Kevin Hidalgo's P.O.V
Marami kami sa iisa at napakalaking sala.. Noon 10 lang kami sa grupo namin. At ngayon? 13 na dahil isinali namin ang mga mababait kong kaklase.
" Kevin, ano na? " tanong ng pinsan ko na si Reynard. Hahahah.. Excited na makilala yan XD
" Oooopsss.. Sorry.. Anyway Sofia,Andrea and Alexa.. " itinuro ko silang 3 isa-isa para malaman ng mga kaibigan ko kung sino sila.
" Will you please introduce yourself? " tanong ko sa kanila.. Hindi lang iisa ang tinatanong ko, tinawag ko silang tatlo upang magpakilala. Get's? XD
" Ikaw mauna Alexa.. Ikaw yung nahuling tinawag eh.." natatawang sagot ni Andrea kay Alexa. Hahahah! Nabaliw na? Di porket nahuli yun na ang mauuna? XD
" Hala? Diba dapat ikaw Ate? Ikaw yung nasa gitna eh.. Ayon sa kaalaman ko pag nasa gitna ka ibig sabihin nun ikaw ang bida.. " sagot ni Alexa kay Andrea.. Kami? Nagpipigil lang ng tawa.. Ewan ko na lang sa katabi ko na si David, alam kong hahagalpak toh sa pagpipigil ng tawa..
" BWUHAHAHAHAHAHAHAHA!! " Hahahah.. Oh diba ? Biglang sumimangot si Alexa..
" Nakakainis ka talaga! Bakit ka tumawa!? Eh, totoo naman yung sinabi ko na kapag nasa gitna ka , ikaw ang bida! " naiinis na sinabi ni Alexa kay David.
" Hindi ko alam pero.. Bwuahaha!! Nakakatawa talaga! Ang cute niyo kasi tignan lalo na ikaw! :) " sagot ni David.
Halatang nag-blush o sabihin na nating kinilig si Alexa sa nasambit ni David.
" Pero ang totoo niyan.. Si Sofia talaga ang dapat maunang magpakilala.. Right Bestie? :) " tanong ni Andrea. At sa tingin ko mukhang kinakabahan si Sofia or should i say Nahihiya?
" Uhh? Oo . Tutal ako naman nauna eh.." nahihiyang sinabi ni Sofia.
" Pero dapat Ate ikaw ang next sa Bestie natin ahh! Wag kang madaya. " babalang sinabi ni Alexa kay Andrea. Hahahaha ang kukulit nila. Mas lalo tuloy sasaya ang grupo namin. Dumagdag ang makukulit eh..
" Oo na! Bestie.. Go.. Kaya mo yan. " sabi ni Andrea.
" Huwag kang mag-alala. Hindi namin kayo kakainin. " sambit ni Kyle. Baliw talaga itong kaibigan ko. Actually, hindi naman talaga nakakatakot si Kyle. Seryoso lang talaga sa buhay yan . Pero, ewan ko ba kung bakit karamihan ay natatakot sa kanya. Mabait naman siya at kahit kailan walang nagiging kaso sa labas at loob ng tahanan yan. Eh wala nga GF yan eh dahil sa sobrang pagka seryoso eh.
" Uhh..? Okay. Ako nga pala si Sofia Hernandez. 18 years o-- " hindi natapos ang sasabihin ni Sofia ng biglang napasigaw si Kyla. Kakambal siya ni Kyle. Ano nanaman dahilan ng makulit na ito?
" Ikaw-- Si -- Si.. Sofia Hernandez!? Anak ni Tita Shaina Hernandez and Tito Francis Hernandez!? " gulat na gulat na sinabi ni Kyla. Kilala niya din yung parents ni Sofia. Samantalang ako, kahapon ko lang ata nalaman kay mommy na BFF niya yung mommy ni Sofia.
" Yeah.. How did you know them? Are you my cousin? Ang naaalala ko lang may 2 pinsan akong bumisita sa amin when i was 6 years old . Ang pangalan ata nila Kyla and Kyle. Sa pagkaka-alam ko kambal sila eh. " What!? It means magkamag-anak itong 3 toh?
" So Ikaw pala si Baby Iya! Hahahaha! Yung iyaking bata sa playground!? " natawang sinabi ni Kyle. Infairnes. For the first time, dun lang siya tumawa.. What in the world?
" Kuya naman! Wag mo nga asarin si Baby Iya! Este si Sofia! " sigaw na sinabi ni Kyla.
" Kayong dal'wa yung pinsan kong sumapak doon sa baboy ramo na inaway ako!? " gulat na tanong ni Sofia.. Hahaha! Nakakatawa naman ang Childhood memories nila! XD
" Tama kami nga Baby Iya :) . " sagot ni Kyle.
" Payakap nga Sofia! Na-miss kita super duper! " sambit nito na sobrang saya habang magkayakap sila ni Sofia.. They really miss each other. Biruin mo ngayon lang sila nagkita. Nagbitiw na sila sa pagkakayakap.
Ang mas ikina-gulat namin ay biglang niyakap ni Kyle si Sofia ng sobrang tagal at sa wakas nagkahiwalay na sila sa pagkakayakap -_- . Siguro 45 seconds yun..? Binilang ko eh. Kundi man nasa 45 eh cguro 46-48 seconds. Tsss.. NAKAKASELOS. Ay teka? Ako? Hindi naman siguro.
" Namiss kita ng sobra sobra Baby Iya / Cry Baby / Miss Candy. XD sige magpakilala kana ulet. Naistorbo ka tuloy ng kakambal kong si Kyla eh .. " natatawang sambit ni Kyle. FOR THE FIRST TIME IN FOREVER, TUMAWA NA SI KYLE!
" Epal ka talaga Kuya Kyle! " naaasar na sagot ni Kyla.
" Hahahah!! Namiss ko din naman kayo! Ang daya niyo naman kasi umalis na kayo eh. Anyway..Ipagpapatuloy ko na ulit.. I'm 18 years old, and Vice President ng Student Council sa Danville Academy. And... Hiwalay na sila mommy and daddy. Hindi naman sila umabot sa papel na nagdivorce na talaga sila. Umalis si daddy para iwan kami ni mommy.." medyo,, nalungkot nitong sinabi sa bandang huli..
" I'm really sorry. Sana pala hindi ko na pina-alala yung name nila Tita and Tito.. " malungkot din na sinabi ni Kyla.
" No, it's okay. Besides nasa past na yun. Okay na si mommy kaya okay na din ako. We are still happy.. :) " masaya nitong sinabi sa lahat.
Yung ngiti ni Sofia na ganyan? Kahit na masaya niya itong ipinakita , i know that deep inside.. It's hurts.
BEHIND THAT SMILE, IT HOLDS A THOUSAND TEARS...
Ewan ko ba kung bakit nararamdaman ko ang nararamdaman niya. At parang may nagtutulak pa sa akin lalo na mas kilalanin siya..
Sofia, ano bang meron ka at bakit ang dali-dali mo lang maging kaibigan ka?
Kahit na konti lang yung kaibigan mo noon.. Pero sayo ko lang naramdaman na maging masaya ulit.
Maswerte yung lalaking mamahalin ka at mamahalin mo. For sure naman na mamahalin mo yung lalaking mamahalin ka ng totoo eh. Diba nga.? Walang imposible sa diyos..?
BINABASA MO ANG
Sacrifice and Fear
Romance#Sacrifice, lahat tayo ay gagawin o ginagawa ito. Halimbawa na lang, yung mga kabataang tumigil muna sa pag-aaral upang magtrabaho kaya nila ginawa yun ay upang matulungan nila ang mga magulang nila. Nagsacrifice sila para doon. Meron namang aakuin...