"MEET AGAIN"
AMBER POV;
Nagising ako dahil parang may humahalik sakin dahan dahan kong binuksan ang talukap ng mata ko pero wala naman tao bigla akong napahawak sa sintodo ko ng sumakit ang ulo ko naparami ata ako ng nainom.
Isang beer lang pala yon nainom ko.
Bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa cr pano ako nakauwi?
Aissh mamaya ko na yan aalahanin.
Tumungo ako sa cr para maligo dahil maggrogrocery ako wala na kasi akong stock sa bahay.
________
Nagmamadali akong umalis dahil baka wala na akong masakyan linggo pa naman ngayon.Tumakbo ako sa sakayan ng jeep.
"Kuya meron pa?"Tanong ko kay Kuya nag iisang jeep na lang kasi ehh.
10 palang naman eh.
Napatingin sakin si Kuya at tumango.
"Oo Neng meron pang isa sakay kana at baka maunahan kapa."Sabi ni Kuya Kaya dali dali akong sumakay sa Jeep at oo iisa na lang sa dulo kaya don ako umupo.
Umandar na ang jeep kaya inayos ko ang sarili ko.
Napatingin ako sa mga babae na kinikilig na ewan habang nakatingin sakin nakatingin narin yon dalawang lalaki sa harap ko napakunot ang noo ko eh? Bigla akong napatingin sa tabi ko bigla akong napatigil.
Teka.....
S-Siya y-yon n-nagligtas sakin diba? G-Ginagawa n-nito dito?nNakatitig siya sakin na malamig kaya umiwas na lang ako ng tingin at umusod palayo sa kanya.
Anong ginagawa niya rito? Oo yon yon ang tanong ko kasi mukha pala niya at suot niya palang pang mayaman na jusko anong ginagawa ng isang mayaman sa isang jeep? Tsaka diko pa nakakalimutan ginawa niya noh! Parang trauma na sakin yon.
Napatingin ako sa kanya ng umusod siya palapit sakin nakatitig lang siya sakin na walang emosyon kumunot ang noo at umiwas na lang ng tingin dahil wala ng space sa kaliwa ko.
Malayo pa ba? Ayaw ko na kasing katabi tong lalaking toh feeling ko kasi may mangyayaring masama sakin.
Napapout na lang ako habang nakatingin sa daan.
Sinandal ko ang ulo ko sa hawakan naantok pako saka masakit pa ulo ko nakapout parin ako 15 min pa yon byahe malayo yon supermarket eh tapos matraffic pa ngayon.
Napatingin ako sa katabi ko dahil nakatitig pa siya inirapan ko siya kaya nakita ko na napangisi siya ng maliit dukutin ko mata mo ehh! Bad bad siya akala mo may nagawa akong mali.
______
Bumaba na ako ng nakarating nako sa Supermarket.Naglakad na ako sa Entrance at pumila tinignan ni Ateng guard yon bag ko at pinapasok nako.
Kumuha ako ng basket at nanguha ng mga kailangan ko pumunta muna ako sa mga dilata.
Habang pumipili ako ramdam kong may sumusunod sakin kakaunti pa kasi yon tao kaya napatingin ako sa gilid ko nanliit ang tingin ko sinusundan ba ako ng lalaking toh?
Namimili din siya, diko na lang pinansin at namili na lang baka sadya niya talagang dito nag grocery.
Napatingin ako sa basket na dala ko marami na pala akong napili pero tong lalaking toh ayaw ako tantanan kung saan ako manggaling nandon siya.
Namimili na lang ako ng maiinom ko nakita ko yon tanduay ice try ko nga toh hehe hindi ka naman daw malalasing dyan parang juice lang napangiti ako at kukunin ko sana yon ng may biglang humawak ng wrist ko kaya napatingin ako sa kanya.
YOU ARE READING
My Husband Is A Vampire Prince (Book 1)
VampirosIAN COOPER HUNTER ELIZABETH AMBER SALVADOR