Hindi nila ginusto ang gano'ng buhay, biktima lamang sila sa mapaglaro at komplikadong isip ng tao. Mangmang man sila sa paningin mo ngunit lubos nilang nakikita ang mahahalagang bagay na hindi madalas nakikita at napapansin ng normal na tao. Nawa'y yakapin natin sila ng pagmamahal, hindi ng pangungutya. Mahalin natin SILA!"

Piraso ng PanulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon