|010| LIHAM NG KAIBIGAN

13 2 0
                                    

✍︎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

...✍︎

Tandang-tanda ko pa ang araw no'ng una kitang makita

Maingay ang lahat, nagyayabangan ng kanilang mga bagong gamit sa iskwela

Habang tahimik ka lamang nakaupo at animoy ilag sa iba

Ngunit nang magtama ang ating mga mata doon ko nahinuha "cute ka pala"

Kaya pinaunlakan kita ng isang ngiti na sinagutan mo naman ng isang mukhang mapagsasalaminan ng pagkabigla

Mula nang mga araw na 'yon ay pinangako kong kaibiganin ka

Lalo pat nais kong iguhit ang isang ngiti sa mala-anghel mong mukha

Binibigyan kita ng mga jokes na narinig ko pa mula sa aking ama

Upang mapangiti ka ay sinasabayan ko pa ng tawa kahit wala namang nakakatawa

Kumakanta-kanta pa ako kahit aminado akong ako'y boses-palaka at walang maibubuga

Nabigla na lamang ako nang dumaosdos ang mga luha sa iyong mga mata,

Kaya para akong naparalisa at di alam ang gagawin para patahanin ka

Pagkataranta ang tanging naramdaman ko at pagkabigla, kaya wala akong nagawa

Sa halip na patahanin ka ay sinabayan na lang kita sa iyong pagngawa

Hindi ako tumigil sa pag-iyak hanggang di pa ubos ang iyong mga luha

Ngunit ang di ko inaasahan ang sunod mong ginawa... ngumiti ka;

pinahid mo ang aking mga luha at sinabing "tahan na"

Naging mabait sa akin ang tadhana at naging kaibigan kita,

lagi tayong magkasama sa kalokohang ako ang nangunguna

Nangongopya at nagpapakopya; tumatawa at nagpapatawa;

napakasaya at hiniling ko na sana huwag ng matapos pa

Maraming salitang "sana" ang gusto kong pa sanang ilathala

Ngunit lahat sa mundo ay panandalian lamang

Lahat ng bagay na bago ay kinakalawang

Tulad ng iyong paglisan nang walang paalam

Kasabay ng pagdating ng iyong sulat o liham

Masakit ngunit kailangan kong pilitin na maintindihan

Hiling ko lang sana ay huwag mo akong kalimutan

lalo pa't tinuring kitang tunay na kaibigan na masasandalan sa kalungkutan at kasiyahan

Kung may panahon pa ay sana mabasa mo ang liham na ito...aking kaibigan.

✍︎...

A/N: "Ilang taon na rin, kaibigan ko. Ilang taglagas at tagsibol na rin ang lumipas mula no'ng mga panahon na iyon, parang kisapmata lang...matagal na pala."

Piraso ng PanulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon