|016| MANAGINIP TAYO NG KALAYAAN

8 1 0
                                    

✍︎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

...✍︎

Kung nag-aalab na apoy ang iyong paninindigan
Bakit tila naging tabak na lang ito ng kasaysayan?
Sa bawat butil ng luha na siyang dinilig sa libingan
Na sa pagsapit ng liwanag
Pawang imahe na lamang ng kasaysayan.

Lingunin ma'y para na lamang kwentong bayan
Na minsang naganap at inaalala na lamang
Ngunit ang init noo'y bakit lumisan?

Kung ang paglaya'y panaginip na lamang
Hayaan mong managinip tayo hanggang kamatayan
At ngumiting nakatindig ang watawat ng bayan
Iwagayway sa dulo ng walang hanggan.

Ako'y pilipino na may bandilang panulat
At hanggang sa muli ako'y titindig hawak ang ating watawat!

✍︎...

A/N: "Happy Independence Day, hiling ko'y lumaya ka na sa kung anumang yumayapos sa'yo na walang ibang idinulot kundi puro sakit lamang."

Piraso ng PanulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon