21

112 4 0
                                    

Nagpunta ako sa orphanage ng araw na yun. Inampon daw si Main ng pamilyang Montegruan. Binigyan nila ako ng adress at nahanap ko naman agad. Sinalubong ako ng mukhang gangster na lalake at isang super inosente ang itsura na batang babae.

"Anong kailangan mo kay kuya?" Taas kilay na tanong ng lalake.

Kuya? "Galing ako sa orphanage na pinanggalingan nya. Kung pwede sana, gusto ko syang makita."

". . . Shamari Blake?" sabi nya at naisip ko na kinikwento siguro ako ni Main sa kanila.

"Ako. . . nga. I'm Shamari Blake. Andito ba si Main?"

Humawak sya sa railing ng hagdan at nagpamulsa. He turned at nakita kong tumingin sya sa portrait ni Main sa sulok."Kuya. . . " bumuntong hininga sya."Kuya died last year. . . sorry. Pero di mo na sya makikita. "

Since that day nilagnat ako. Syempre walang nag alaga sa akin. May doctor na bumibisita araw araw pero mag isa lang ako at walang bantay. Pagkalipas ng dalawang linggo, Gumaling din ako. Bumalik ulit ako sa residensya ng mga Montegruan at niyaya ako ng batang babae, Momo ang pangalan nya, na bisitahin daw si Main sa St.Maris.

Nang makarating ako, . . Andun nga sya.

Isang linggo ulit akong nagkulong sa kwarto ko at wala pa ding pakialam sila papa. Ganito naman lagi.

Nang sumapit ang lunes ay pumasok na ako.

"Shamari? Hindi mo alam?" Tanong ni Rimini ng nasa pinto na ako ng room."Binalik ka na ni Brent Dale sa dati mong klase. "

"Eh?" Wala na nga ang upuan ko sa room ng i-a. Kaya pumunta ako sa dati kong room.

"Shamari. I'm so happy youre back!!" Sigaw ni shallaine at niyakap ako ng mahigpit."I'm happy, finally, nakawala ka na Sa enigma. He finally got tired of bullying you."

I smiled weakly. Yay. . .

Naging balik sa normal ang buhay ko. Walang nanggugulo, walang nakakapagod maliban sa mga utos ni Chloe. Dumaan ang klase, ang lunch, ang isang linggo.

Bumalik ulit ang kakaiba at brutal na pambubully ng Dark Caste, ah. Baka hindi ko lang napansin na ganun yun kalala dahil busy ako sa amo ko.

Tulad ng dati, nampipisikal sila. Nananakit, naninira ng image, gustong nasusunod at nag aaway ng susuway sa kanila.

"Boring. . ."Bulong ko, habang nginangata ang sandwich ko.

"I agree." sigh din ni Shallaine, " Mas bored ka siguro. since matagal ka ding naging slave ni Brent Dale.nasanay ka na sa work."

". . . mas napapahinga nga ako eh. " Sagot ko at uminom ng juice." . . . Nambubully nanaman sila dun oh." Turo ko sa sulok. May nagpupunas ng sapatos ni Brent Dale.

"Though i wonder, bakit bigla ka nyang pinakawalan?"

"Ahaha, may klase pa ba tayo mamaya?"

"wala na eh, painting class is cancelled because Rail is using the the art hall."

"Ah, ganun ba." ngumiti ako. "tara, uwi na tayo."

"You'll get even bored at home, Sham."

"Sham?"

she giggled."I heard Brent Dale call you that. Ang cute kasi, i cant help myself."

"Ah. . ." Sham. Ang ganda ng pangalan kong Shamari.

--

"Maaga akong makakauwi ngayon." bulong ko, sabay sara ng zipper ng bag ko.  Thank God.

"Will you go shopping with me?"

"Eh?"

Nginitian ako ni Shallaine.

"Sorry, pero pagod ako eh. sa susunod na lang."

"ay, are you depressed or something? para kasing ang gray ng aura mo."

"Ahaha. Okay lang ako." sabi ko at sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko. "tara na sa gate, may sundo ka di ba?"

"Yes, " ngiti nya. Haist. Ang saya ng ganito.

Natigilan ako sa paglalakad at napasilip sa isang room--

"Shamari, bakit namumutla ka?"

"a-ah. wala!!" ngiti ko at hinila na sya. "Tara, naisip ko, sasama na lang ako sa shopping. "

"Oh,.yay!!"

I smiled back.

Nag-shopping nga kami. Hindi ako nagpalibre kahit gusto nya at medyo 6pm na ng nakauwi ako. Nagkulong ulit ako sa kwarto ko dahil hindi nag-uutos si Chloe dahil parang masaya sya. . .

. . . "Bakit andun silang dalawa sa classroom na yun?"tanong ko sa sarili ko.

Hey, i order you..BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon