before prologue

158 3 0
                                    

"Dalhin mo na ang mga gamit mo!! lagpas ka na sa palugit na binigay ko!!"

Tinakpan ko agad ang ulo ko ng sabay sabay na binato sa akin ang mga libro ko at maleta. Sumabig ang mga ito sa tabi ko, kasabay ng padabog na pagsara ng pinto sa harap ko.

Mula sa pagkakaupo ay tiningala ko ang pinto ng apartment na tinutuluyan ko--pinalayas na ba ko?! ang bilis ng pangyayari. Agad akong tumayo at kinalabog ang pinto, "land lady! magbabayad na po ako sa kinsenas,  wag nyo po kong palayasin lalo at gabi. maawa po kayo!"

namutawi ang katahimikan, walang sumagot. Mukhang wala na talagang silbi ang pagmamakaawa ko. bumuntung hininga na lang ako at inayos na ang mga gamit kobg sabog sabog. Pinagkasya ko ang lahat ng iyon sa maleta at bumuntung hininga ulit ako.

"mama.." bulong ko at tumayo na, dala ang maleta ko palabas ng bakurang iyo. Ngumiti ako sa sarili ko. Sa school na lang muna ako tutuloy ngayon, madali ko lang maiisahan ang guard dahil tulog na iyon sa mga ganitong oras. Tama!

Agad agad akong pumunta sa school at tama nga ako, tulog ang guars. nilusot ko ang maleta ko sa gate,.inakyat iyon at dali dali pero tahimik na naghanap ng magandang tulugan. nagpunta ako aa rooftop kung saan sira ang pinto at nag ayos ng gamit. maya maya lang ay pwde na akong matulog kayat nahiga na ako sa inilatag kong kumot.

Tiningala ko ang langit at pinilit ngumiti. "magiging okay din ang lahat. Kaya ko to." pagpapalubay loob sa sarili ko. "mama, okay lang po ako. wag kayong mag alala. May trabaho po ko, at sasahod po ko sa 15 ."

Pumikit na ako dahil kailangan maaga akong gumsing bukas upang walang makahalata na dito ako antulog.

Gggrrrrrrooowwwl.

Sinapo ko ang tyan ko at ngumiti ulit ako. "Bukas na ko kakain."

--

"Ms. ! miss!"

naalimpungutan ako sa boses na parang may tinatawag.

"Miss Blake!"

blake...? Ako ba ang tinatawag.. wait.. pinalayas pala ako sa apartment na tinutuluyan ko at.. dito ako sa school natulog! Sino kaya ang tumatawag saken, isang studyante?! si mabong guard kaya? Paano kung ang teacher ko?!

Agad akong nagmulat upang makita na at maihanda na ang sarili sa sermon. Pero nakakapagtaka dahil tatlong lalake na naka tuxedo ang lumantad sa harapan ko.

"s..s-sino kayo?" tanong ko, nagtataka kung paano nila nalaman ang pangalan ko.

Inalis ng isang lalake ang suot nitong Shade at nagsalita. "Ako si Diego Sandoval, ipinadala kaming tatlo ng iyong a upang hanapin ka at iuwi sa bahay ninyo."

Napamulagat ako sa sinabi nya, kumabog ang puso ko, takot ba to, galit ba to, hindi ko alam, bastat hindi maganda ang nararamdaman ko. "S-si papa..?"

"Opo miss Blake."

Natigang ang lalamunan ko. Paano.. paanong si papa ang nagpapahanap sa akin? Nung huli ko syang makita ay may kasama syang ibang babae. At ang alam ko ay iniwan nya kami ni mama, sinaktan nya si mama.  Iniwan nya ko noon.. Hindi nya ko gusto.. bakit..

"Hindi ba kayo nagkakamali ng nalapitan..?" tanong ko.

"sigurado kaming ikaw ang anak ni Mr.Blake." sabi pa nya at nagtaas sya ng isang larawan, magkadikit na larawan ko nung bata pa ako at isa na larawan ko last year.

"i..iuuwi nyo ko sa bahay ni papa..?"

"Opo,.ms. Blake. Kasama ni Mrs.Blake at nang inyong kapatid."

"may.. kapatid ako.?" tanong ko, napalunok. "A-ayokong umuwi.."

"wala po kayong choice, ang utos ay utos." sabi ni Diego, maawtoridad. "makakabuti po na sumama na lang kayo."

Unti unti akong tumango.. wala nga akong choice. wala akong matutuluyan. 17 pa lamang ako at dapat ay nasa custodiya pa ako ng mga magulang ko. Ikinuyom ko na lang ang kamao ko at ngumiti kay Diego, wala akong choice. " tama ka. Gusto ko ding makita si papa."

--

Tiningala ko ang malaking mansyon. Ah. ito ang tinutukoy ni Diego na bahay ni papa at ng pamilya nya. Napangiti ako at naalala ang kabataan ko. Dito kasi ang dati naming bahay, dito ako pinanganak at dito ako namulat. Umalis lang kami ni mama dahil may ipinalit na si papa sa amin.

"Sumunod po kayo sa akin." saad ni diego at naglakad na.

Hinawakan ko ang maleta ko at sumunod nga. pumasok kami at napangiti ako, naaalala yung red carpet doon na hindi lumuluma o dumudumi. Maraming nabago sa loob pero marami din namang hindi. nagpatuloy kami ng paglalakad at kung tama ang naaalala ko ay pupunta kami ngayon sa office ni papa.

tama ako, tumigil kami sa harap ng nakakatakot na pinto na yun at iniwan ako ni Diego dun.

Kumatok ako.

"Tuloy."

Si papa! Binuksan ko ang pintuan at tumuloy, nakita ko syang nakaupo sa swivel chair nya, matigas ang mukha at walang pinagbago.

"Shamari."

"B--papa.." sabi ko at yumuko.

"Alam mo na siguro kung bakit kita pinahanap.."

"Hindi pa po.."

"Kailangan ni Chloe ng alalay."

Natigilan ako sa sinabi nya. "C-chloe?"

"Ang kapatid mo. Kailangan nya g bantay, kaya pinahanap kita. Gusto kong maging personal slave ka nya mula sa araw na ito."

--

"I'm chloe. " walang kabuhay buhay na sabi ng babae sa harap ko.

Pagkatapos akong kausapin ni papa at pagkatapos kung maayos ang mga gamit ko ay pinapunta agad ako sa isa raw resort na malapit lang sa bahay. Maayos naman akobg nakarating at nakapunta din ako sa sinasabing hang out ni chloe.

Naabutan ko syang nagsa-sun bath sa tabi ng isang napakalaking pool, may katabing mga katulong na nagbibigay ng lahat ng pangangailangan nya.

Maganda sya, maganda ang pangangatawan, anak mayaman talaga. Lahat siguro ay perpekto sa kanya.

"You must be shamari, my new slave." sabi nya at finally ay nilingon ako. Mag.. magkamata kami. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa bago pumikit ulit."Oh well, atleast your not some negrita with butlig butlig sa face, hindi kita masyadong ikakahiya."

"Ummm.Ako nga si shamari." sabi ko nalang. Bakit ba pinapunta ako di--

natigilan ako ng nagtilian ang ibang babae malapit sa pool. May umahon kasi na dalawang lalake sa pool, na agad inabutan ng twalya ng mga katulong. Kung mahilig ako sa salitang Hot, siguro ay tumili na din ako dahil kakaiba ang dating ng dalawang lalake. gwapong gwapo na naglakad sila palapit kay Chloe, naupo sa bakanteng folding beds sa tabi ng kapatid. koat nanghingi ng juice sa mga katulong.

"Chloe, a girl is staring at you. " sabi ng isa, nakatingin sa akin, blonde ang buhok nito,  nakakaloko ang ngiti.

"Oh! Somehow, she resembles you." sabi din ng isa, blavk haird, gwapo.

"She's chloe's sister. " sabi ng lalake na ngayon ko lang napansin ay nakaupo at nagbabasa sa isa pang folding bed doon.

"Dont mind her,"walang kalatoy latoy na sabi ni chloe, sumisimsim ng Juice.

"I do mind," tawa ng blonde at tumayo, lumapit sa akin at nakipagkamay." Hi, i'm Main L'carlnt. that guy is Leon Coyle, The nerd is Mcloi Wayne."

"I'm not a nerd."reklamo ng isa.

"A-ako.. ako si shamari." sagot ko at yumuko. "Ang bagong personal slave ni chloe."

"Woah! "parang nakuryenteng binitawan agad ako ng lalake. "Dark castes dont touch slaves." Maangas na sabi nya at pakiramdam ko ay sumama ang tingin sa akin ng grupo.

Nagkibit balikat lang ang lalakeng may hawak na libro at sinabing, "I wish Brent is here. Surely, he'd love to bully her."

Hey, i order you..BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon