Prologue

448 9 6
                                    

the casts:

Shamari Blake- 18, female. the toy

    the Dark Caste

Brent Dale-18, male. the enigma. the owner

Main Lcarlnt-18, male. the playboy

Mcloi Wayne- 19, male. the council

Leon Coyle- 19, male.the manipulator

Chloe Blake-18, female. the princess

    others:

Shallaine Lcarlnt- the bitch

PROLUGUE :

Coyle academy. Isang kilalang paaralan sa buong mundo kung saan pumapasok ang anak ng mga politika, ng mga reyna at hari, at ng mga may maari ng naglalakihang negosyo sa buong mundo. Natatabunan nito ang dalawang bundok at makikita ito kahit pa ilang milya na ang layo mo dahil sa nagtataasan nitong mga gusali. IN SHORT: GINASTUSAN ANG SCHOOL NA TO AT EXXAG SA LAHAT.

Ang mga studyante nito ay tinatawag na "Higher caste elites" dahil sa pinapakita nilang kakaibang husay at talento sa halos lahat ng aspeto ng society. Sila ay naiiba, sila ay mas mataas, sila ay dapat na tinitingala lang at kinatatakutan. Mga prinsesa sila at mga prinsipe at kaya nilang ipatumba ang anumang gusto nilang sirain. ganun sila ka influential. Walang pwedeng humarang sa daraanan nila. IN SHORT: PRINSIPE AT PRINSESA SILA.

At ako, si Shamari Blake, lagi lang akong nasa sulok ng paaralan na ito, nakaupo lang sa upuan ko at nakatingin sa labas ng bintana ng silid-aralan. Dahil estudyante din ako ng Coyle Academy, at classmate ko ang mga prinsesa at prinsipe na sinasabi ko, mga mayayaman na tagapagmana na ngayon ay gustong tawaging 'higher caste elites'. Pero hindi tulad nila, ako ay hindi isang prinsesa. Ako ay isang dukha. Sila si Cinderella at Prince Charming, ako ang daga. Langit sila, ako masahol pa sa lupa. Mga dyosa at Dyos sila, ako ay nilalang lamang.

"Oh my god, i cant believe Layla colored her nail purple, it's so lame!!" iyak ng isa kong kaklase.

(Isa ang nail art sa laging problema ng mga rich girls dito sa eskwelahan. )

Bumuntong hininga ako, lumipad ang utak s alabas ng Coyle Academy.

Sa labas ng paaralan na ito, dalawa lang ang klasipikasyon mayaman at mahirap. Pero pagpasok sa paaralang to, maraming uri ng caste, kahit pa lahat halos sila ay higher caste elites.

Ang mga caste ay lima lang. Una, ang pinakamababang level ng caste, "slaves." Sila yung mga naenroll dito para maging maid o guard ng higher castes, mga muchacha, alalay, guards, katulong. Karamihan sa nga slaves ay hindi mo makikita dahil kahihiyan kapag nakita sila katabi ng master nila. Ikalawa, ang 'lowest grades". Ang lowest grades ay ang mga scholar ng Coyle Academy, sila ang madalas na binubully dahil mga dukha lamang sila at ang tuition nila ay libre lamang, ignoring the fact na matalino sila. Ikatlo ang "Thirds". Mga normal daw silang tao, walang talent, walang alam. Mayayaman pero black sheeps kumbaga, kahihiyan sa pamilya mo pag nasali ka dyan. Ikaapat naman ang "Golden Elites". sila ang mga prinsesa , prinsipe, mga VVVVVIPs, at mga importanteng anak at businessman. Sila ang mga magiging pinuno natin sa hinaharap at magiging industriya natin at ekonomiya. Yan dapat ang pinakamataas pero ikaapat palang iyan. Nabuo kasi ang ikalima. Yung grupong yun.. yung grupo ng mga nakakatakot na tao. Ang ikalima ay ang... "DARK CASTE". Two words ang nagiexplain sa kanila ,  'Batas' at 'Fear'. Sila ang bully, sila ang amo, sila ang dapat sambahin at kung anu-ano pa. Sila ang batas, sila ang gumagawa ng batas, sila ang pinaka sa mga pinaka.

Ako, sa slaves ako nabibilang. May tao rito na lagi kong inaalagaan.
ANYWAY, SIMPLY PUT: LAHAT NG STUDYANTE AY STEREOTYPED.

"~Kyaaa, andyan ang Dark Caste!!!"

parang automatic na makina, lahat ng kaklase ko ay tumayo at pumunta sa bintana ng silid-aralan para silipin sila at sambahin. Syempre, dahil sa tabi ako ng bintana, hindi ko na kailangang tumayo para makasilip kaai kitang kita ko na sila. Nasabi ko ba na gwapo ang members ng Dark caste? Malakas ang dating, halatang mayaman, Royal ang lakad at postura, Binibili ang ngiti, sinasamba ang bawat galaw. Inu-auction ang picture at ilegal ang kausapin sila dahil magkakasala ka sa buong mundo. basta gwapo daw sila. Boys over flowers? Taob daw sa kanila.

"Ang gwapo ni Main~!" bulong ng isa kong kaklase. Main Lcarlnt. Lahat sila matangkad at maputi, pero unique si Main dahil sa parang laging nahihiya na aura nito, kahit ang totoo ay napaka-spoiled nya at sadista. Maamo ang mukha at parang anghel din dahil sa katahimikan nya at sa lambot ng boses, pero inuulit ko, sadista sya. Sadista at player. Sya ang pinakakilalang player sa campus na ito dahil araw araw ay iba ang babaeng kasama nya. Tawagin natin syang Do-and-Drop-prince.

"mas gwapo si Leon."

A. Leon Coyle. Mababasa nyo sa apelyido nya kung sino sya. Apo sya ng founder at may ari ng paaralang ito. Sya ang Teen version ng campus director. Pero kahit ganun, down to earth sya at laging nakangiti. Sya ata ang pinaka mabait sa kanila, pero inuulit ko, bully ang dark caste, kaya bully din sya. Ang sinumang makakagalit nya ay di na nakikita sa paaralang ito. Pinapaexpell daw at tinatapon sa kung saang lupalop ng mundo. His The so called Heir.

"... Kya~si Mcloi oh ang cool cool, "

Yan. Nagbabasa ng libro, laging may hawak na libro o clipboard. Si Mcloi Wayne ang brainiac nila. Matalino, laging may hawak na libro, minsan may salamin. Pero gwapo pa din. Student Council President sya at Napakasungit. Snob sa lahat ng fan nya. Pag-inikutan ka nya ng mata, kikiligin ka daw. Pag nginitian ka nya, magpakamatay ka na lang daw dahil galit sya sayo kapag ganun. Kapag hindi nya nagustuhan ang sagot mo sa tanong nya, mababaliw ka.  Cold Prince.

"wala nanaman si Brent..."

Brent Dale. Wala akong alam sa kanya. Hindi sya pinag -uusapan ng kahit na sino. Parang malaking kasalanan pag pinag usapan sya. Basta ang tawag sa kanya ay The Enigma dahil isa daw syang misteryo na parang kabute na sumulpot na lang sa industriya ng mga bilyonaryo, kabute na nakapagkalat at nagkakalat pa din ng napakaraming buildings nya at negosyo sa buong mundo. Crisis sya sa lahat ng negosyante at kahit sa batang gulang daw, sya lang ang nagtayo at nagpayaman sa sarili nya. Promise,.gusto kong malaman ang sekreto nya. Nakikita ko lang ang mukha nya sa mga picture lang at masasabi ko na sya ang pinakagwapo sa lahat ng Dark Castes.

"SHAMARII!!!"

Ah. May nagtatawag sa akin. Si... si Chloe Blake. Ang nag-iisang babae ng Dark Caste, maganda sya, at napaka-athletic. Mala prinsesa ang aura nya. Perfect in everything, best girl in the campus, At sya ang rason kung bakit nandito ako sa school na ito, kapatid ko sya. Dark caste sya at ako ang slave nya, kung bakit, malalaman mo din..

"SHAMARRIIII!!!" tawag nya ulit at nag-cross arm na. kaya lumapit na ako. Tinignan lang ako ng ibang tao at nagbulungan, habang ang dark caste naman ay saglit lang na sumulyap sa akin. I'm a slave, kaya hindi pwedeng matagal nilang iacknowledge ang presensya ko. Chloe smiled at me, so saccharine sweet i cant even tell that it's fake. "I want tea, buy me some."

"... okay." sagot ko, yumuko."Dadalhin ko na lang sa classroom nyo."

Diba sabi ko,.nasa pinakamababa akong caste? well, naenroll ako dito sa school na ito ng papa namin para bantayan sya, ang uniqa hija ng Blakes. Sya ang prinsesa, ako ang slave nya. Sya ang langit, ako ang lupa. Sya ang Dyosa, ako ang nilalang. Ako ay slave ni Chloe Blake, the princess, and my name is ^^ Shamari Blake. 17.

At ang kwentong ito, ay tungkol sa kanila. sa Dark Caste at sa kung paano ako nasangkot sa engranteng buhay nila.
A/N:

thanks for reading. comment kung mamarapatin. pahit ng star pls ^^ . Please read on! pagtyagaan nyo na lang po.

extrame

~.~ introduction this,.

Hey, i order you..BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon